Norman (Papuntang Kolehiyo)


Unang martes ng second sem at
ako’y na peste sa schedule ko.
Alas sieteng klase, e tatlong sakay pa
ako galing bahay papuntang La Paz.
Bakit kasi ang layo ng kolehiyo ko.
Sumakay ako ng jeep, nagulat lang ako sa
bumati sa akin at nawala ang antok ko.
“Late ka na no?” sabi nya. Ilang buwan din
kami hindi nagkita, swerte ba to o malas?
“Oo nga e, ikaw?” “Mamya pa klase ko.”
Tuyong-tuyo na lalamunan ko habang
binabantayan ang babaan kong kanto.
“Kamusta ka na?” sabi nya. Pinilit kong
ngumiti, “Ayos lang.” Mahirap parin magalit
sa kanya. Kailangan ko nang bumaba,
“Una muna ako,” Matagal na dapat
pinatawad ang byaheng yon. Parang
wala lang nangyari sa amin.
Sumakay ako ng ibang jeep at
nagsimula ng bagong byahe
bago ako tuluyang ma-late sa klase.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s