Delayed: Hingil sa Temporal na Dimensyon ng Edukasyon


Pagkalipas ng limang taon, ga-graduate na rin ako ng college ngayong buwan. Pang apat na taon lang ang kurso (Sociology) ko pero inabot ako ng lima. Nag-transfer kasi ako ng school at hindi na-credit ang karamihan sa mga subjects ko. Ang disisyon na yon marahil ang isa sa pinakamatapang na bagay na nagawa ko sa buhay ko. Ang hindi mag-atubiling ma-“delay” sa pag-aaral. Ngayon, marami rin akong mga kakilala, at mga malalapit sa akin, ang made-“delay” rin. Parati kong sinasabi na ayos lang yan, “delayed” naman ako. Ang parating sumbat nila sa akin, iba naman ang sa kaso ko. Karamihan sa kanila may bagsak o kailangan ulitin na subject. Bale para sa kanila, ang tipo ng kanilang pagka-“delay” ay nakakahiya. Dahil mahirap na buhayin ang kanilang loob, susubukan ko nalang himay-himayin ang pinagdadaanan nila. Bakit sila nalulungot, nahihiya, nadidismaya sa kanilang mga sarili? At ano ang mga pwersa ng lipunan na nagdudulot nito?

Dahil na rin sa personal na karanasan, hindi na ako naniniwala na ang pagkahuli sa pag-aaral ay awtomatikong sanhi ng pagka-bobo ng isang estudyante. Meron ng mga tulad ko na huli nalaman kung ano talaga ang gusto nila. Meron din nahuhuli dahil hindi masigurado kung ano talaga ang gusto nila, kaya palipat-lipat ng kurso (mas mabuti na ito kesa sa mga martir at cynical na wala planong tuklasin kung ano talaga ang gusto nila). Meron din nagka-problema sa thesis halimbawa: sa data, sa teacher, sa partner, atbp. Meron din financial ang problema, walang pera para makapag-aral. Paano naman ang mga lugar na magulo, mga conflict-zones halimbawa. Meron din naman yung mga batugan talaga. Ang pagka-“delay” ay kailan man hindi naging isang homogenous na karanasan. Kailangan maghukay pa ng mas malalim. Ano ba ang nature ng sistema ng edukasyon sa bansa? Kapag nasagot na yan, saka lang lilitaw na ang mga ugali at paniniwala hingil sa temporal na dimensyon ng edukasyon ay parte ng mas malaking sistema ng paaralan at ng buong lipunan mismo.

Sa isang bansa na lantad ang kahirapan at ekonomikong di pagkapantay-pantay, isang investment o puhunan ang pag-aaral. Hindi lang na panahon, dedikasyon, talino, pero lalo na ng pera o ekonomikong kapital. Madalas marinig ang biro na ibibenta na daw ang kalabaw sa bukid para magkapag-aral ang isang estudyante. Nakakatawa pero may kasamang ‘sipa’ ang biro na ito. Pera pa lang yan, isama mo pa ang mga usapin ng availability ng eskwelahan (ilang oras naglalakad ang ilang bata para makarating sa klase?), mga isyu ng diskriminasyon (may alam akong mga kaso kung saan ayaw mag-aral ng mga batang katutubo dahil nilalait sila sa klase) at siempre bullying. Isama ang kalidad ng edukasyon (materials, teacher-student ratio, etc). Kung makatapos ka ng pag-aaral sa kolehiyo (plus points kung sa “magandang” pamantasan), ito ay isang tagumpay hindi lang sa iyo kundi ng buong pamilya mo, pati kumunidad mo. Kaya talagang pinapa-frame ang diploma (isama na mga medal, ribbon, trophy, etc) sa pader katabi ng ibang simbolo na sinasamba tulad ng santo o krus. Hindi simpleng pride lang ang binigigay ng mga simbolong ito kundi pati na rin lakas at dahilan (meaning) sa buong pamilya sa pagtahak sa masalimuot na lipunan.

Dahil nga isang investment ang edukasyon, ang kapitalistang lohika ay nagdidikta na may dapat babawiin (return of investment) at tubo (profit) pa nga. At siempre may temporal dimension ang prosesong ito. Mag-aral sa pinakamadaling panahon, para makabawi sa pinakamadali ring panahon. Ngayon kung “delayed” ka, isa kang magastos (sa parehong pera at panahon) na parte ng operasyong ito. Taliwas ka sa ninanais ng sistema. Kaya ka hinugusgahan, nilalait, ng ibang tao at madalas pati na rin ng sarili mo. Merong napakaraming paraan para ma-reinforce ang mga ugali at paniniwala na sumusuporta sa sistemang panlipunan na ito. Halimbawa, bakit sumusulpot ang mga “success stories” ng mga henyong bata na “advanced” o mas naunang nakapagtapos ng pag-aaral kesa takdang panahon? Alam kong sikat ay yung nag-graduate na 16 lang yata yun sa UP, hindi ako sigurado, basta youngest graduate ever daw (by 21 yata nya, youngest PhD holder din sya). Meron ding isa pang version ng “success stories” na ito: yung mga matatanda na pero nagsumikap pa rin mag-aral. Yung mga nanay o tatay o lolo o lola na pinilit mag-aral sa night class man o sa regular na paaralan. Nafa-facinate tayo ng mga kwentong ito, pero sa likod ng spektakulo nakalatag ang isang kaayusan na pinapaboran ang isang minorya at lumilikha ng isang abang uri.

Ang zone of peace na programa ng DepEd ay para sa mga paaralan na nasa conflict-zones sa bansa, sa Mindanao halimbawa. Pero nilagay na rin ito sa ibang paaralan sa bansa dahil tumutukoy rin ito sa iba't ibang anyo ng kaharasan (e.g. bullying). Dapat daw parating neutral ang paaralan. Ang problema ay ganito: ang espasyo ng skwelahan ay kung saan nangyayari ang intelektwal at ideolohikal na pagkahubog ng mga bata. Dito dinidikta kung ano ang "tama" o "mali", ang "kanaisnais" sa "di kanaisnais". Sa ganitong aspeto, paaralan ay likas na espasyo ng karahasan. imahe mula sa http://depedmandaluyong.wordpress.com/2013/10/14/zone-of-peace-banner/. Tignan din ang artikulong http://www.mindanews.com/top-stories/2013/12/02/deped-12-declares-all-schools-as-zones-of-peace/

Ang zone of peace na programa ng DepEd ay para sa mga paaralan na nasa conflict-zones sa bansa, sa Mindanao halimbawa. Pero nilagay na rin ito sa ibang paaralan sa bansa dahil tumutukoy rin ito sa iba’t ibang anyo ng kaharasan (e.g. bullying). Dapat daw parating neutral ang paaralan. Ang problema ay ganito: ang espasyo ng skwelahan ay kung saan nangyayari ang intelektwal at ideolohikal na pagkahubog ng mga bata. Dito dinidikta kung ano ang “tama” o “mali”, ang “kanaisnais” sa “di kanaisnais”. Sa ganitong aspeto, paaralan ay likas na espasyo ng karahasan. imahe mula sa http://depedmandaluyong.wordpress.com/2013/10/14/zone-of-peace-banner/. Tignan din ang artikulong http://www.mindanews.com/top-stories/2013/12/02/deped-12-declares-all-schools-as-zones-of-peace/

Kaya maraming umalma sa K-12 (at isama na rin ang usapin ng calendar shift), mga espesyalista man o karaniwang tao. Una, dahil dagdag gastos ito (production costs ika nga). Ikalawa, alam ng iba na ang ugat ng problema ay mas malalim pa kesa sa usapin ng curriculum o competitiveness ng mga estudyante, mga “produkto” ng edukasyon. Kaya ngayong panahon ng pagtatapos, hindi ko rin sasabihin na gasgas nang kasabihan na magsisimula pa lang ang totoong pag-aaral. Walang simula o katapusan ang pag-aaral dahil mula noon ang paaralan ay parte ng lipunan, hindi ito hiwalay sa mga kontradisyon at antagonismo nito. Hangat hindi yan nauunawan at nasasabuhay, kahit pa punong-puno na ang pader ng sala at opisina mo ng mga diploma, hindi ka “edukado”. E ano ngayon kung inabot ka ng limang taon (o higit pa) sa kolehiyo? E ano rin kung natapos mo ito sa loob ng dalawang taon? Ang pagiging estudyante ay isa lamang sa maraming aspeto ng iyong pagkatao. Kung meron mang sukatang magaganap hindi ito base sa iyong nalalaman kundi sa iyong ginagawa (o hindi ginagawa). Meron pang mito na ang karamihan (kung hindi man lahat) ng problema sa mundo ay sanhi ng mga “bobong tao”. Ang mga totoong at mas malaking sulirain na lipunan ay gawa ng mga “matatalinong tao” sa simpleng dahilan na kaya nila itong lusotan. Kaya ba ng isang “bobo” na magmaniobra ng isang scheme tulad sa ginawa ni Napoles sa pork barrel? O ang mga taktika ng mga punong-maylupa at malalaking negosyante para ipagkait ang mga karapatan at benepisyo ng mga magsasaka at manggagawa? Sa huli, hindi lang kwestyon kung sino ang may nalalaman, kundi para kaninong interes nya ito ginagamit.

Ang pagpuksa sa mga problema ng lipunan ay meron din temporal na dimensyon. Maganda kung magagawa sa lalong madaling panahon, pero mas mainam kung ang mga solusyon ay yun ding pangmatagalan.

Isang Araw sa Buhay ng mga Tumandok


Para sa mga detalye ng assembly, bisitahin ang Bulalat.com

Simula ng isa't kalahating oras ng paglakad sa maputik, mabato, at matatarik na daanan

Simula ng isa’t kalahating oras ng paglakad sa maputik, mabato, at matatarik na daanan

Marami pa ring mga poste ng kuryente na sinira ng Bagyong Yolanda ang hindi pa rin nakukumpuni

Marami pa ring mga poste ng kuryente na sinira ng Bagyong Yolanda ang hindi pa rin nakukumpuni

4 bw

Nagkarron ng literal na kahulugan ang tula ni Frost na 'The Road Not Taken'

Nagkarron ng literal na kahulugan ang tula ni Frost na ‘The Road Not Taken’

Sabay-sabay na pagdating na may kasamang agit para ipakita ang suporta sa mga Tumandok

Sabay-sabay na pagdating na may kasamang agit para ipakita ang suporta sa mga Tumandok

Simple pero epektibong sistema ng seguridad para hindi makapasok at makapanggulo ang masasamang elemento sa assembly

Simple pero epeftibong sistema ng seguridad para hindi makapasok at makapanggulo ang masasamang elemento sa assembly

Walang paligoy-ligoy na tema ng assembly

Walang paligoy-ligoy na tema ng assembly

10 bw

12 bw

Mga medical volunteers

Mga medical volunteers

Mga dokumento para sa workshop at consultation

Mga dokumento para sa workshop at consultation

17 bw

16 bw

Munti palabas/intermission number para sa mga bisita

Munti palabas/intermission number para sa mga bisita

18 bw

19 bw

Mga membro ng Tumandok council mula sa iba't ibang brgy. Ilan sa mga problema ay military harassment, land grabbing, diskriminasyon, mega-dam projects, kapabayaan ng pamahalaan sa mga naging biktima ng Bagyong Yolanda

Mga membro ng Tumandok council mula sa iba’t ibang brgy. Ilan sa mga problema ay military harassment, land grabbing, diskriminasyon, mega-dam projects, kapabayaan ng pamahalaan sa mga naging biktima ng Bagyong Yolanda

Pag-encode ng datus sa pinsala ni Yolanda

Pag-encode ng datus sa pinsala ni Yolanda

Mga dakilang membro ng food committee

Mga dakilang membro ng food committee

Presentation ng mga napag-usapan sa nakaraang workshop

Presentation ng mga napag-usapan sa nakaraang workshop

27 bw

Munting sayawan para ipagdiwang ang tagumpay ng assembly

Munting sayawan para ipagdiwang ang tagumpay ng assembly

Isa sa maraming tawanin na hindi na makikita pa sakaling matuloy ang mega-dam project. Wakas ng assembly

Isa sa maraming tawanin na hindi na makikita pa sakaling matuloy ang mega-dam project. Wakas ng assembly

Bakit kailangan natin ng Halloween special tungkol sa mga Halloween special


ISANG linggo bago mag araw ng mga patay, nag-Halloween special na ang palabas na Alisto sa GMA, si Arnold Clavio ang host, pagkatapos ng Saksi, kada Huwebes ng gabi (o madaling araw). Alisto ang Alisto, two parts kasi ang kanilang special. Basically parang public service din ang format ng show, mga simpleng case studies at investigative reports na masyadong mahaba at di nakasya sa news lang. Kagabi, ang topic ay tungkol sa Maharlika Highway sa Quezon, kung saan kamakailan lang may naaksidente na naman at dalawampu ang patay. Sabi ng marami, haunted daw ang kalye. At salamat sa Diyos, pinatunayan ng show na hindi ito totoo. Pero marami pa rin silang ginawang pakulo para sa ngalan ng Halloween special.

