Naalala Kita at Ako


Naalala kita at ako
ay nangungulila nang hindi
ko maintindihan.
Naalala ko ang pagsandal
mo sa akin habang hinaharana
ka ng mga alon.
Naalala ko ang paghabol
natin sa dapithapon,
kinakamkam ang kanyang huling mga sinag.
Naalala ko ang pasilong
natin sa isa’t isa habang
umuulan ng pagbabago.
Hindi ko maintindihan bakit
ko ito naalala lahat,
hindi naman sila nangyari.
Dahil hindi sila nangyari, bale wala
akong naalala? Nangungulila sa wala.
Yan din marahil ang dahilan
kung bakit wala na akong nararamdaman.

*naisulat pagkatapos mabasa ang salin ni Jose F. Lacaba ng “I can no more hear love’s” ni National Artist Jose Garcia Villa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s