Manuel (Pauwi galing Inuman)


Alak ang bumuhay at pumatay sa akin.
Heto na ang huling byahe ko, kung di
pa ako namatay, di ako makakapasok
sa simbahan. Magugulat ka sa maraming
bagay pagnamatay ka. Ang dami mo
palang kamaganak at kaibigan, di ka
naman pulitiko o artista. Ang asawa kong
binabato ako ng mga pingan pag
umuwi akong naka-inom, ngayon ay
iyak nang iyak kasama ang anak kong
hiniling na iba na lang sana ang tatay nya.
Hindi ko naman sinisisi ang alak;
hindi ko kayang magalit sa bagay na nagpapasaya
sa akin. Una bulsa at reputasyon lang tinamaan,
Sa huli atay at bato ko na pala. E lahat naman
mamatay balang araw.
Dapat magpakalasing habang buhay pa.
Walang alak sa kabilang buhay, wala ring uhaw.
Takot silang malasing kaya sila
nahihirapan sa buhay at takot mamatay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s