Siempre dyan ang interviews sa mga kamag-anak ng mga naaksidente. Dyan ang reenactment na pang horror movie ang aura. Sabi mismo ng isang nanay, kung naging mas bihasa lang anak nya sa pagmotor, sana di sya na aksidente. Bingo! Pero dahil Halloween special, dyan pa ang mga paranormal experts na nag-imbestiga. Gamit ang mga gadgets nila, marami silang nakuhang mga enehiya sa lugar. Okay. Pero alam ng nanay sa loob-loob nya na namatay ang anak nya dahil sa di nga ito masyadong magaling magmotor. Pagkatapos mapanayam ang mga paranormal experts, sa ibang experts naman ininterview ng show.

Sabi ng isang engineer, masyadong maliit ang kalye, dalawang lanes lang pero mga truck at bus ang dumadaan. Marami ring blind curve kung saan dapat mag-hinayhinay at wag na wag kag oovertake. Sunod pinakita ang isang damuhalang truck na nag-overtake sa isa pang dambuhalang truck, sa isang blind curve. At lahat ng ito ay mas delikado kung umuulan. Kinunsulta din sila ang isang head ng presinto na nakatoka sa traffic. Minsan kasi, ang mga driver, pagod na kung gabi kaya hindi alisto, kaya napapahamak. Kahit hindi sinabi ng pulis, malalaman mong maraming kulang na resources ang ahensya. Dapat sana mas maraming tao ang mga pulis, dapat sana may mga speed-meter-radar-gun, dapat sana mas mabigat ang parusa sa mga mahuhuling maglalabag ng batas. May proyekto na rin daw na nagpadagdagan ang streetlights, pero sa ngayon mga street signs lang muna.

So kahit gustong ng show na magpresinta ng aura ng kababalaghan, pinakita pa rin nito na walang mga multo, meron lang kakulangan ng pondo at mga komprehensibong programa. Malaking relief ang atake ng programa kumpara mo sa news features na tumatalakay sa mga kababalaghan at tinatapos ang kwento na open-ended. Parang ‘sa huli kailangan pa rin ng matibay na pananampalataya.’ Sayang at kakarampot lang ang gising para manood ng late night news. Takot din yata ang mga malalaking media corporations na ‘to na maging masyadong matalino at kritikal ang populasyon.

ANG spiritual realm ng mga Filipino, o ng kahit sinong nasyon, ay parte ng isang narrative, o isang sistema ng mga paniniwala o paraan ng pag-make sense ng reality. Bago pa dumating ang mananakop, ito ang pinakamalakas ng narrative. Ang paniniwala ng tao, parte sila ng kalikasan kailangan nilang gawin ang parte nila para mapanatili ang kaayusan o harmony. Kaya merong mga alay at seremonyas bago magtanim, mangaso, o gumawa ng bahay. Ang konsepto ng aswang ay lumabas dahil noon mataas ang infant mortality rate, maternal mortality rate, so para maging scapegoat, sasabihin nilang, inaswang ang bata. O di kaya mga kwento na may mga enkanto o ‘mariit’ ang isang gubat. Ibig sabihin, wag kang pupunta dyan at mangagambala. Gusto mong pangalagaan? Wag mong pakialaman. Ito ang totoong environmentalism, hindi yung nagfa-fun run ka lang. Pagdating ng Kastila, nakita nilang medyo mayaman na ang kultura ng mga ninuno natin. Problema nila paano kumbinsin ang mga ‘indio’ na maging Krisyano (at maging alipin). So ang ginawa nila, sinabihan ang mga tao na totoo ang mga elementong yan pero mas makapangyarihan pa rin ang baon naming Diyos, at si Jesus Christ. Dito na umusbong ang folk Christianity, nagkahalohalo na ang mga practices at paniniwala. Kaya kung may mga masamang elemento o problema, hindi lang sa baybaylan o albularyo ang takbo, pati na rin sa pari. Ang lipunan ginawang mangmang ng rehiliyon ang kinalakihan at kinamuhian ni Jose Rizal, kaya isa syang malaking advocate ng edukasyon at kanurungan. Para umunlad, kailangan maging scientific ang mga tao sa paglutas ng mga problema nila, hindi yung dasal-dasal lang. Kaya si Rizal, hindi lang subersibo, erehe din kasi alam nyang magkakontsaba ang simbahan at pamahalaan sa pagpapahirap sa mga Filipino.

Kung natatakot ka dito pero wala kang pakialam sa mga taong kayang magnakaw ng billion-billion mula sa kaban ng bayan, malaki nga ang problema mo...image from http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Manananggal.jpg

Kung natatakot ka dito pero wala kang pakialam sa mga taong kayang magnakaw ng billion-billion mula sa kaban ng bayan, malaki nga ang problema mo…image from http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Manananggal.jpg

Pagdating ng mga Amerikano, pinalaganap nga ang edukasyon, pero sinupress naman ang nationalismo kasi wala silang pinagkaiba sa mga Kastila, nandito sila para i-exploit na bansa kahit ‘benevolent assimilation’ pa ang tawag nila. May edukasyon nga, pero bakit hindi pa rin naging scientific ang mga tao? Ito ay dahil ang edukasyon, tulad ng rehiliyon, ay ginamit na instrumento ng kolonialismo. So natuto ang mga tao na magsulat, magbasa, at magbilang. Pero English ang medium of instruction, at ang context, American o Western. Ito na ang pinakatawag ni Constantino na ‘miseducation’. Ang mga tao ay nahuhumaling sa kulturang Amerikano at ang tingin nila sa sariling kultura ay mababa o backward. Natuto nga silang kumain ng ice cream, manood ng sine, sumayaw ng swing, pero hindi ibig sabihin nun, ‘modern’ na sila mag-isip. Paano magiging modern ang kanilang intellectual na antas kung ang kanilang realidad ay pre-modern pa rin o feudal. Mahirap pa rin ang buhay, iilan lang may-ari ng lupa, at ang relasyon ay nakabase pa rin sa pabor. Bale feudal talaga. Hindi ka aasenso talaga kung wala kang kilala, hindi base on merit ang social mobility. At ang sistemang ito ay siempre nagse-serve ng interest na colonial master at ang kanilang intermediaries. Isang sistema na marahil nagbago ng mukha pero pareho parin ang pag-opera.

Hindi tinatalaban ng krus ang mga totoong halimaw ng lipunan...image from http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/02/20/13/2-kapamilya-teleseryes-close-race-no-1-tv-show

Hindi tinatalaban ng krus ang mga totoong halimaw ng lipunan…image from http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/02/20/13/2-kapamilya-teleseryes-close-race-no-1-tv-show

ANG lipunang Filipino ay isang malaking collage ng mga paniniwala, uneven ang development, heterogonous. Sabi naman ng ibang edukado, hindi naman sila naniniwala sa mga pamahiin pero sigurista lang. Ganun pa rin, in-aknowlege mo pa rin eh. At ang masalimuot na kaayusan na ito; kung saan kokonti lang ang mayayaman at marami ang nagugutom, kung saan inaasa sa swerte o dasal ang redemsyon, ay lalo pang mini-maintain ng media, consciously or unconsciously, gamit ang kanilang mga Halloween special. Kaya kailangan natin ng Halloween special tungkol sa Halloween special para mabulgar o ma-demystify ang lahat ng kaganapan na ating lipunan. Ayon nga kay Barbara Creed, ang horror o kababalaghan ay hindi na limitado sa mga pelikula o mga kwentong hayag na kathang-isip lang. Ang structure o formula ng horror ay makikita mo mismo sa format ng news. Subukan nating himayhimayin.

Ang ba ang laman ng balita at paano ito pinipresinta? Una, may mga balita ng patayan, nakawan, holdapan. Ito ang mga krimen na madalas ginagawa ng mga lower class dahil na rin sa kahirapan. Ito yung mga balitang tatakutin kang lumabas sa bahay, yung tipo na sisiguraduhin mo parating naka-lock ang bahay nyo. Ikalawa, may mga balita ng katiwalian, korapsyon, anomalya, sa pamahalan man o malalaking kompanya. Ito ang mga krimen na madalas ginagawa ng mga tao sa taas, hindi dahil wala na silang makain kundi dahil pinapahintulutan ng sistema na gawin nila ito. Ito yung mga balitang uubos sa tilawa mo sa pamahalaan, tutulak kang mabuhay at mag-isip para sa sarili o para sa pamilya lang. Bahala kayo sa buhay nyo, sabi mo sa sarili, pero alam mo rin na maapektohan ka, direkta man o di direkta. Ang huling parte ng news ay yung ‘light’ (pero mas gusto kong tawaging ‘shallow’) jounalism. Tungkol sa sports, sa showbiz, sa lifestyle, at madalas nagkakahaluhalo na ang mga ito. So may balita tungkol sa artista na may nobyong basketball player na mahilig magbakasyon sa kwan dahil bla-bla-bla. Ito ang mga balitang pinapangarap mong mangyari rin sayo. Pagkatapos mong makita kung gaano ka problematiko ang mundo, sasabihin mong ‘hay, maganda pa rin ang mundo’. May gusto pa akong idagdag sa tatlo. Ito yung mga features tungkol mga efforts ng foundation ng media corporation mismo. So may baha, may lindol, may sunog, wag kayong mag-alaala nandito ang aming foundation para bigyan kayo ng isang bag ng grocery, goods na sapat lang talaga para magbigay ng ‘relief’. Sa libu-libong tsinelas na binigay ni Korina, paano kaya kung nagpatayo na lang sya ng maayos na kalsada para hindi na masira ang tsinelas ng mga bata? Malamang sasabihin nyang hindi ko na trabaho yan. Hindi ko naman sinasabi na in vain ang lahat na efforts ng mga taong ito, pero kailangan tangapin na ‘band aid solution’ lang ang mga ito. At ang mga features tungkol sa mga foundations na to ay sinasabing masalimuot nga mundo, pero hindi kami parte ng problema. Bakit ito masama? Ika nga ni Noam Chomsky, kahit gaano pa ka-inefficient ng isang estado dapat pa rin mag make ng demands ang mga mamamayan dahil ang pamahalaan, at the end of the day, ay liable pa rin sa populasyon. Ang mga private at capitalist na establishments, hindi.

Sabi minsan ng prof ko na manghang-mangha sa pista ng Nazareno na tumagal ng sobrang isang araw, paano kaya kung imbes sa Quipo ay pumunta sa Mendiola o Senado ang mga taong iyon? Tapos humingi sila ng mga concrete na demands, tulad ng pamimigay ng lupa o pag-abolish ng pork barrel. Sana ngayong Halloween, wag tayong malasing masyado sa mga orkistradong katakutan sa mga palabas at Halloween specials, sa punto na wala na tayong tapang harapin at talunin ang kababalaghan ng araw-araw, ng ating lipunan.

