Kapag Makalimutan Mo Ako ni Pablo Neruda


May isang bagay na gusto kong
Malaman mo.

Alam mo naman kung ano ito:
Kapag tinitignan ko
Ang kristal na buwan, ang pulang sanga
Ng mabagal na taglagas sa aking bintana,
Kapag hinahawakan ko
Malapit sa apoy
Ang di masupil na abo
O ang kulubot na katawan ng troso,
Lahat ay dinadala ako sayo,
Para bang lahat ng bagay,
Amoy, ilaw, bakal,
Ay mga maliliit na mga bangka
Na naglalayag
Papunta sa mga isla mo na naghihintay sa akin.

Ngayon,
Kapag unti-unti tigilan mo na akong mahalin,
Titigilan na rin kitang mahalin nang paunti-unti.

Kapag bigla
Mo akong makalimutan
Wag mo na akong hanapin,
Dahil nakalimutan na rin kita.

Kapag pagiisipan mo talaga,
Ang hanging ng mga bandiritas
Na dumaan sa aking buhay,
At kapag mapagpasyahan mong
Iwan ako sa dalampasigan
Ng puso kung saan ako ay may mga ugat na,
Tandaan mo
Sa araw na yon,
Sa oras na yon,
Bubuhatin ko ang aking mga kamay
At aking mga ugat ay aalis
Para manghanap ng ibang tahanan.

Pero,
Kapag bawat araw,
Bawat oras,
Mararamdaman mo na itinadhana ka para sa akin
Na may walang kaparis na tamis,
Kapag bawat araw isang bulaklak
Ang umaakyat sa mga labi mo para hanapin ako,
Ah aking mahal, aking giliw,
Sa akin ang lahat na apoy na iyon ay na uulit,
Sa akin walang namamatay o nakakalimutan,
Ang aking pag-ibig ay nabubuhay sa iyong pag-ibig,
At hangang nabubuhay ka ito ay magiging sa iyong palad,
Nang hindi umaalis sa akin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s