Sucker Punch


Ang Sucker Punch ay umiikot sa kwento, at sa di kalaunan sa isipan, ni “Baby Doll”, na ginagampanan ni Emily Browning at ang kanyang karanasan sa loob ng Lennox House, isang institusyon para sa mentally insane.

Nagsimula ang lahat nang namatay ang ina ni “Baby Doll”. Napuna ni “Baby Doll” na may di magandang plano ang kanilang stepfather sa kanya at sa kanyang nakababatang kapatid. Nalaman ng kanyang stepfather na ang lahat ng kayamanan ng kanilang ina ay iniwan sa magkapatid. So, anu ginawa ng stepfather? Pinaggtangkaan ang buhay ng magkapatid. Na kuwang protektahan ni “Baby Doll” ang sarili, saka naman pinagdiskitahan ang kanyang kapatid. Nakahanap si “Baby Doll” na makahanap ng baril at tinutukan ang stepfather. Pumutok ang baril at natamaan ang kapatid ni “Baby Doll”. Lumabas sa bahay si “Baby Doll”. Tumawag sa mga awtoridad ang stepfather at pinalabas na sa labis na lungkot at depresyon ay nakuwa ni “Baby Doll” na saktan sya, at mapatay ang kanyang kapatid. Saka pinasok si “Baby Doll” sa Lennox House.

Di umano ang Lennox House ay isa lamang front sa isang parang sindikato or something. Ang mga pasyente ay ginagamit para mapagkitaan. Dito na kilala ni “Baby Doll” sina Amber (Jamie Chung), Blondie (Vanessa Hudgens), Rocket (Jena Malone) at kanyang ate na si Sweet Pea (Abbie Cornish). Isa sa mga pinapagawa sa mga pasyente, na puro babae, ay ang magtanghal para libanging ang mga kasosyo ni Blue Jones (Oscar Isaac). Lahat sila, ay nagpapraktis ng kanikanilang mga sayaw. Minsan inutusan si “Baby Doll” na sumayaw, at habang sumasayaw nagkaideya sya kung pano sya makakatakas sa Lennox House. Dito nya nakilala si blabla na maggagabay sa kanya. Namangha ang lahat habang sumasayaw si “Baby Doll”. Nakumbinsi ni “Baby Doll” ang mga iba na tumakas at nagsimula silang magplano. Pinapasayaw nila si “Baby Doll”, para ma-distract ang mga bantay o sino man habang kinukuha nila ang kanilang mga kailangan para makatakas tulad ng mapa, susi, atbp. Dito na nagsisimula ang bakbakan para makatakas sila.

Isang pista para sa mga mata ng mga manonood ang production design ng pelikula. Dagdagan pa ng isang natatangi at de kalibreng musical score at soundtrack (na gusto kong tawaging ‘psycho-rock’) na kumukumpleto sa pangkabuohang sipa ng mga eksena sa pelikula.

Ibang klaseng approach ang Sucker Punch sa pagtalakay ng sakit sa pagiisip. Pinapakita nito ang pakikipabaka ni “Baby Doll” at ang kanyang mga kasama na makalaya mula sa Lennox House sa napaka-di kumbensyonal na paraan. Surrealismo sa kanyang hangganan. Merong mga eksena ng mga pakikipaglaban sa mga heganteng cyborg-samurai, sa mga cyborg-German soldiers noong World War I, isang air fight sa pagitan ng isang twin engine war plane at isang dragon, pagtigil sa isang na hijack na train ng mga robot. Ang daming robot. Mga ‘Hollywood’ robot. Kapag pinapanood ang mga eksena ng bakbakan, hahabulin mo talaga ang iyong hininga. Sa opinion ko, masyadong malaki ang focus sa mga eksenang ito kesa sa storyline mismo. Kung nabalanse lang sana ito kahit papano, mas magiging maganda ang kinalabasan ng pelikula. Grabe ang adrenaline sa bakbakan, tapos biglang babagal ulit ang takbo ng kwento. Ang kinalabasan, alanganing ‘action’ at alanganing ‘pscyho-thriller’ ang pelikula.

Nakakamangha ang pagtanghal ni Emily Browning. Halos di mo na sya makikila kung titignan mo ang mga nakaraan nyang mga role sa Series of Unfortunate Events at The Uninvited. Ang aura kasi Emily ay yung bang isang mahihin na dalaga na di makasakit ng langaw. Maninibago ka kung makita mo syang ginagamit ang kanyang samurai at 45 caliber. Pinu-push to the limit na ang pelikula gamit palang ang karakter ni Emily. Di mo maalis sa isip mo ang mga tanong na, “Sya ba yan?” “Kaya ba nya yan?” atbp. Nakakapanabik ang mga susunod na mga proyekto ni Emily Browning.

Suma total, pinapakita ng Sucker Punch, sa isang napaka malikhaing paraan, ang kayang gawin ng isipan at ang kaharasan na kaya nito idulot. Ang pelikula ay karera sapagitan ng hininga at isipan. Ang Sucker Punch ay pelikula yong tipong magdi-demand ng kompletong atensyon ng manonood.

Nang matapos ko panoorin ang pelikula, di ko pa rin maintidihan bakit Sucker Punch ang pamagat. Di ko akalain na kabilang pala sa bokabolaryo ng Oxford Dictionary ang ‘sucker punch’. Ibig sabihin nito, ‘an unexpected punch or blow’. Napangiti ako, tunay na isang ‘sucker punch’ ang Sucker Punch.

photo credit:http://www.filmofilia.com/wp-content/uploads/2010/07/sucker_punch_image1.jpg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s