Nag-uumapaw na potensyal ng pagbabago...image from http://avg1103.blogspot.com/2013/01/pista-ng-nazareno-opinyon.html

Nag-uumapaw na potensyal ng pagbabago…image from http://avg1103.blogspot.com/2013/01/pista-ng-nazareno-opinyon.html

Kailan Dumating ang ‘Filipino Time’ (at Kung Kailan Ito Aalis)


Minsan pinaalam samin ng prof namin na wala kaming pasok sa susunod na meeting kasi required kaming umattend ng isang lecture-forum. Nang dumating na ang araw ng forum, sinabihan ko ang isa kong kaklase na sabay na kaming pumunta sa venue. Medyo na peste ako nang handa na ako pero sya hindi pa. Magkasama kami sa dorm pero magkaibang kwarto. Kailangan pa naming sumakay ng traysikel para makapunta sa building ng venue. Sabi nya, “Wag kang maalala, hindi pa naman siguro yun magsisimula agad.” Walang basehan ang kanyang ‘hypothesis’ pero kinagat ko ito

Nagmadali kaming pumunta, halos 20 minutes late na kami, pero hindi pa nagsisimula. Dumating sa oras ang speaker pero okay lang kahit hindi magsimula agad, pagod kasi sa byahe. Naghintay pa kami ng another five minutes para madagdagan ang mga tao sa lecture, bago ito nagsimula. Maganda ang lecture. Ang problema dahil may oras ang reservation sa parang function room, pinaiksian ang question and answer na part. Successful naman sa pangkalahatan pero sa likod ng isip ko sana naging mas successful pa ito kung hindi kami (at ang iba) na late. Mas marami sanang napag-usapan, mas satisfied pa ang lahat.

Habang naglalakad papunta sa ibang klase, nagsunod-sunod na ang mga tanong sa isip ko. Pero ang pinaka puno’t dulo nito ay, “Kailan ba dumating ang ‘Filipino Time’?”

-0-

Bata pa lang ako alam ko na ang konsepto ng ‘Filipino Time’. Madalas ang mga Pinoy na late sa mga usapan, opisyal man o di-opisyal. Sabi ng marami (kung di man lahat), ang masamang kaugalian na ito ay ‘tinuro’(ayon sa iba, ito’y ‘minana’) ng mga Kastila. Noon daw kasi kapag may mga okasyon, parating huli ang mga Kastila. So kapag pumasok sila sa silid, lahat ng atensyon ay nasa kanila. Naging modelo di umano ito sa mga Filipino o mga indio. Siguro may katiting na katotohanan ang paliwanag na ito pero parang masyadong mahina para maging justification ng ‘Filipino Time’. So nagsimula akong maghanap ng mas malalim at valid na eksplinasyon sa likod ng phenomenon ng ‘Filipino Time’.

-0-

Ang mga sinangunang Filipino ay walang konsepto ng oras o ibang iba ito sa kasalukuyang konsepto natin. Noon simpleng-simple ang buhay ng mga tao kapag oras ang napag-uusapan. Ang kanilang mga oras ay ‘umaga’ ‘tanghali’ ‘hapon’ ‘gabi’ ‘madaling araw’ ‘dapithapon’, ‘madali’, ‘matagal’, atbp.

So kapag may gawain malamang ang mga sinasabi nila ay “Mag-igib ka bukas ng umaga.” o di kaya, “Mag-ipon ka ng panggatong mamyang hapon.” Very general ang mga konsepto nila ng oras. Malamang ‘body clock’ at kalikasan lang ang inaasahan nila. Halimbawa, kung ako’y magsasaka, mas madaling magtrabaho kapag madaling araw o hapon kasi hindi gaanong mainit. Kaya sasanayin ko ang katawan ko na magising ng madaling araw, tsaka magpapahinga sa umaga. At kapag anak ako ng isang magsasaka, bata pa lang ako, sasanayin na ako ng paerts ko. At ito rin ang gagawin ko sa mga magiging anak ko.

Noon, walang magsasabing, “Uy, 12:10 noon na, kailangan na natin magtanghalian.” Siguro dahil masyadong maiinit na para magtrabaho kaya sila kakain ng tanghalian sa oras na yon o di kaya ubos na ang lakas nila mula sa almusal nila.

-0-

Ang simple ng buhay noon pero nagbago ang lahat ng ito nang dumating at sinakop ng mga Kastila ang mga sinangunang Filipino. Tinuro nila ang Kaluraning pamumuhay kung saan integral ang oras. Halimbawa, ganitong oras nagsisimula ang misa o ang palabas. O dapat ganitong oras tapos mo na ang mga gawain mo. Para mas epektibong masakop ang mga indio, ipinatupad nila ang operasyon ‘reduccion’. Noon kasi communal living ang ginagamit ng mga indio, sa isang baranggay lang madalas umiikot ang buhay mo. Binago ito ng mga Kastila. Imbes na isang baranggay ang basic unit ginawa nilang pamilya (tatay, nanay, at mga anak).

Para mas madali ang pagkontrol sa mga indio kailangan nilang i-centralize ang pamumuhay ng mga tao. Matagumpay ang plano na baguhin at kontrolin ng mga Indio sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay gamit ang straktura ng bayan kung saan magkakalapit ang simbahan (religious), skwelahan (educational), munisipyo (political), plaza (social), palengke (economical), at pati na rin ang sementeryo (kabilang-buhay, ganun ka grabe). Hanggang ngayon ay na-retain ang arrangement na to. Sa lahat ng uri ng gawain ng mga tao, ang konsepto ng oras ang hindi nawawala.

-0-

Lalo pang nag-iba ang lahat ng dumating ang mga Amerikano. Pinatibay at pinalawak nila ang urbanismo. Sa syudad merong working hours, time in-time out, store hours, bus at train schedules. Kaya siguro tinawag na “mabilis ang takbo” ng buhay sa syudad. Lahat ay ensakto sa oras, lahat ay sinusukat, lahat ay minamaximized for productivity. Sa tingin ng mga Amerikano, mga tamad ang mga Filipino. Parati kasing huli at mabagal kumilos. Kaya ‘Filipino Time’ ang tawag dito hindi ‘Oras Filipino’. Naging mahirap ang pag-adjust ng mga indio sa patakaran ng mga imperyalista. Ang ‘Filipino Time’ ay hindi likas sa mga ‘Filipino’ ito ay isang opinyon at prejudice ng isang Tagasakop, ng mga Banyaga. Isang bansag na nang tumagal ay tumatak at tinangap ng mga Filipino.

-0-

Meron namang ibang theory na may kinalaman pa rin sa kasaysayan. Kapag dumating nang maaga sa isang okasyon o lakad, merong impresyon na ‘atat na atat’ ang bisita. At di umano hindi ito isang magandang bagay. Sa Hiligaynon, sa tingin ko ang mas angkop na salita ang “manol”.

Kapag maaga kang dumating, meron kang ‘over enthusiastic’ kung di man ‘naïve’ na ‘aura’ at ito ay di kanaisnais. Isa pa, kung una kang dadating, malamang magkaka-one on one kayo ng host o ng organizer. Ito ay tinitignan bilang isang ‘awkward’ na sitwasyon at iniiwasan. Mas gusto ng mga Filipino na maki-‘blend in’ kesa sa atensyon kaya sila huli dadating para marami na ang mga tao.

Meron nga mga sitwasyon kung saan kapag may lakad o okasyon, ang mga bisita ay nagkikita sa isa pang separate na lugar bago pumunta sa venue mismo. Dito sila nagre-rendezvous tsaka pumupunta sa event ng sabay.

Kung iisipin, hindi sinasadya ng mga Filipino na maging late, ayaw lang nila maging maaga. Masasabing magkaiba ang dahilan pero ang epekto ay iisa: naaaksayang oras o panahon.

-0-

Isa pang hypothesis ng sa likod ng ‘Filipino time’ ay dahil daw hindi pare-pareho ang oras sa mga relo ng mga tao, mga opisina, mga paaralan. Magandang halimbawa na yung sa akin na mismo, iba ang oras sa bahay at sa college ko. Siempre ang oras sa relo ko pareho sa college ko kasi doon madalas ang mga lakad ko. Ang solution daw ay isang Philippine Standard Time. Ewan ko kung nagawa na to, at kung nagawa man, hindi pa rin ito sinusunod.

Nararapat purihin ang Department of Education sa kanilang programang “Juan Time” kung saan standardized ang lahat ng oras sa lahat ng public elementary at high schools sa buong bansa. Tuwang-tuwa ako nang nabalitaan ko ito. Totoo ang kasabihan na, “you can’t teach an old dog new tricks” at kung may mga perpektong mga estudyante ng panktuwalidad ito ay ang kabataan.

Maganda ang hakbang na ito pero kung pag-iisipan talaga, hindi mawawakasan ng sulosyong ‘technical’ ang isang problemang ‘cultural’.

-0-

So ano ang solusyong ‘cultural’ sa problemang ‘cultural’ na to? Pwedeng gumawa ng research ang mga intelekwal at mag-organize ng maraming lecture-forum! Pero kung iisipin ito ay technical pa rin. Ang sa isip ko kailangan natin magpausbong ng isang ‘kultura ng komprantasyon’. Marami kasi mga katangian ang mga Filipino, hindi lang nag ‘Filipino Time’, na alam naman ng lahat (o at least ng nakakarami) na mali o counterproductive pero ginagawa pa rin.

Ang dapat gawin ay kapag nangyayari ang mga halimbawa ng mga counterproductive na kaugalian na to ay maging prangka tayo. Halimbawa, kapag may event tapos maraming late, naba-badtrip na ang host o organizer, “Ano ba naman ang mga yon, late na naman! Pinoy talaga!” Kapag marinig mo to at biglang naging self-righteous ka, hindi ka lang bobo, gago ka pa. Kahit maaga kang dumating, Filipino ka pa rin. So, tinitira ka rin ng host o organizer (na malamang Filipino rin, samakatuwid, tinitira rin nya ang sarili)! Sasabihan mo dapat, “Uy, ako Filipino din pero on time naman ako. Bakit mo sasabihing lahat ng Pinoy parating late? @#$%!” Kahit wala na ang mura na parte. Kapag nasabi mo na to, pagmasdan ng mabuti ang magiging reaksyon ng tao. Hopefully magkaka-epiphany sya at mare-realize na individuals don’t speak for the group.

Malamang pareho din ang magiging epekto kapag may magsasabi na ang mga Filipino ay hindi marunong sumunod ng batas trapiko, o nagkakalat ng basura, at iba pa.

Meron nga minsan habang nasa jeepney, ang pasaway na driver ay nagninigarilyo pero may ‘no smoking’ sign sa likod ng upuan nya. Walang imik ang mga pasahero, kanya-kanyang takip ng mukha para di malanghap ang usok. Hanggang may sumakay na matanda na may dalang bata. Napansin niya ito at nakiusap, “Iho, baka pwede naman hindi ka manigarilyo, may bata akong kasama.” Wala namang reklamo ang tsuper at pinatay ang sigarilyo. Tsaka nag follow-up ang ale, “Salamat.”

Ganun ka simple at nagbago ang lahat sa jeepney na yon. Ngayon, isipin mo pagbabago ng milyon-milyon na Filipino handang makiprangkahan…

-0-

Kung iisipin ang kultura ng pagtanggap ng mga masasamang katangian o gawian ay in itself isang masamang katangian. Kung ang mga aktibista pa, “culture of silence and of impunity.” Wala na sigurong mas angkop pa kesa sa mga salitang yon. Sabi nga minsan ng whistle blower na si Hiedi Mendoza, mas maraming tapat kesa sa kurap sa gobyerno. Ang problema, ayaw ng gulo ng mga tapat na tao na to.

