Isang Alamat


Ay, may naririnig ako bagong awitin, bagong awitin
At may naririnig akong bagong sigaw, e ikaw?

“O? Bakit dala mo yang readings sa Econ?” tanong ni Alan sa room mate na si Jake. Umupo sila at nag umpisang kumain ng hapunan.

“Wala. Hindi to akin. Kay Maureen to.” Sabi ni Jake, “Wala sya kasi kanina.”

Napuna ni Alan na hindi pa nya nakikita si Maureen sa araw na yon. “Bakit ba absent sya?”

“Tumingin ka nga sa paligid mo.” Sabi ni Jake, “Valentine’s kaya. Nag-date yon malamang. Baka hanggang ngayon.”

Pagkatapos nilang kumain pumunta sila sa dorm ni Maureen. “Tayo pa talaga ang pupunta no?” tanong ni Alan habang naglalakad.

“Ano ka ba? Ano naman gagawin mo dun sa dorm? Siguradong walang tao dun. Magkakasama ang mga magnobyo. Ang mga single naman nagdadamayan. Walang gustong mag-aral sa panahon na to.”

Naghihintay sila sa labas ng isa pang freshmen hall habang tini-text ni Jake si Maureen. Tumingin si Alan sa paligid at napansin ngang medyo iba ang panahon ngayon. Pares-pares ang mga naglalakad at nagkukwentohan. Lumingon si Alan at may nakitang pamilyar na anyo. May dalang gitara at nakaupo sa harapan ng isang naka-park na owner-type jeep. Lumingon rin si Jake.

“Langhiya.” Sabi ni Jake, “Dito pala sa labas. Si Emily ba yang kasama nya?”

“Malamang.” Sabi ni Alan. Nilapitan nila.

May hawak na tatlong long stem na mga rosas si Maureen. Binigay agad ni Jake ang readings. “Alan!” sabi ni Emily, “nagde-date ba kayo ni Jake?” Tawanan.

“Hindi,” sabi ni Alan, “Sinasamahan ko lang ang isang to.”

Binati ni Maureen si Alan. “Salamat talaga Jake.”

“Jake,” sabi ni Emily. “Naloko ka rin ba nito? Gagang babae to, ayokong pauwiin.”

“Ano pa ba ginagawa nyo dito?” tanong ni Alan.

“Wala. Eto, jamming. Kwento ng kwento ang isang to, hind naman ako interesando.”

“Emily naman,” sabi ni Maureen. “Ikaw Alan, may binigyan ka ba ng roses ngayon?”

“Wala e.” sabi ni Alan.

“Kanino ba yan galing?” tanong ni Jake.

“Kay Ian.”

“Kayo na ba ni Ian?”

“Hindi pa. Pero ewan.”

Hindi mo ba namamalayan?
Wala ka bang nararamdaman?
Ika ng hangin na humahalik sa atin:

“Napapanis na nga yata ang bulaklak sa kakasinghot nya e.” sabi ni Emily.

“Ikaw Emily?” tanong ni Jake, “Wala bang nagbigay sayo?”

“Wala,” sabi ni Emily. “At kung may nagpa-deliver man, hindi ko tatangapin. Ang mahal-mahal. 40 pesos isang piraso. Minsan inutusan akong bumili, isang dosena, 120 lang. sampung piso isa. Yan 120, tatlong piraso lang. Isang araw na pagkain pa sana si Ian yan.”

“Mataas ang demand e.” sabi ni Jake, “Bulaklak, chocolates, pati nga hotel rate e.” Tawanan.

“Buti dito sa Miag-ao, di ganong nararamdaman. Pero kung sa syudad, dyosko. Ang konsepto kasi ng Valentine’s Day ay isang kapitalistang konsepto. Econ kayo, siguradong alam nyo pinagsasabi ko. Isang araw kada taon lalong lumalaki ang kita nila. Yung malala pa ang konsepto ng pag-ibig, all year round hinahanap ng lahat. Gamit ang media, sinasabi ng mga kapitalista na wag nyo nang isipin ang mga karapatan nyo o ang kondisyon ng pagawaan, ang importante sa buhay, kasama mo ang mahal mo sa buhay.”

Tulala si Jake, “Grabe, di ko na isip yon.” Hindi na nagulat si Alan.


Panahon na naman ng pag-ibig
Panahon na naman ahhh…
Panahon na naman ng pag-ibig
Gumising ka, tara na.

“Hay nako Emily,” sabi ni Maureen, “sinasabi mo lang yan dahil hindi ka pa na inlove.”

“Bakt ikaw? Sigurado ka bang ‘love’ yang nararamdaman mo? Mahal mo ba ang tao o mahal mo sang idea ng ‘being inlove’? Na kahit papano nararanasan mo rin ang nakikita mo sa pelikula o nababasa mo sa isang nobela.”

Hindi sumagot si Maureen. “Ano?” sabi ni Alan, “magpapatayan nalang tayo dahil hindi naman totoo ang pag-ibig?”

