Bundok at Gubat ng Miag-ao


Tula 003

Payapa ang mga kalye dito, walang usok.
Mga puno ang mga gusali, lupa lang ang tulay
Na dadaanan para makatawid sa ilog.
Nakakamatay ang syodad at nakakahaba
Ng oras ang pagsandal sa mga hapon sa Miag-ao.

-0-

Ang Munisipalidad ng Miag-ao ay approximately 40 kilometers mula sa Syodad ng Iloilo. Noon iisa lang ang UP sa Iloilo. UP Iloilo College pa tawag noon. 1988 naging operational ang UP Miag-ao campus. Isang coastal town ang Miag-ao kaya ideal ito para sa College of Fisheries ang Ocean Sciences. Nilipat na din dito ang College of Arts and Sciences, School of Technology, at ang Adminstration Building. Ang Miag-ao Campus ay ang main campus ng UP Visayas. Pagsinabi ng isang estudyanteng nakabase sa Miag-ao na nagaaral sya sa ‘bundok at gubat’, maniwala kayo, hindi yon metaphor o ano man.
-0-


-0-


-0-


-0-


-0-

-0-

Ang Diwata ng Dagat ay simbolo ng College of Fisheries and Ocean Sciences at ng UPV sapangkalahatan. Dinesenyo ito ng National Artist for Sculpture na si Napoleon Abueva.




-0-
Admin Building

Ang Oblation na siguro ang pinakasimbolo ng UP. Inspired ito mula sa isang part ng Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal. Dinesenyo ito ng National Artist for Sculpture na si Guerilmo Tolentino. Sa tingin ko ito ang pinakamagandang angolo ni Oble. Pinapakita nito na walang hangganan ang opurtunidad sa taong edukado at walang alinlangan sa sarili. Kasing lawak ng langit.

-0-

Merong limang dormitories sa Miag-ao campus. Dahil di sapat ang mga dorms, marami ring mga boarding house at apartments na malapit o sa loob mismo ng campus. Nasa dorm area ang sports facilities ng campus. Meron ditong court para sa lawn tennis, sa volleyball, sa basketball, at sa badminton. Meron din mga table para sa, well, table tennis. At isang malawak na football field sa likod. Trisikel ang pangunahing mode of transportation dito. Pero pwede rin lakarin, kung marami kayo o wala namang minamadalian.



Minsan may nabasa akong article tungkol sa Mt. Banahaw. Sabi daw if you want to get ‘high’, climb a mountain. Talagang maha-high ka, literally. Hindi naman siguro kasing ‘banal’ ng Mt. Banahaw ang Miag-ao, pero pwede na. Naka-high kasi, marami kang panahon para mag isip dito. Hindi lang tungkol sa mga exams or deadlines sa klase. Pag may free time ka dito, talaga free ka. Kasi pag nasa syodad ka, pwedeng kang mag-mall or mag sine, or mag night out, or ano man. Dito, marami panahon para mag reflect. Peace of mind ba. Sabi sa article, mountains daw provide a haven for mystics, poets, and rebels.
Bawat sa atin siguro kailangan pumunta sa mga bundok o sa mga lugar tulad ng Miag-ao paminsan-minsan para mapanatili ang ating sanity. Kasi kung iisipin, lahat naman tayo, may parteng mystic, may parteng poet, at lalo na may parteng rebelde.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s