Tapos ni Dorothy Parker


Ngayong wala na, ngayong tapos na;
Bakit parang wala lang nangyari?
Maliwanag pa rin ang di pumapalyang araw,–
Hindi ba nya nakitang tayo’y nagpaalam na?
Mga tao’y nagmamadali at pumapasok at nagmumura,
Tumatawa at may kinukumod at namamatay at kinakasal,
Iniisip kung anong kakainin o susuotin nila,–
Hindi ba nila alam na pag-ibig natin ay patay na?

Kasing abala pa rin ang mataong kalye;
Mga sasakyan at karito’y nagdadaanan lang,
Tumatawa ang mga bata, nagtatagpo ang magsinta,
Hindi ba nila alam na ang pag-ibig natin ay wala na?
Walang tumitigil para makiramay;
Walang binabagalan ang paglakad, dahil ang pag-ibig ay tapos na,–
Marahil mabangit ko, aking dating minahal,
Aking buhay ay bumalik na rin sa normal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s