-0-

Ang ‘Filipino Time’ ay isang katangian mula sa mga mata ng Tagasakop na hindi likas sa mga Filipino pero tumatak. Ang ‘Filipino time’ ay isang sintomas na hindi pinagpapahalagahan ng mga Filipino ay kanilag kultura at kasaysayan (ito naman talaga ang gusto ng mga Tagasakop, hanggang ngayon).

Hindi masusulusyonan ang ‘Filipino Time’ o kahit anong problema kung hindi ito pinag-aaralan at hinihimay-himay. Malaki ang ginagampanan ng panktwalidad sa pag-unlad ng isang bansa, tignan na lang ang Japan. ‘Nahuhuli’ na tayo sa karera. Naging mas maunlad na kahit ang mga war-torn countries tulad ng South Korea at Vietnam. Ang Filipino masipag naman, matalino, malikhain, pero bakit hindi tayo umaasenso?

Ang sagot ay dahil hindi natin mahal ang pagiging ‘Filipino’. Parati tayo namamangha at tinitingala ang mga kultura ng mga banyaga, sinusubukang makakuha ng ‘tips’ kung paano umasenso. Hindi naman ito masama, pero iba sila sa atin. Hindi lahat ng bagay sa kanila pwedeng i-apply sa atin. Natatangi ang ating kultura at doon tayo dapat magsimula. Dapat natin tanggalin ang kolonyal na tatak sa ating lahi. Kailangan magprangkahan. Ang takot maging prangka ay katangian ng isang kolonyal, isang alipin. Ang ‘Filipino Time’ ay isang maliit na parte lamang ng atin mga komplikadong problemang kultural na dapat solusyonan.

-0-

Nagkakwentuhan kami ulit ng klasmayt ko na kasama kong (late dumating) sa lecture-forum. May problema sya kasi baka mabagsak nya ang isa sa mga subjects nya. Parati kasing late, kaya pinag-initan ng prof. Ang ginawa, pagkaumpisa pa lang ng klase, quiz agad, kada meeting yan. So, parating zero ang score ng kaibigan ko. Pinapa alarm na daw nya ang cell phone kada umaga, pero minsan, palpak pa rin. Sabi ko, hindi sapat ang alarm para magising sa umaga. Dapat ikaw mismo, gusto mong magising, gusto mong bumangon at pumunta sa klase at patunayan na kaya mong ipasa ang subject. Will power lang pare ko.

Nanginginayang nga sya kasi nasanay syang okay lang ma-late. Sabi ko kailangan mo nang magbago bago ka ‘mahuli’. Ika nga ng Kule, “Kung hindi ngayon, kailan?”


photo credits:http://www.cafepress.com/+crazy_clock_filipino_time_wall_clock,32381045

Mga Tala sa Lungsod ng Liyon


Little India sa Singapore

• Kwentuhan naming magkakapatid habang nasa Singapore, kapag mawala ka, pumunta ka lang sa station ng Little India. Mula doon, malapit nalang ang hostel namin. Nang hindi pa kami nakaalis, nagtataka kami bakit ‘Little India’ ang pangalan ng parang district na yon sa Singapore. Pagdating doon, nalaman din namin. Ang lugar na yon ay literal na ‘Little India’. Dito nakatira ang Indian community ng Singapore. Siempre, maraming Indian. Marami ring mga tindahan ng mga bagay na Indian. Merong mga damit na Indian, mga restaurant na Indian food ang sini-serve, pati mga video stores na nagpapatugtug ng mga kantang Indian. Sa lahat na aspeto, Little India talaga. Meron din silang simbahan at malamang pero di ko nakita, isang eskwelahan. Pati mga pulis na naka assign doon ay mga Indian din.

• Tinanong ako ng nakakabatang kapatid ko, isa pa sociology major ako, bakit ang daming Indian sa Singapore? Hindi mo na kailangan magresearch, basta malaman mo lang na mahirap ang buhay sa India. Tulad ng siwatsyon sa Pinas, maraming Indian ang naghahanap ng trabaho sa Singapore na di nila makita sa India. Follow up question: bakit walang Little Philippines? Tsaka nga pala, meron ding Chinatown sa Singapore, kahit saan naman siguro. Merong dalawang pwedeng dahilan bakit walang Little Philippines; ito ay dahil, una, mahina ang social integration ng mga Filipino at, ikalawa, xenocentric ang mga Filipino.

• Ang social integration ay tumutukoy sa kung gaano ka tibay ang pakikisama sa mga Filipino sa isa’t isa. Bonding ba. Mas matibay pa nga ang regionalism ng mga Filipino. Ilonggo, Cebuano, Tagalog, Ilocano, atbp ka muna bago ka maging Filipino. Halos walang sense of nationhood. Ang mga Indian, kahit na colonize, ay nagawa paring i-preserve ang kanilang kultura. At ipinagmamalaki nila ito. Xenocentrism ay tumutukoy sa isang lipunan na pakiramdam nila ay inferior ang kanilang kultura kompara sa kulturang banyaga. Mas pamilyar siguro ang ‘state-side mentality’. Ang mga Filipino ay yung tipo ng mga tao na kapag nasa banyagang lugar, willing sila i-“absorb” ang kultura ng lugar na yon. Siempre kailangan din ito para mas maka-adapt sa bagong environment. Pero yung mga Indian (at mga Chinese) ay yung tipo naman na hanggang maari ay ma preserve ang kultura nila. So nagbubukas sila ng mga Indian stores at iba pang bagay na nagme-maintain ng kanilang pagka ‘Indian’. Ang ibang mga Chinese nga, di pumapayag na magpakasal sa di-Chinese.

• Dahil established na mga Indians sa Singapore, mas naeencourage pa lalo ang mga Indian sa India na lumuwas na Singapore dahil maraming Indians na ang nandoon. So lalo silang dumadami. Nagse-celebrate na nga sila ng mga Indian festivals sa Singapore. Pinapayagan naman ito ng pamahalaan ng Singapore kasi hindi mapagkakaila ang role na ginagampanan ng mga Indian sa ekonomiya nila. Sa Pinas nga, nakiki-party pa tayo sa mga Chinatown kapag Chinese New Year.

• Isa pang follow up question: bakit walang Little India sa Pinas? Meron mga ‘bumbay’ na nagpapa-utang sa Pinas pero hindi pa sila nakaka-establish ng isang Indian community. Ang dahilan siguro, mahina pa ang ekonomiya ng Pinas. Pero kapag yumaman ang Pinas, tulad ng Singapore, siguradong dadagsa din ang mga Indian, negosyante man o trabahador.

• Muntik ko nang makalimutan, pareho din pala naging colony ng UK ang Singapore at India kaya siguro naging malakas ang migration ng mga Indian.

Lungsod na Parang Hindi Lungsod

• Alam na siguro ng lahat ito pero ang Singapore ay malinis. Halos walang mabigat na traffic, malinis ang mga kalsada, bawal dumura, bawal magkalat, bawal manigarilyo, bawal ang chewing gum. Maraming puno sa syudad at walang indibidwal na mga bahay. Maraming mga apartment, kaya malinis ang Singapore dahil mas madali magpatupad ng epektibong waste management sa mga apartment.

• Yung hangin sa Singapore ay presko. Walang usok sa mga sasakyan o sa mga gusali. Kahit buong araw ka sa syudad, mapapawisan ka pero hindi ka manglalagkit. Alam mo yung mainit pero walang alikabok sa hangin? Kapag sa Manila nga ako, kakatapos ko pa lang maligo at nagbibihis pa lang ako, pinagpapawisan na ako. Kapag tapos na ako, parang gusto kong maligo ulit.

• Isa pang feature ng Singapore ay ang systematic na transportation…system. Merong mga bus stop na may sign kung ano lang ang dumadaan at tumitigil dito. Ang mga ruta ng mga bus pala ay mga numero. Bus 16, o Bus 151, etc. Tapos lahat ng sasakyan, obligado na bagbigyan ang mga Bus sa daan.

• Mas astig yung MRT at LRT nila. Meron sigurong mga apat na lina na dinadaanan na nagdudugtong sa buong Singapore. Yung maganda pa, bawat train station at bus stop ay merong MAPA. Pinapakita kung nasaan ka at kung ano ang mga ruta na pwede mong gamitin, bus man o train. Commuter friendly talaga.

• Meron pang card na sinaswipe nalang. Maganda kasi pwede sa bus at train. Swipe pag-akyat, swipe pag-baba. Ang computer na bahala magbilang ng pamasahe mo. May pondo lang ang card at kada swipe mo, makikita mo kung ilan pa ang halaga na natitira.

• Matibay ang pagpapatupad ng mga environmental policies ng Singapore. Meron silang protected area ng gubat at fresh water reservoir kung saan matataagpuan ang Singapore Zoo. Nakakabilib, pero kung iisipin mo, dapat lang nilang gawin to. Ang Singapore ay isang rain forest area tulad ng Pinas at ibang bansa sa Southeast Asia. Marami ang mga species ng hayop at halaman ang nawala dahil sa urbanization. Sana hindi na maghintay ang mga Pinoy na maging ganito din ang sitwasyon sa bansa.

Universal Studios at Singapore bilang Tulay ng Kanluran sa Silanggan, ng Silanggan sa Kanluran

• Ang Sentosa Island ay isang dating kampo ng British na strategic para depensahan ang Singapore, para Corregidor: nasa harap ng main port o bay ng bansa. Nang umalis na ang British, dinivelop nila ito para maging tourist attraction. Meron na ditong mga pasyalan, Resorts World, at ang Universal Studios Singapore. Pwedeng ma train o mag cable car papunta sa Sentosa.

• Sa Universal Studios ay isang theme park na meron mga rides at mga shows na madalas ang concept ay sa mga pelikula siempre ng Universal Studios. Merong areas na merong concept ng Madagascar, Jurassic Park, Water World, The Mummy, Shriek, at iba pa. Ang pinaka interesanteng parte ay ang replica ng Hollywood Boulevard at ng New York City. Merong old school ang style, 50’s or 60’s. Sa Hollywood, merong mga stars ng mga artista sa daanan. Nagpapicture pa nga ako sa star ni Audrey Hepburn. Sa New York naman, merong mga iconic na establishments tulad Rockefeller Center, Mel’s Dinner, at iba pa. tumutugtog pa ang New York, New York na kanta (Start spreading the news…I’m leaving today…I want to be a part of it…New York, New York!)

• Hindi mo na kailangan pumunta mismo sa Los Angeles o New York pa maramdaman ang American atmosphere kasi meron nang Singapore. Makalayo pa ang L.A. at New York, sa Singapore, magkakanto lang.

• Ang Singapore ay yumaman dahil ito ay daanan ng Kanluran papunta sa Silanggan. Ang port ng Singapore ay ang pinaka-busy sa buong mundo. Lahat ng barko galing sa America o Europe ay sa Singapore dumadaan.

• Ang mga turista galing America o Europe ay pumupunta sa Singapore para ma tikman ang ‘exoticness’ ng (mga) kulturang Asiano. Ang mga turista galing sa Asia ay pumupunta sa Singapore para tikman ang ‘Western progress’ (e.g. matataas na building, sistematikong transportation system, atbp.) Maaring sabihin na ang Singapore ay ang sentro ng mundo, isang melting pot ng mga kultura, isang USA sa Asia.

• Kalian man di ko maisip ang sarili ko na mamuhay sa isang lugar tulad ng Singapore. Urban na urban na lifestyle. Mabilisan, trabaho-centered , halos mekanikal. Pero ang Singapore ay isang modelo ng pag-unlad. At ang mga umuunlad palang na mga bansa tulad ng Pinas ay sinusubukang sumunod sa modelong ito.

• Hindi mahirap isipin na, balang araw, ang Pinas ay maging katulad ng Singapore, pero kung ito ay mabuti o masamang bagay, ay iba at mas mahabang usupan na.

