Tunay na Pag-ibig ni Wislawa Szymborska


Tunay na pag-ibig. Sya ba’y normal,
Sya ba’y seryoso, sya ba’y praktikal?
Ano ang makukuwa ng mundo mula sa dalawang tao
Na nabubuhay sa kanilang sariling mundo?

Pinapakita para purihin ng walang mabuting dahilan,
Basta nalang pinipili mula sa milyon-milyon, pero kombinsidong
Ito ang tamang paraan—pabuya para saan? Para sa wala.
Walang may alam kung saan galing.
Bakit sa dalawang ito at hindi sa iba?
Hinahamon ba nito ang hustisya? Oo.
Ginagambala ba nito ang ating pinaghirapang mga prinsipyo,
At kinakalat ang moral mula sa itaas? Oo, sa dalawang pagkakataon.

Tignan mo ang masayang magsinta.
Hindi ba nila pwedeng itago man lang,
Magpangap na problemado para sa pakanan ng mga kaibigan!
Makinig sa kanilang tawa—ito’y isang insulto!
Ang kanilang wikang ginagamit—nakakalinlang.
Ang kanilang mga munting selebrasyon, mga rituwal,
Ang mga bagay na sabay ginagawa—
Malinaw na ito’y isang plano laban sa sangkatauhan!

Mahirap hulaan kung ano ang mangyayari
Kapag sundin ng mga tao ang kanilang halimbawa.
Ano nalang ang mangyayari sa rehiliyon at sa mga tula?
Ano nalang ang maaalala? Ang kakalimutan?
Sino nalang ang maniniwala sa mga limitasyon?

Tunay na pag-ibig. Ito ba’y talagang kailangan?
Pag-iisip at diskarte ang nagsasabi na daanan itong tahimik,
Parang isang skandalo sa pinakamataas na larangan ng buhay.
Ang mga mabubuti bata ay ipinapanganak nang hindi nito pinapakialaman.

Hindi nito kayang tauhan ang planeta sa isang milyong taon,
Ito’y napakabihirang dumadating.

Hayaan ang mga taong hindi pa ito nakikita,
Na sabihin na hindi ito totoo.

Mas magiging madali ang kanilang buhay at pagkamatay sa ganitong paniniwala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s