Ika’y pagod na, ni e.e.cummings


Ika’y pagod na,
(sa tingin ko)
Sa parating palaisipan ng buhay at paggawa;
Ako nga rin.
Sumama ka na lang sa akin,
At iiwanan natin sila sa malayong-malayong lugar—
(tanging ikaw at ako lang, unawain mo!)
Ika’y naglaro,
(sa tingin ko)
At nasira mo ang mga paborito mong mga laruan,
At medyo pagod ka na ngayon;
Pagod sa mga bagay na nasisira, at—
Basta pagod.
Ako nga rin
Pero ngayong gabi, may dala akong panaginip sa aking mga mata,
At kakatok akong may rosas sa pintuan ng iyong pusong ayaw nang maniwala—
Buksan mo ako!
Dahil ipapakita ko sayo ang mga lugar na walang may alam,
At, kung gusto mo,
Ang mga perpektong lupain ng pagtulog.
Sige na, sumama ka na!
Iihipan kita nung magandang bula, ang buwan,
Na lulutang habangbuhay at isang araw;
Ikakanta ko sayo ang masayang awit
Ng mga di siguradong bituin;
Susubukan kong ayusin ang mga lupain ng panaginip,
Hanggang makita ko ang tanging bulaklak,
Na magaalaga (sa tingin ko) sa iyong munting puso,
Habang umaahon ang buwan mula sa dagat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s