“Hindi naman.” Sagot ni Emily, “Exagge mo Alan a. Mahalaga naman talaga ang pag-ibig. Pagmamahal sa kapwa, sa kalikasan, sa bansa.”

“Napag-usapan na namin nyan nina Art.” sabi ni Jake.

“Oo, nakwento na ni Alan sa akin. Ang problema kasi sa kultura sa atin, pinipilit isama ang pag-ibig at kabataan. Hindi ka naging bata kung hindi ka na inlove. Masama ito, kasi ang mga teen ager ang mga pinaka-selfish na tao sa mundo. Ang romantic love ay ang pagbibigay ng iyong sarili para sa mahal mo. Pero mga kabataan, tulad natin, lalo na ni Maureen, ay gusto lang tumangap. Kaya maraming nasasaktan dahil hindi na mi-meet ang kanilang expectations slash illusions nila tungkol sa pag-ibig.”

“So ano nalang gagawin natin?” tanong ni Jake.

Ngumiti si Emily, “Pulitika!”

Masdang maigi ang mga mata ng mga tao,
nakasilip ang isang bagong saya
Ang pag-ibig na dakila, matagal na nawala
musta na? Nariyan ka lang pala

“Heto naman ang aktibista…”sabi ni Maureen.

“Makinig ka kasi,” sagot ni Emily. “Halos walang nangyayaring mabuti, hindi lang sa bansa pero sa buong mundo, dahil mga matatanda ang nasa kapangyarihan, dala-dala ang kanilang mga out-dated na mga paniniwala. Dapat mga bata ang mga nagpapatakbo ng mundo dahil napaka-idealistic pa nila. Naniniwala sila sa kapayapaan, pagkapantay-pantay, atbp. Habang tumatanda ka kasi tumatatak na rin ang mga katangian ng greed, pride, etc.”

Tumingin ni Jake kay Alan, “Ganito ba talaga pinagsasabi nya?”

“Madalas.”

“So,” sabi ni Jake, “Baliktarin natin. Ang pag-ibig ay para sa mga matatanda at ang pulitika ay para sa mga bata.”

“Tama. Sa tingin ko, mas maganda tignan ang dalawang tao na puti na ang mga buhok at wala ng mga ngipin kesa isang binata at dalaga. Kung matatanda kasi, makikita mo na marami na sila napagdaanan. Kinalakiha na nila ang isa’t isa at natangap na ang kanilang mga imperfections ba. Pero kung mga bata pa, naiisip ko na, ‘hay nako, kailan kaya sila maghihiwalay?”

Sabi ni Maureen, “Yan ang dahilan kung bakit walang nanliligaw sayo Emily.”

“Wala namang masama mag-reflect e.” sabi ni Alan.

Ngumiti si Emily. “Salamat Alan.”

“Sino ba kasi nag imbento ng pag-ibig?” tanong ni Jake.

“Sa tingin ko Jake, isang alamat ang pag-ibig. Di ba mga alamat ay mga kwento na nagpapaliwanag ng mga pinagmulan ng mga bagay o lugar. Gumawa ang mga tao ng mga kwento para ipaliwanag ang mga nararamdaman nila. Problema lang, na standardize na.”

“Parang may format na,” sabi ni Jake.

“Tama, iniisip ng tao na dapat ganito ang mangyayari, dapat ito ang mararamdaman ko. Kaya sila nasasaktan at nalulungkot.”

“Hindi nila alam,” sabi ni Alan, “sila mismo dapat ang gumawa ng kani-kanilang kwento.”

Hindi mo ba namamalayan?
Wala ka bang nararamdaman?
Ika ng hangin na humahalik sa atin:

Ngumiti si Emily, “Tama Alan. Kahit nga ngayon, isang rin alamat to ginagawa natin.”

“Kailangan na siguro namin umalis.” sabi ni Jake.

“Salamat ulit Jake.” sabi ni Maureen, “Sigurado ka bang ayaw mo bayaran kita? Makapal din to.”

“Hindi na, okay lang.” ngumiti si Jake.

“Teka,” sabi ni Emily, “hindi pa kayo kumakanta.”

Nagulat si Jake at Alan.

“Hindi kayo pwede umalis hangat hindi kayo kumakanta.”

“Emily,” sabi ni Alan, “bumaba ka na dyan at umuwi sa inyo.”

“Isang kanta lang. Siguradong alam to ni Alan.” Tumugtog si Emily.

Panahon na naman ng pag-ibig
Panahon na naman ahhh…
Panahon na naman ng pag-ibig
Gumising ka, tara na.

-0-
“Sino ngang kumanta nun?” tanong ni Jake habang pabalik sa kanilang dorm.

“Rivermaya.”

“Sabi ko na nga ba e. Astig ni Emily. Pasensya ka na nga pala sa akin.”

“Ayos lang, wala naman akong gagawin.”

“Hindi ko nga alam kung bakit ko to ginagawa. Niloloko ko lang yata sarili ko.”

Ngumiti si Alan sa kanyang sarili. Narinig nya ulit si Emily na kumakanta.


Tara na na na na…
Tara na na na na…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s