Pinag-aaralan namin sa klase ang


Pinag-aaralan namin sa klase ang
Likha ni Plato na The Republic at
Umabot ako sa parte ng Allegory
of the Cave
. Sabi nya lahat daw tayo
Ay nasa loob ng isang kweba.
Nakaharap tayo sa pader at meron lamang
Apoy sa likod natin para may ilaw.
Tanging mga anino lamang ng mga bagay ang
nakikita natin. At kontento na tayo dito.
Para malaman ang katotohanan,
Kailangan natin palayain ang mga sarili
Sa kadena sa ating mga leeg at mga paa.
Makikita natin ang bagay na nagbibigay ng anino.
Lalabas tayo sa kweba at makikita ang mundo.
Makikita natin ang araw. Ito ang katotohanan.
Walang katapusan. Tapos naalala kita.
Napangiti ako. Kahit sa libro, mukha mo
Pa rin ang nakikita ko sa pagitan ng mga pahina.
Marahil naakit ka sa liwanag, at na una kang lumabas.
Nang tumagal, di na rin ako nakontento sa mga
Anino. Pinalaya ko na rin ang sarili.

Masyado ko yatang siniseryoso ang librong to.

Totoong mundo pala ha. Maraming hugis at kulay.
Napaluha ako sa silaw noong una. Pero gumaan
Ang loob ko nang maisip na baka balang araw,
Magkasalubong ulit tayo. At magiging
Mas malinaw na ang mundo sa pagitan natin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s