The Big Bang Theory at ang Kulturang Nosebleed


Ang The Big Bang Theory ay isang sitcom sa US tungkol sa buhay ng isang barkada ng mga ‘nerds’ at ang kanilang ‘social struggles’. Ang sentro ng kwento ay tungkol kay Lenard, isang theoretical physicist, at kanyang paghanga sa kanyang ‘hot’ na kapitbahay, si Penny.

Dahil patay-patay sya kay Penny, nag-effort syang mapalapit dito. Dito na nagkakagulo. Pinapakita kung gaano ka laki ang agwat ng kanilang lifestyles. Si Lenard at kanyang mga kaibigan ay mahilig sa mga computer games, comics, sci-fi, ang siempre science mismo. Si Penny naman ay isang ordinaryong tao, lay man kung baga.

Yung mga punch line ng sitcom ay nakasentro sa di pagkakaintindihan ng mga ‘nerd’ at ng mga ‘lay men’ (sa simpleng pananlita, sa mga gawi, sa mga paniniwala). Napaka-enthusiastic ng mga kaibigan ko nang initroduce nila sakin ang show na to. Hindi naman ako na disappoint.

Dahil isa din akong ‘nerd’ hindi lang ako natuwa kundi may nakita pa akong mga patterns sa takbo ng show. At ang mga patterns o structures na to ay merong mas malaki at malalim na kahulugan hindi lang sa kwento kung pati sa lipunan sa pangkalahatan.

Ako ay nagconclude na ang The Big Bang Theory ay isang subersibong sitcom!

-0-

Ayon sociology, ang isang function ng humor ay tension relief. Nagbibiro tayo sa mga bagay na masyadong seryoso. Minsan mga bagay na taboo, mga bagay na di kanais-nais pag-usapan kaya biroan na lang. Magandang halimbawa ang pulitika, rehiyon, lalo na ang sex. Meron pa ngang ‘genre’ ang mga biro tungkol sa sex: green jokes. Minsan naghahalo-halo pa; rehiyon at sex, pulitika at rehiyon.

Sa kaso ng The Big Bang Theory, ang tension na binabawasan ng sitcom ay tungkol sa social distance ng mga intellectuals sa mga simpleng tao. Pinapakita sa nakakatawang paraan ng sitcom na marami ang problema na dulot ng social isolation ng intellectuals. Matatalino nga sila, hindi naman sila marunong makihalubilo o di kaya mga weirdo ang bansag ng mga ordinaryong tao sa kanila. Kung iisipin ang ‘nerd’ ay isang derogatory na term.

Ang nangyayari, ang kaalaman na naninipon ng mga intellectuals ay nagagamit lang ng iilang tao, at madalas sa kanilang interes lamang. Magandang halimbawa ang theory of relativity ni Einstein. Na depress pa nga si Pareng Albert nang malaman na ginamit ang kanyang theory para idevelop ang atomic bomb at ginamit para patayin ang mga Hapon. Siempre nandyan din ang imbensyon ni Nobel na bomba.

-0-

Ang phenomenon ng ‘nosebleed’ ay nangyayari kapag sinubukan ng isang tao na ipaliwanag ang isang bagay sa isang technical na paraan. Ito ay isang uri ng ridicule. Ang ridicule ay isang uri ng informal na social control sa deviance. Iba ka, kaya pinagtatawanan o ginagawa kang katawatawa.

Nosebleed no?

Ang natural na reaksyon ng isang tao kapag sya ay nakaka-noosebleed ay tigilan ito. Walang tao gustong pagtawanan, kaya lahat ay nagko-conform. Sinusubukan mo ngang gamitin ang napag-aralan mo sa pang araw-araw pero pinagtatawanan ka. Ayos lang sana kung ang ‘nosebleed’ ay nangyayari lang sa mga kalye o sa pagitan ng mga di-edukadong mga tao. Pero nakaka-alarma na pati ang mga estudyante sa kolehiyo ay ginagawa ito. Kaya ka nga nag-aral para may malaman, hindi mo naman pwedeng gamitin.

Hindi naman limitado ang ‘nosebleed’ sa bansa. Iba lang tawag nito sa ibang lugar, galing ngang US ang The Big Bang Theory. Iba lang ang pag-execute, tulad pagkatapos mong magpaliwanag sasabihan kang, “And in English?”

-0-

Rebelde ang sitcom na The Big Bang Theory dahil sinasabi nito na, “Nakakataw di ba? Mga gago, totoo ito. Gumising ka sa realidad!”

Ang agham at ang sining ay hindi trip-trip lang. Ginawa ang mga ito para mapabuti ang ating mga buhay. Kailangan natin unawain ang mga problema sa ating lipunan para ma sulusyonan ito. Kahit simple dyaryo nga lang di pa magawa ng mga Filipino. Ang trip ng mga tao ay mga chismis sa showbiz. Kung nagbabasa naman sila, gusto nila yung Harry Potter, Twilight, atbp.

Ilan ba ang nakakakilala sa mga intellectuals tulad nina Randy David, Walden Bello, Ambeth Ocampo, Mike Tan, Rolando Tolentino, atbp? Sa mga artists tulad nina Virgilio Almario, Bienvenido Lumbera, Jun Cruz Reyes, Jose F. Lacaba, atbp? Ito yung mga tipo ng mga tao na gusto talaga tulungan ang ating lipunan gamit ang kanilang expertise sa kani-kanilang larangan.

Ang totoong Big Bang Theory ay gusto ipaliwanag ang pinagmulan ng mundo at kalawakan, sa sitcom naman ay gustong ipaliwanag ang ugat ng problema ng lipunan. At sana mawakasan natin ito at maging ganap na malaya tayo mula sa ignoransya.


photo credits :

http://www.clicker.com/blog/cbs-posts-full-episodes-of-the-big-bang-theory-online-for-the-first-time-7030.html

Wikang Walang Ambisyon


Hindi na ako sigurado pero malamang sa klase namin sa sociology yun nang pinag-usapan namin ang kultura natin. Kultura ay tumutukoy sa pangkalahatang paniniwala at mga gawi ng particular na lipunan. Tinanong kami ng prof namin kung ano sa tingin namin ang mga katangian ng mga Filipino. Susubukan daw naming tukuyin ang kulturang Filipino.

Mag tinanong si ma’am at sumagot ang kaklase ko na, “Filipinos are known to be hospitable…” Medyo swak naman ang sagot para sa kanya kaya tuloy ang diskusyon. Nabangit din ang pagiging masayahin natin at pati na ang tibay ng family bonds sa Pinas.

Mga ilang araw pagkatapos ng meeting na yon, may nabasa akong libro yata yun ni Rio Alma na nagpa-isip talaga sa akin. Ayon kay Rio Alma, parating binabangit ang pagiging hospitable ng mga Filipino pero kung iisipin walang salita sa Filipino o sa mga dialekto na katumbas ang salitang ‘hospitable’. Napa-isip ako at nagpasya na wala nga. Tuloy pa ni Rio Alma, pero may salitang Kastila at siempre Ingles na ibig sabihin ay ‘hospitable’.

Pinapakita nito na di likas na ‘hospitable’ ang mga Filipino. Ang pagiging ‘hospitable’ ay isang katangiang banyaga na inimpose sa atin. Kaya siguro tayo naging (at patuloy) hospitable sa mga mananakop. Sa punto na inuuna pa natin ang kanilang mga interes kesa sa atin. Isang salita lang pero malaki ang naging epekto nito sa takbo ng ating mga buhay at ng ating lipunan.

-0-

Hindi ako mapakali. Sinubukan kong suriin ang wikang Filipino at marami akong mga salita na nadiskobre na meron mga kahulugan na malaki ang epekto sa lipunan. Sabi nga ni Wittgenstein, ang kahulugan ng salita ay depende sa paggamit nito.

Ang unang salita na napansin ko ay isang household word na sa mga Filipino. Hindi siguro nakukumpleto ang araw ng isang Filipino kung hindi nya to nababangit o naririnig man lang. Ito ang ‘pulitiko’. Sa simpleng dipinesyon ang ‘pulitiko’ ay taong nakikisangkot sa pulitika. Inihahalal sila tuwing eleksyon. Responsibilidad nila na pagsilbihan ang mga tao. Simple lang di ba?

Pero ang gamit natin ng ‘pulitiko’ ay para tukuyin ang mga kurap na opisyal na dahilan kung bakit hindi umaasenso ang bansa. Ironic isipin kasi integral ang parte na ginagampanan ng mga pulitiko sa ano mang lipunan. Lahat ng mga ‘pulitiko’ kurap. Basta ‘pulitiko’ kurap. Tapos ang usapan. Dahil walang kwenta ang mga ‘pulitiko’, sino ang tutulong sa atin? At naalala ko ang ikalawang salita: ‘aktibista’.

Ang ‘aktibista’ ay isang tao na nanawagan ng repormang political, sosyal at pati na rin pangkalikasan. Kaya sila ‘aktibista’ kasi ‘aktibo’ sila. Ang isa pang term sa mga ‘aktibista’ ay mga ‘progressive groups’. Kaya sila ‘progressive’ kasi gusto nila ng ‘progress’. Simple lang di ba?

Ang problema, ang imahe ng mga aktibista ay inuugnay sa gulo at terorismo. Mga ‘komunista’ daw sila. Nakakamangha isipin na maraming tao ang ayaw sa mga ‘komunista’ pero hindi naman nila alam kung ano ibig sabihin nito. Kahit nga siguro mga edukadong tao ay hindi lubos na nauunawaan ang ibig sabihin nito. Ugat nito? Hollywood at pati na rin media. Pinapakita na ang mga ‘komunista’ ay mga kalaban lalo na noong Cold War. Diumano kalaban ng demokrasya ang komunismo. Mali ito dahil kapitalismo ang kalaban ng kumonismo. Nagpapalabas ang US ng ganitong klaseng mga media dahil may mga interes silang makakapitalista. (mahaba at ibang usapan na to…)

Sa bansa naman, pinapakita ng balita na ang mga ‘aktibista’ pa yata ang gumagawa ng problema. Lumalabas lang sila kapag sila ay nagrarali. Pero tinatanong ba sila kung ano dapat gawin? Hindi. Binibigyan ba ng diin kapag may pinatay na ‘aktibista’ o journalist? Wala.

Ang hindi alam ng nakakarami, ang mga pinakamayaman at pinakastable na mga bansa sa mundo ay madalas mga Social Democrats, lalo na yung Norway. Masigla ang partisipasyon ng mga worker’s union sa pulitika ng mga bansang ito. Malaki ang impluwensya ng mga Marxist na ideologies sa mga polisiya nila. At dahil dito, nagawa nilang bawasan ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap na halos nonexistent na ito. At dahil dito wala na ring masyadong krimen sa mga lugar na to.

So ang mga tao sa Pinas, parehong walang tiwala sa mga ‘pulitiko’ at mga ‘aktibista’. So sino na lang? Wala.

-0-

Dahil ang mga Filipino ay walang inaasahang mangyayaring matino sa sariling bansa, saan sila pumupunta? Dito na pumapasok ang mga salitang ‘abroad’ ‘OFW’ at ‘imported’. Kung gusto mong umasenso (kung sa socio pa, upward social mobility), lumabas ka sa bansa. Ang dulot nito ay tinatawag na brain drain. Ang mga pinaka-dekalibreng membro ng labor force ay nasa labas ng bansa. Okay lang sana kung lalabas ka, mag-iipon o mag-aaral, tas babalik ka na sa Pinas para dito naman magserbisyo. Pero yung nangyayari, karamihan, umuuwi lang kung retired na, yan ay kung umuuwi nga sila. So lahat ng productive years mo ay nasa labas. Ewan ko nga kung matutuwa ako sa mga ‘pinoy achievers ‘ sa labas na fini-feature sa TV. Dahil sa kanilang sipag at pagpupursigi, umangat sila. Pero in the end of the day, banyaga parin ang nakikinabang sa talento at serbisyo nila.

