Isang gabi natakot ako


Isang gabi natakot ako
Dahil sa dalawang bagay.
Una ay dahil wala ka na
At paano kaya kung magkita
Tayo ulit? Makasalubong kita sa
Kalye o makasabay sa jeep. Ako
Ba’y magtatago, magpapanggap
Hindi ka nakita, o di kaya
Pipilitin kong ngumiti para
Hindi ka mag aalala?
Paano kung may kasama ka nang iba?
(Ngingiti din ba ako sa kanya?)
Ikalawa ay nang napuna ko na
Iba na ang mukha ng buwan.
Ito ngayo’y bilog, dati’y ito kalahati
Lang o wala pa nga minsan.
Ilang buwan at gabi na pala ang nakalipas.
Ang kinakatakutan ko ay matagal
na palang nangyayari.
Higit pa sa takot na makita ka,
(ako’y nakakatulog na ulit)
Ako’y nasanay na hindi ka kasama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s