Sonnet 17 ni Pablo Neruda


Hindi kita minamahal na tila isa kang diamante,
O isang bugkos ng bulaklak na binubuga ng apoy.
Minamahal kita kung paano minamahal ang mga madidilim na bagay,
Palihim, sa pagitan ng anino at ng kaluluwa.

Mahal kita na parang isang halaman na hindi umuusbong
Pero dinadala ang kanyang sarili sa liwanag ng mga nakatagong bulaklak;
Salamat sa iyong pag-ibig, isang natatangi na halimuyak,
Ang lumutang mula sa lupa, at nabubuhay sa aking sarili.

Mahal kita nang hindi alam kung paano, o kailan, o mula saan.
Mahal kita nang deretsahan, walang komplikasyon o alinlangan;
Kaya mahal kita dahil wala na akong ibang alam na paraan
Maliban dito: kung saan walang ako, o ikaw,

Napakalapit na ang iyong kamay sa aking dibdib ay aking kamay,
Napakalapit na ang iyong mga mata ay sumasara habang akong natutulog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s