Yun ay kung mapalad ka sa labas. E paano kung TNT ka, hindi ka sinusweldohan, ginahasa ka, nasangkot ka sa gulo, naloko ka? Hindi pa yan kasama ang racial discrimination, homesickness, at loneliness. Ang pagtatrabaho sa labas ay hindi isang biro o isang sure ball na bagay. Ang padala ng mga OFW ang pundasyon ng ating ekonomiya. Dapat ginagamit ang pera na to para makapaglikha ng mga trabaho sa bansa na mismo. Yung nangyayari, lalo pang lumalabas ang mga tao. Isipin mo nalang ang libo-libong kumukuha ng nursing.

Madalas hindi nakikita ng mga OFW ang paglaki ng kanilang mga anak. Pero para ipakita na mahal parin nila ang mga ito, bigay luho sila kahit ano. Madalas ‘imported’ ang mga luhong ito. Ang nangyayari nagiging mataas ang halaga ng ‘imported’ na bagay kesa sa ‘lokal’ na produkto. Epekto? Nalulugi ang mga negosyo sa bansa at yumayaman naman ang ibang bansa (China halimbawa, at siempre US).

-0-

Malinaw ang sitwasyon at siguradong hindi lang ako ang nakakapansin nito. So bakit nandito pa rin ang problemang ito? Malamang natatakot ang mga taong nakapansin nito na tawagin silang, ‘matalino’ ‘wais’ o ‘pilosopo’.

Ang pagiging ‘matalino’ sa bansa ay inuugnay sa pagiging baliw. Hindi malinaw? Isipin si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Walang gustong mapansin dahil baka bansagan silang ‘matalino’. Ganoon din ang paggamit sa mga salitang ‘wais’ at ‘pilosopo’ : ‘wise’ at ‘philosopher’. Pero ang ‘wais’ ay tumutukoy sa pagiging mapag-abuso o sa madiskarte sa masamang paraan. Ang ‘pilosopo’ naman ay sinasabi sa mga taong sistematik magdahilan (may Logic eh), pero masama din ang tingin dito. Sa ibang bansa, tulad ng France, mga ‘moral compass’ ang turing sa mga pilosopo. Pero sa bansa, mas mabuting tumahimik ka nalang at sumang-ayon sa status quo. Bale, theoretically, maging bobo ka.

Ang mga bagay na to ay hindi natin napansin dahil kinalakihan na natin ang mga ito. Yung magagawa nalang natin ay siguraduhing hindi na ito mangyayari pa sa susunod na henerasyon. Sigurado akong hindi bobo ang mga Filipino pero sigurado din ako na takot silang maging ‘matalino’ ‘wais’ o ‘pilosopo’. Ito ay isang realisasyon sa atin na hindi lang mga kurap na pulitiko ang problema sa bansa.

Napakalalim na ng problema na pati sa wika natin nagreflect na ito. Ang wika mismo natin ay isang intrumento ng oppression. Pero lahat ng ito ay socially constructed. Ibig sabihin, ang mga tao mismo ang gumagawa at nagbibigay kahulugan. Kailangan natin baguhin ang paggamit sa mga salitang ito hindi lang para iahon ang ating mga sarili kundi pati ang ating bayan. Kapag may nagsabi na kurap ang mga ‘pulitiko’, bat di kaya natin sagutin na, ‘uy may kilala akong pulitiko ha, at sigurado akong hindi magnanakaw yun’.

Sa sociology, merong labeling theory of deviance. Kung ano man ang ating bansag (label) sa mga tao merong tendency na mag self-fulfill ang mga ito. Halimbawa meron isang batang ‘pulitiko’ na sincere at gustong magserbisyo. Ano ang magagawa nya kung kurap ang tingin ng lahat ng tao sa kanya? Malamang iisipin nun, “Bahala kayo sa buhay nyo! Kurap kung kurap!”

Hindi mahirap ang bansa dahil naglalamangan ang mga tao. Ang mga Filipino ay alam kong matatalino, masisipag, talentado. Pero yung structure ng wika natin ay kinakahon ang ating isipan at pananaw sa ating mga sarili. Mahirap i-absorb ng pinagsasabi ko. Ewan ko lang kung may maniniwala sa akin. Dahil malamang para sa nakakarami, masyado akong ‘ambisyoso’.

Kasaysayan ng Wika, Wika sa Kasaysayan


Bago pa man napasailalim ang Pilipinas sa Imperyal Espanya meron nang natatanging mga kultura at mga wika ang bansa. Este, wala pa pala ‘Pilipinas’ noon. Pero madalas ang interaksyon ng mga tao di lang sa kapwa Filipino kundi pati sa mga banyaga. Madalas silang nagkakalakal pero minsan nakikipagdigma din sila. Meron ding mga epiko, alamat, kaalamang bayan, paniniwalang espiritwal. Meron ding sistema ng pagsusulat, ang Alibata. Nakasulat ito sa mga dahon, kawayan, o bato. Ayon sa mga historians kung medyo natagalan lang ang mga Kastila sa pagdating, maaring nakabuo ang mga ninuno natin ng sariling nasyon at wika.

Noong nasakop na ang mga ninuno natin, malaki ang kampanya na ginawa ng mga Kastila para burahin ang sinangunang kultura. Pinagsusunog nila ang karamihan sa mga ‘documents’ sa Alibata. Notable na instrument siempre ang relihiyon. Isa sa mga polisiya ng mga Kastila para mapanatiling watak-watak ang mga Filipino ay ang hindi pagturo ng wikang Espanyol. Sa halip, sila ang nag-aral ng mga wika sa kapuluan. Natakot sila na dahil sa isang common na wika, maaring magorganisa ang mga Indio laban sa kanila.

Pero siempre meron ding natuto ng Espanyol sa pagitan ng pag-aaral. Ang sistema ng edukasyon noon ay kontrolado ng mga prayle at eksklusibo lang sa mga mayayaman. Noong patapos na ang 19th na daantaon ay may mga pagbabago sa polisya ng Espanya. Nangibabaw ang liberalism at nagkaroon ng pagkakataon ang mga mayayamang Pilipino na mag-aral sa Europa. Doon ay na expose sila sa mga modernong ideya lalo na kina Locke at Rousseau.

Kabilang sa mga ilustrado sina Rizal, Lopez-Jaena, Del Pilar, atbp. Tinatag nila ang Kilusang Propaganda na ang layunin ay gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas. Kapag nangyari na ito, magiging mamayang Kastila ang mga Filipino at kasama na dito ang mga karapatan at representasyon sa Cortez. Binuo nila ang La Solaridaridad, ang peryodiko na naglalaman ng mga artikulong tumatalakay sa reporma sa Pilipinas. Espanyol ang wikang ginamit nila. Hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda sa maraming dahilan kabilang na ang kakulangan ng kasangkapan at pagaaway-away ng mga ilustrado.

Dahil walang nangyari sa mapayapang reporma, inorganisa ni Bonifacio ang Katipunan na ang layunin ay ang ganap na kasarinlan sa pamamagitan ng armadong paraan. Malaki ang papel na ginapanan ng wika, particular ang Tagalog, sa rebolusyon. Merong revolutionary organ ang Katipunan, ang Kalayaan. Meron itong mga artikulo ni Emilio Jacinto at iba pa. Pinakita ng Kalayaan ang plano ng Katipunan. Kinalat ito sa iba’t ibang kalapit na probinsya at nakatulong ito sa paglaki ng pwersa ng Katipunan mula 300 naging 3000 (Agoncillo, 1977). Pinakita lang nito na nagkakaintindihan ang mga tao sa sariling wika at pwede ito gamitin para isulong ang interes ng mga tao. Yun nga lang, isang copya lang ng Kalayaan ang na imprenta at nakalat. Nalaman agad ng mga Kastila ito at nagpasya ang Katipunan na tigilin na ang proyekto.

Naging matagumpay ang rebolusyon pero saka naman dumating ang mga Amerikano. Ang mga bagong layang mga Filipino ay may bago namang kaaway. Binenta pala ng mga Kastila ang Pilipinas sa US sa pagitan ng Treaty of Paris. Bakbakan ulit. Natalo ang mga Filipino dahil mas armado at may angkop na pagsasanay ang pwersa ng Kano. Para tuluyang na sakop ang mga Filipino, gumamit ang mga Kano ng psychological tactic na pagbigay ng bagay na ipinagkait sa mga Filipino, edukasyon. Nagtatag ng secular public system of education ang mga Kano. Pero ang ginamit sa mga paaralan na ito ay Ingles bilang medium of instruction. Tumaas nga ang literacy ng mga Filipino, pero tuluyan din silang na pacify.

Ang mga Kano ay nagpatupad ng mga hakbang para sugpuin ang mkabayang dyornalismo at panitikan. Ayon sa Sedition Law ng 1902, sino man ang magsabi o magsulat ng mga bagay laban sa US at Insular Government ay pwedeng ikulong sa mahabang panahon at pagbabayarin ng malaking multa. Marami ang nakulong na mga manunulat sa dyaryo, mandudula, atbp. Dito na nagsimula ang proseso ng ‘miseducation’. Dahil nga Ingles ang medium og instruction, kailangan ng mga Ingles din na mga kasangkapan. Ang mga Filipino ay natuto tungkol kina Lincoln at Washington kesa kina Rizal at Bonifacio. Dahan-dahan naging mataas ang pagtingin nila sa kulturang Amerikano.

“They had to be disoriented form their nationalist goals because they had to become good colonials. The ideal colonial was the carbon copy of his conqueror, the conformist follower of the new dispensation. He had to forget his past and unlearn the nationalist virtues in order to live peacefully, if not comfortably, under the colonial order. The new Filipino generation learned of the lives of American heroes, sang American songs, and dreamt of snow and Santa Claus.” (Constantino, 1966) Yung mga promising na estudyante, pinadala pa sa US para mag-aral o para tuluyang ma-immerse sa kulturang Amerikano.

Tinatag noong 1935 ang Commonwealth of the Philippines na si Manuel L. Quezon ang pangulo at Sergio Osmena bilang bise. Ang Pilipinas ay magkakaruon ng transition period ng sampung taon bago ganap na maging malayang bansa. Ayon sa mga delegado ng 1935 Constitutional Convention kailangan ng wikang pambansa na sariling atin. Dagdag pa ni Quezon, magiging instrument ito para mapagkaisa ang mga Filipino. November 13 1936 nang tinatag ang Institute of National Language. Ang pinakalayunin nito ay manaliksik at tukuyin ang pinakaangkop na wika sa bansa na pwedeng gawing basehan ng wikang pambansa.

Ang napili ay Tagalog. Marami ang nagsasabi na Tagalog ang napili dahil Tagalog si Quezon. Isa sa mga prominenteng kritiko ay si Osmena, isang Bisaya. Bakit Tagalog e magkasing dami naman ang nagsasalita ng Bisaya at Tagalog (at ibang major dialects tulad ng Hiligaynon at Ilocano). Ang sagot ay nasa tanong na mismo. Kahit anong dialect pa ang mapili, kokontrahin pa rin ito. Isa pa ang Tagalog ay isang basehan lamang. Iba ang Tagalog sa Filipino. Ang Filipino ay naghihiram ng mga salita mula sa ibang dialect para lalo itong mapayaman.

Magandang halimbawa ang mga salitang ‘bana’(husband), ‘kawatan’(thief), ‘palawig’ (extend). Ito ay mga salitang Hiligaynon pero dahil na rin sa convenience, ginamit na ito sa Filipino. Isa pa, ang mga dialect sa bansa ay galing lang sa isang pangkat ng mga wika. Ibig sabihinm magkakahawig lang ang mga ito at medaling pag-aralan. Meron ding mga salita na pareho ang kahulugan sa iba’t ibang dialect. Halimbawa ang ‘mata’. Kahit saan ka sa Pilipinas, ang ‘mata’ ay ‘mata’.

