Usapang Kababalaghan, Usapang Babae


Rebyu ng Amorosa (Topel Lee, 2012)

Isang kwento ng pamilya at katakutan.

O pwede rin nating sabihing katakutan ng pamilya. Si Amorosa/Rosa (Angel Aquino) ay may dalawang anak na lalaki, si Rommel (Enrique Gil) at si Amiel (Martin Del Rosario). Dahan-dahang nabubulag si Amiel dahil sa isang genetic na sakit galing sa pamilya ni Rosa. Problema rin ang naluluging negosyo ng pamilya. Dagdag pa ang bisyo sa sugal ng asawa ni Rosa. Lumipas ang mga taon ay naging malapit ang magkapatid. Nagpasya si Amiel na tumira sa isang home for the blind para makabawas sa problema sa bahay. Ayaw ng nanay, gusto ng tatay. Nagtatalo habang namamaneho, naaksidente ang sasakyan. Patay agad ang asawa. Malapit sa bangin ang sasakyan ay malapit nang mahulog, pinapili si Rosa kung sin-o ang unang ilalabas. Pinili niya si Amiel.

Binigay kay Rosa ang tungkulin na i-manage ang isang pension house sa Tagaytay na pinupuntahan din nila noon. Papunta sa lugar, may nakitang bangkay. Katawan ng tatay na minulestia ang minorde edad na anak. Meron daw multo sa lugar na pinaparusahan ang mga lalaking abusado. Ang multo ay nakatira sa pension house nina Rosa. Pagkatapos ng aksidente naging pasaway na si Rommel. Alak, barkada, droga. Nagkita si Rommel at Amanda (Jane Oineza), isang ‘childhood crush’. Nalaman ni William (Ejay Falcon) na dating manliligaw ni Amanda na naging malapit ang dalawa at nagplanong maghiganti. Isang gabi, nakatira ang mga gago, pinilit nila si Rommel na pagsamalantahan ni Amanda. Nanglaban si Rommel at nasaksak. Sumali na sa eksena ang mga pulis at ang multo hangang sa nabigyan linaw ang mga nangyayari sa lugar.

-0-

Ang Amorosa ay kwento ng lagim, hindi lang ng mga bagay hindi mapaliwanag, kundi pa rin ang lagim ng kultura ng karahasan ng lipunang patriakal. Ayon kay Freud lahat ng bata ay may binubuong attachment sa kanilang mga nanay. Feminine ang isang mama’s boy dahil mas nasusunod nya ang mga katangian ng isang babae. Sa kaso ng magkapatid, naging feminine sila dahil sa pangangailangan, dahil sa kapansanan ni Amiel. Nangmawala si Amiel, unti-unti nang naging macho si Rommel. Yun nga, alak, druga, mga babae, at iba pang bagay na nagpapatunay na sumasangayon siya sa ekspektasyon ng lipunan kung paano dapat umasta ang isang lalaki. At kalakip dito ang pagiging marahas.

Sabi nga ilang feminista, ang pinakaugat ng pang-aapi sa kababaihan ay sa antas ng pamilya. Bale nagsisimula lahat sa romansa, napinakita sa kwento ng multo at muntik nang maulit sa kaso ni Rommel. Tinuturo ng lipunan na ang babae ay dapat mahalin, etc pero sa realidad, second class citizen pa rin ang mga babae (sa pamilya, trabaho, rehiliyon, at pulitika). Pinakita ng tauhan ni Rommel na kayang sumipak ng isang anak na lalaki sa kanyang ina pero hindi niya kailangan sumunod sa mga hindi pantay na pagtrato sa mga babae sa lipunan kanyang kinalakihan. Ito ang mukha ng feminismo na iilan lang ang nakakakita. Akala kasi ng karamihan, ang feminismo ay para lang sa mga babae, isang kilusan para mapaglaya ang kababaihan sa mga lalaki. Pero sa katunayan ay kinakalaban nito ay ang sistema mismo ng patriakya hindi ang mga indibidual na mga lalaki; mga binibigyan nito ng mga pribilehiyo pero inaalila rin.

-0-

Maganda ang simula pero nang tumagal naging sintunado na ang takbo ng naratibo. Sa isang banda, malalim na psychological drama na ipinares naman sa isang paranormal na penomenon (multo). Naging alanganin na drama at alanganin na horror. Sana’y hindi ito magiging dahilan para ibalewala ng mga manonood ang realidad ng karahasan laban sa mga babae. “Multo-multo lang naman yan eh”. Siguro gustong ipakita ng Amorosa na dapat mas katakutan ang mga buhay kesa sa mga patay. Ang mensaheng ito ay hindi madaling mabasa dahil hindi sinabi sa madaling paraan.

About these ads

2 thoughts on “Usapang Kababalaghan, Usapang Babae

  1. dapat rin naman igalang ang mga lalaki ehh, pero ung dapat hindi lang nanakit ^^ :)) dahil ang mga lalaki ang bubung ng tahanan ^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s