Balik sa kasaysayan. Hindi natapos ang ten-year transition period ng Commonwealth dahil sa World War Two. Ang mga Hapon ay may sariling agenda. Nagtatag sila ng sistema ng edukasyon para burahin ang impluwensya ng mga Amerikano sa mga Filipino. Ginamit ang Filipino bilang medium of instruction, pero at the same time, ang Niponggo. Ang layunin ng mga Hapon ay diumano ipakita na lahat ng mga Asyano ay magkakapatid at mga salot ang mga Kano. Promising di ba? Pero tulad ng US, may imperial interests din ang mga Hapon. May hawig sa taktika ng mga Kano. Pero hindi ito naging matagumpay kasi siempre digmaan, halos wala na nga makain ang mga tao, mag-aaral pa sila. Yung malala pa, pagkatapos ng digmaan, ang tingin ng mga Filipino sa mga Kano ay mga tagapagligtas. Lalo pang tumibay ang attachment ng mga Filipino sa mga Kano at sa kanilang kultura.

Pagkatapos ng digmaan, naging malaya na ang bansa. Paherong mabuti at masama ang pagtuto ng mga Filipino ng banyagang wika (Agoncillo, 1977). Nakapaginterak ang mga Filipino sa buong mundo, perong naging mababa ang tingin nila sa sariling kultura. Ang polisiya ay hindi nagbago, Ingles pa rin ang medium of instruction, at official language sa business, governmental, at legal proceedings.
“A foreign tongue as a medium of instruction constitutes an impediment to learning and to thinking because a student first has to master new sounds, new inflections, and new sentence constructions. His innermost thoughts find difficulty of expression, and lack of expression in turn prevents the further development of thought. Thus we find in our society a deplorable lack of serious thinking among great sections of the population. We half understand books and periodicals written in English. We find it an ordeal to communicate with each other through a foreign medium, and yet we have so neglected our native language that we find ourselves at a loss expressing ourselves in this language.” (Constantino, 1966)

Noon, konti lang ang may access sa impormasyon sa pagitan man ng media o edukasyon.pero ngayon, kahit sino na ang makakabili ng dyaryo o radio o TV o Internet pa nga. Nakatulong din ang mass media para lumago ang Filipino, pero mas malaki ang epekto ng ipinasok ng mass media sa bansa, mga kanta, pelikula, palabas, libro. Hindi na limitado sa US o Western na kultura, pati na Hapon at Koreano na media (at kultura) ay tinatangkilik na rin.

Malinaw na sa bawat importanteng nangyayari sa bansa, parating may bagay na may kinalaman ang wika. Hindi ito nakakagulat, sabi nga ni Jacob Burckhart, ang wika ang kaluluwa ng isang nasyon. Kung gusto talaga natin baguhin ang sitwasyon ng bansa, hindi sapat ang pagsisi ng lahat ng problema sa mga kurap na pulitiko. Kailangan matuto sa kasaysayan. Ang wikang pambansa ay binuo hindi para mag away-away tayo o para maging mababa ang tingin natin sa atin sarili. Ang wikang pambansa ay para magkaisa tayo at magkaroon tayo ng pagkatao lalo na ngayon sa panahon ng globalisasyon.

‘Magkano ang samurai?’


Habang naghahanda pa lang ng entry forms para sa JENESYS Programme kasama ang kuya ko, meron isang parte na masasabi kong tumatak sa akin. Natatangi ang tanong. Hindi ko na maalala ang ensaktong mga salita pero yung idea ng tanong ay, “Kung mapalad na mapili ka para sa programme, ano sa tingin mo ang magiging problema mo doon?” Interesante. Pero yung pinakalayunin ng tanong na yon ay tukuyin at mapaghandaan ng organizer ang mga posibleng problema sa takbo ng programme. Madalas na sagot doon ay yung mga isyu ng mga food allergies, o mga sakin, o whatever pa. Pero gaya ng kuya ko, at malamang marami sa mga nakasama ko, ang sagot ko ay, “Language barrier”

Ang wika ng mga Hapon ay isang wika na well exposed ang mga Pinoy. Dyan yung anime o mga pelikula, pati na yung JPOP. At siempre ang mga Hapon ay may parte sa kasaysayan natin. Dyan din yung mga negosyanteng Hapon. Kaso, isa ang Nipponggo sa mga wika na kailangan talaga pag-aralan ng isang karaniwang Filipino. Hindi tulad ng Kastila na medyo na hiram na ng Filipino pati na rin ng dialect kong Hiligaynon, ang Hapon ay banyaga in the real sense of the word. Ang Ingles ay very common din sa takbo sa buhay ng mga Filipino. Dyan yung media, at siempre sa edukasyon, sa negosyo, sa pulitika, sa batas.

Pero nang nagsimula na ang programme mismo, nagulat ako hindi lang pala sa wikang Hapon magiging interesante sa byahe ko, kundi pati sa Filipino. Isama mo na dyan ang Bisaya, Ilocano, Hiligaynon at iba pang dialect. Ang mga napili para sa JENESYS Programme ay galing sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Natural iba’t iba din ang mga dialect namin. Pero siempre parang may distribution din yata ang pagpili sa amin. Parang ganito karami ang galing sa Luzon, sa Visayas, sa Mindanao, sa NCR. Sa una, medyo naging evident ito. Ako, yung kinakausap ko yung mga kapwa ko Ilonggo tulad ni Karl, ang mga Bisaya ganun din. Pero yung tumagal, halos hindi mo na to mararamdaman. Saka ko lang lubos na na-appreciate ang wikang pambansa.

Yung masaya pa, sa umpisa, pinagsasabay namin yung mga dialects namin at ang Filipino. Pinakainteresante yung kaso ni John. Si John ay Bisaya talaga pero nag-aral sya sa UP Miag-ao, sa Iloilo kung saan sya natuto ng Hiligaynon at marahil pati ng Kinaray-a. Ang nangyari, kapag ako ang kausap nya, Hiligaynon kami, kung ibang Bisaya, tulad ni Francis, Bisaya din, kung iba naman, Filipino na. Meron isang punto na nagkahalo-halo na. Mga sitwasyon tulad ni John kung saan very evident ang convenience ng isang common language.

Sa orientation palang sa Manila, sinabihan na kami, isa pa alam naman namin, na mahina sa Ingles ang mga Hapon. So, binigyan kami ng isang Nipponggo useful phrases booklet. Nandoon ang mga salin ng mga salitang Ingles sa Hapon. Meron ding mga phrase na madalas ginagamit ng isang banyaga o turista. Tulad ng ‘saan ang banyo?’ ‘magkano ang samurai?’ ‘galing ako sa Pilipinas’ at iba pa. Useful nga. Siempre ang mga unang Hapon na natutunan ko ay ‘watashiwa eric-san’ o ‘ako si eric’, ‘arigato gozaimas’ o ‘maraming salamat’, ‘kunichiwa’ o ‘magandang hapon’. Basta mga basics ika nga. Ang bagay lang na sigurado ako, hindi ko sineryoso ang pag-aral ng Nipponggo. Isa pa, marunong mag Ingles ang mga supervisor namin na mga Hapon.

Sa eroplano at sa airport na mismo sa Japan, okay pa, kasi may Hapon, may Ingles. At kung may tanong ka, lapit ka lang sa supervisors. Sa tour na mismo, hindi marunong mag Ingles ang mga nakilala namin, pero ayos lang, may translator naman. So, swabe lang. Pagpahinga sa hotel, doon na medyo nag iba ang pag-absorb ko sa sitwasyon namin.

May TV, gusto naming manood ng TV. Yung problema, eleven lang ang channels, isa lang ang Ingles: CNN. Merong isang channel na may palabas na Hollywood na pelikula, pero naka dub at may subtitles na Hapon. Mga ilang minuto din kami nanood ng makukulay na Japanese game/gag show na hindi namin maintindihan kung bakit sila tumatawa. Ang radio sa room namin ay ganun din. AM man o FM, lahat Hapon ang salita. Medyo mabuti din ang naidulot nito, at least nag-bonding nalang kami na mag groupmates. Saka ko lang na realisa na kaya kami nagkukwentuhan kasi kami lang ang nagkakaintindihan.

Interesante ang karanasan naming sa isang high school. Nag tour kami at nag sit-in din sa klase. Nagustohan ko ang calligraphy class. Nakakamangha pagmasdan at subukan din ang magsulat sa tradisyonal na Hapon. Mahirap ito, at ilang subok bago ko na sulat ang pangalan ko ng maayos. Grabe ang pagpapahalaga sa heritage na to, lalo na ngayon na panahon ng computers at cellphones. Sining ang turing nila dito.


Pero paborito ko ang lunch namin. Pinaupo ang ilang estudyanteng Hapon para makipag-interact sa amin habang kumakain kami. Ilabas ang useful phrases booklet! Nakakatuwa na naghanda din ang mga estudyante ng mga useful phrases sa Ingles. Halatang nahihirapan at nahihiya pero tuloy ang daloy ng kwentuhan, ‘What is your name? Do you enjoy Japan so far? Etc’. Hindi naiwasan ang mga dead air moments kung saan nagkalituhan. Agad akong, ‘Pare, ano ibig sabihin nito? Paano mo sabihin ang ganito?’ Sa tingin ko nagsasabihan din sila, ‘Ano daw? Ano sa English ang ganito? Bat ba tayo pinili dito?’ habang tinitignan ang notes nila.

Tuloy ang tour at natututo rin kami, este ang mga groupmates ko ng mga bagong mga Japanese word o phrases man. Nalaman ko lang ang pagkatamad ko nang umabot na sa Home Stay na part ng programme. Sa loob ng dalawang araw at isang gabi, makikitira kami sa isang Japanese family para lalong maranasan ang pamumuhay ng mga Hapon. Yung catch, walang supervisors. Sabi ng kuya ko, okay lang yan, hindi naman siguro pipili ang organizers ng isang pamilya na wala talagang alam sa Ingles. Medyo mahirap mag Ingles pero sabi ng kuya ko dyan naman ang ‘sign language’. Natakot na ako. Baka magkaproblema o ano man.

Kinabukasan, na meet na namin ang mga foster family namin. Bago sila dumating, binigyan kami ng parang profile nila. Siempre, mga pangalan, mga trabaho, ilan ang mga anak, edad ng mga anak, mga hilig, pati mga alaga nila nandoon sa profile. Ulit, may isang detalye na nakaagaw ng pansin ko. Meron isang part na ‘languages’. Ang nakalagay sa amin, “Japanese, English, Filipino” Tinanong ko ang makakasama ko, si Karl, isa ring Ilonggo, bale foster brother ko sya. Pareho kami makikitira sa Hirakawa Family.

Sabi ko, “Karl, ano ibig sabihin ng part na to? Mga language na kaya natin o ang kaya nila?” Sabi ni Karl, malamang yung kaya nila, profile nila to e. May point sya. Tinignan ko ulit ang profile, at nakita ko ang dahilan bakit may ‘Filipino’ sa profile nila. Ang pangalan ng mag-ama ay Japanese, pero yung mother namin, ‘Christine’. Aha! Pinay ang foster-mother namin! Parang lilipad ako sa tuwa. Sabi ko pa nga kay Karl, “Nako, kung ito maging Ilonggo pa, saksakan na talaga tayo sa swerte.”

Pagdating nila, nahirapan pa kami sa paghanap ng mukhang Pinoy. Yun pala, sa klima na rin siguro sa Hokkaido, nagmukhang Hapon na rin ang foster-mother namin. Taga-Baguio sya at matagal na sya nagtatrabaho sa Japan, at eventually dito na rin nakapangasawa. Ang asawa nya at anak ay medyo magaling na rin sa Ingles, pero hindi ito ganong ginagamit sa bahay. Tinamad na rin kami mag-Ingles, sa dalawang araw, Filipino lang kami nang Filipino.

Sa pag-uusap palang namin, mararamdaman mo talaga na may natatanging bond ang mga kapwa-Filipino. Halimbawa, sa grocery, sya pa ang nagtatanong at nagsa-suggest ng bibilhin namin, “Ito gusto nyo to? Yan masarap yan, subukan natin? Ano pa gusto nyo tikman?” Ang luwag sa pakiramdam. Iniisip ko ang ibang groupmates ko na siguradong hindi nila naranasan to. Mag e-effort pa sila at ang foster parents nila mag Ingles para lang makaintindihan.

Pagdating sa bahay, “O ano plano nyo? Pahinga muna? Kayo bahala.” Pagkatapos matulog ng ilang oras, “O, ano masyal kayo? Kayo na bahala, ang tatanda nyo na. Basta tandaan nyo bahay natin ha. Balik kayo bago mag alas-siete. Ingat.” Ang simple, walang echos.

Habang namamasyal, pumasok kami sa isang video games, CDs, mangas, book store. Bumili si Karl ng ilang manga para pasalubong at naghanap ako ng mga libro. Halos wala akong may naintindihan, puro Hapon ang mga libro. Hanggang may nakita akong isang maliit na parte ng isa sa mga shelf na puro mga libro sa Ingles ang nakabenta. Nagulat ako kasi meron isang kopya ng paborito kong libro, Sophie’s World by Jostien Gaarder. UK edition yata yon at iba ang cover kaya na intriga ako at nagpasya na bilhin ko na para sa kapatid ko. At isa pang factor? Ang presyo, 105 yen, o halos 53 pesos lang. Ang kopya ko ng Sophie’s World nabili ko sa National Book Store ng halos 400 pesos. Nakabili din ako ng libro ni Kenzaburo Oe, Nobel Prize winner, modern novelist ng Japan, sa Ingles siempre. At tsaka isang libro ng mga pictures at tungkol kay Audrey Hepburn. Pati yun, pinatulan ko, kasi ang mura. Sa Pinas, halos wala ngang binibenta ng mga libro tungkol sa photography. Pero sa Japan, etsa pwera lahat ng libro sa Ingles.

Nang lumabas kami sa store na yon, humanga ako sa pagtangkilik ng mga Hapon sa kanilang mga produkto, komiks man o libro, mga kanta. Sa isa pang bookstore, mas humanga ako. Isang kopya ng Twilight, New Moon, Eclipse, at Breaking Dawn ni Stephanie Mayer in Japanese! Naisip ko kung gano kagaga ang mga Pinoy sa librong ito, pero mga Hapon, kailangan pang isalin kasi hindi lahat nakakaintindi ng Ingles.

Nang bumalik kami sa bahay para sa hapunan, meron mga bisitang mga Pinoy din. Mga tatlo sila malapit sa lugar naming at naki-‘party’ sa amin. Walang humpay ang kwentuhan. Kamusta na kami, ano ang kurso namin, ano ang tingin namin sa Japan, sa Hokkaido, ano mga hilig namin, ano mga plano namin sa buhay. Nag kwento din sila tungkol sa mga trabaho nila, sa takbo ng buhay sa Japan, kamusta naman ang programme, sa kung gano na nila na miss ang Pinas. Nagtatanong kung ano na ang nangyayari sa bansa, kamusta naman ang bagong presidente. Tawanan at kwentuhan. Sa ilalim ng mga pinag-uusapan namin, naramdaman ko na masaya lang talaga sila na may mga bagong Pinoy silang makakausap. Gaya nga ng sinabi ko parang may sense of bond sa kapwa-Filipino.

Inisip ko na apprehensive ako na manatili sa Japan ng ilang araw dahil sa language barrier. Nahihirapan na nga ako na nandito ako para mamasyal, sila pa kaya na nandito para magtrabaho, malayo sa kanya-kanyang pamilya. Kaya sila tuwang-tuwa dahil hindi araw-araw na nagkakaroon sila ng pagkakataon na ganito lang: tambay lang, kwentuhan lang, sa Filipino.

Naalala ko ang mga seryosong usapin ng multilingual na society, ang epekto ng Ingles sa Pinas, and miseducation ng mga Filipino. Sa Pinas, mataas ang value ng abilidad sa Ingles kasi ito ay para maging globally competitive ang Pinoy. Pero napabayaan na yata natin ang sariling wika at kultura. Ang mga Hapon, di nga magaling mag-Ingles, pero mayaman naman. Ang mga banyaga pa ang nag-aaral ng Hapon para makipagnegosyo sa kanila. Matibay ang pundasyon ng lipunan nila. Lumalabas na tayo, nag-aaral para makapaglingkod sa banyaga, pero mga Hapon, para makapaglingkod sa kapwa. (Hindi lang Japan, kundi pati China, Korea, Singapore, Taiwan, Malaysia, Thailang, at malamang Vietnam)

Sabi nga ni Jacob Burckhardt, ang wika ang kaluluwa ng isang nasyon. Kahit saan man tayo mapadpad, daladala natin ito. Kahit magaling ka na mag Ingles o Hapon, sa kalalim-laliman, Filipino ka rin. At hahanap at hahanap ka ng paraan para ipahiwatig ito. Dahil nga kaluluwa natin ito, dapat lang siguro na bigyan natin ito ng halaga at lalong ipayamanin. At sana darating din ang araw na hindi na tayo mag-aaral ng Hapon para magtanong ng ‘magkano ang samurai?’ kundi ibang lahi naman ang mag-aaral ng Filipino para magtanong ng ‘magkano ang bolo?’

(Ikatlong Yugto sa ‘Kung Paano Tinuro Ng Mga Cherry Blossoms at Mga Likha Ni Vicente Manansala Sa Akin Ang Natatanging Pinagkaiba Ng Bansang Japan At Ng Pilipinas’)

Goin Bulilit: Programang For Adults Only


Ang programa na Goin Bulilit ay isang gag show na pinapalabas tuwing Linggo ng gabi sa ABS-CBN. Natatangi ito dahil mga bata ang mga aktor at aktres na gumaganap sa show. Ang tanging matanda (adult) sa show ay si Dagul, isang comidianteng may dwarfism, o simpleng ‘unano’. Dahil sa kakaibang konsepto nito, pumatok ang palabas sa madla. Ilang ‘batches’ na nga ang meron dahil hanggang 12 years old lang sila pwede sa show saka sila ‘ga-graduate’. Karamihan sa mga batang aktor dito ay dumideretso na sa mga ‘mas mature’ na roles tulad ng sa drama.

Nagbubukas ang palabas sa isang gimik; isang babala na nagsasabi na ‘the following program is for adults…also.’ Umpisa palang napapangiti ka na. Pero totoo nga ba ito?

-0-

Merong dalawang konsepto kailangan unawain sa pagtalakay sa Goin Bulilit, ito ang socialization at mass media.

Ang proseso ng socialization ay kung saan nalalaman at natutunan ng isang indibidual kung paano maging kasapi o kabilang sa isang partikular na lipunan sa isang partikular na panahon. Ang bawat lipunan ay merong mga norms (naaangkop na ugali), values (konsepto ng tama at mali), beliefs (mga paniniwala tungkol sa mundo), laws (mga batas, nakasulat na norms), at pati na rin mga taboo (mga bagay na hindi kanais-nais pag-usapan o gawain). Merong mga agents of socialization kung saan malaking amount ng socialization ang nangyayari. Kabilang na sa mga agents ay pamilya, pamahalaan, eskwelahan, simbahan, at ang pinakabago pero unti-unti nagiging pinakamakapangyarihan: ang mass media.

Kapag sinabihan ka ng nanay mo na magmano sa lola mo, yan ay socialization. Kapag sinabihan ka ng pulis na bawal tumawid sa daan, yan ay socialization. Kapag sinabihan ka ng teacher na namatay si Rizal para sa bayan, yan ay socialization. Kapag sinabihan ka ng pari na masama ang magsinungaling, yan ay socialization. Madalas ang mga agents na to ay nagtutulungan para mapanatiling payapa at maayos ang lipunan. Sa mas malalim na tingin, para mapanatili ang status quo.

Pero ibang usapan ang mass media. Ang mass media ay tumutukoy sa maraming paraan ng komunikasyon na nakakaabot sa maraming tao o audience na wala namang personal na kontak sa pagitan ng mga ‘senders’ at mga ‘receivers’. Ang mass media ay pwedeng nakasulat (e.g. newspapers, magazines), naririnig (radio), naririnig at nakikita (TV, pelikula) o di kaya pinaghalo-halo na (Internet). Ang mass media ay importante dahil convenient itong paraan ng pagkalat ng impormasyon tulad ng balita. Nakikita ng mga tao ang mundo gamit ang mass media. O di kaya gumagawa ng mundo ang mass media.

Merong kakayahan ang media na baguhin ang mga norms at beliefs sa mabilis na paraan. Ito ay delikado dahil madalas ang media ang instrumento ng mga partikular na tao o partikular na social class.

-0-

Ang palabas na Goin Bulilit ay, bilang isang uri ng mass media, isang agent ng socialization. Bilang isang gag show, ginagamit nito ang humor para makapaglibang. Isang paliwanag ng humor ay paraan ito ng lipunan na pag-usapan ang mga taboo o mga masyadong seryosong bagay. Mag-release ng tension ba. Magandang halimbawa ang sex at pulitika na madalas ginagamit sa jokes. Ayos lang, kasi joke nga lang.

Ano ang mangyayari kapag gumagamit ka ng mga bata para magbiroan tungkol sa maraming isyu sa lipunan? Nakakatuwa para sa matatanda pero para sa bata, nadadala nila ang mga ugali na nakikita nila sa TV (na pinapakita ng mga bata rin). Hindi nakakatawa ang Goin Bulilit dahil nakakatawa ang jokes, kundi dahil mga bata ang nagde-deliver ng mga jokes na pinagdadaanan ng mga matatanda. Ang mga matatanda ang nalilibang habang ang mga bata ay hindi lang nalilibang kundi natututo rin. Nakakaalarma pa ang mga isyu na tinatalakay nila: pulitika, pamilya, trabaho, kasal, edukasyon, rehiliyon, kasaysayan, homosekswalidad, pag-ibig, at pati na konsepto ng kagandahan.

Meron nga dati isang artista, si Kiray, na halos puro jokes tungkol sa kagandahan lang ang binibigay. Sya ay pandak, maitim, kulot, mababa ang ilong, samakatuwid, ‘pangit’. Si Dagul naman ay puro jokes tungkol sa laki o tangkad ang binabanat. Ang pagiging unano ay hindi na karamdaman o uri ng pagiging handicapped kundi nagiging isang nakakatawang katangian ng tao. Ilang beses din sinu-spoof ang mga pulitiko tulad ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Meron din mga batang lalaki ang nagbibihis babae na may kasama pang makukulay na mga wig. At ano ang ginagawa ng mga ‘batang bakla’? Nagtsi-chismis. Lahat ng klase ng stereotypes, na discriminating, ay pinapakita ng show, ng mga batang actor.

-0-

Kailangan buwagin ang Goin Bulilit kung di man ilipat sa timeslot na matatanda na lang ang gising. Ang programang tulad nito ay for adults only dahil tanging sila lang ang may kapasidad para ipagkaiba ang biro sa realidad. Ironic kung tutuusin na ayaw ng mga tao manood ng mga programang tumatalakay ng kahirapan o kurapsyon at iba pang social ills, pero tinatangkilik pa ang mga programang tulad ng Goin Bulilit.

Hindi man natin namamalayan, pero humuhubog tayo ng isang henerasyon ng mga mamayan na biro ang turing sa mga importanteng isyu tulad ng pulitika at kasarian. Ginagawa natin ito habang nasa harap ng TV, katabi ang mga anak, at tumatawa.