Isang Surreal na Prologo


Surrealism – a 20th-century avant-garde movement in art and literature which sought to release the creative potential of the unconsious mind, for example by the irrational juxtaposition of images.

Merong isang page sa Facebook na may pangalan na ‘buti pa ang mga biglaang lakad na tutuloy, yung mga pinagplanuhan hindi’. Hindi ako sigurado sa exact na pangalan, pero yun ang idea ng page. Naalala ko ito dahil sa matagal ko nang plano na gumawa ng isang travelogue tungkol sa byahe ko sa Japan noong May 2010. Natanggap ako sa Japan East Asia Network of Exchange Students and Youths o JENESYS Programme. Programa ito ng Embassy of Japan at ng mga pamahalaan ng ilang mga bansa sa Asya, kabilang siempre ang Pilipinas. Sa loob ng limang taon, pumipili sila ng halos 200 na mga kabataan kada taon mula sa buong Pilipinas na may edad na 16-18 para gumanap na student-ambassadors sa loob ng sampung araw. Lahat ay libre; transportation, food, lodging, pati pagprocess ng visa ng mga delagates sagot nila. Sa Pinas, magkatuwang ang Embassy of Japan at National Youth Commission sa programang ito.

Kahit sa idea na sumali ako sa JENESYS ay surreal na. Nalaman ko lang ito dahil nanalo ang kuya dito at lumipad din sa Japan noong May 2009. Dahil di umano sa sobrang ganda ng karanasan, pinilit nya akong subukang magsubmit ng entry. Literal na pinilit ako dahil sya mismo ang nag-aasikaso ng mga kailangan ko para sa contest. Hindi naman ako ganun ka interesado. Ang batayan kasi para sa mga mapipiling student-ambassadors ay una grades (2.0 na GWA), tapos extracirrular activities, at isang essay. Isang honor student at student leader ang kuya ko kaya natural na tangap sya. Ako mahilig ako sa orgs pero madalas wala o mababa lang posisyon ko. Average din ang grades ko, pero lusot sa cut off. Sabi nga ng kuya ko, sa essay na lang ako bumawi. Staff-writer ako sa college paper namin sa West Visayas State University at high school palang ako mahilig na talaga ako magsulat, in short kung gugustohin ko, marunong akong mang-echos.

So, nagsubmit kami ng kuya ko ng entry noong December 2009, yung ang deadline. Tapos malalaman daw ang resulta mga sa kalagitnaan ng February. So, tuloy ulit ang buhay ko. Noong midterms exam namin nang second sem, sabi ko hindi ako magi-internet sa loob ng period na to. Disiplina ba. Wednesday to Friday yun. Tuesday ako last nag online. So kumuha ako ng exams, at siempre pag exams talagang mas maraming free time. Noong Friday, hindi ko na natiis, kailangan ko nang mag-Facebook! So nag-online ako sa suki kong internet café at na gulat sa isang interesanteng email. Galing sa isang tauhan ng NYC. Sabi nito, “Mr Abalajon, kino-consider ka namin sa JENESYS Programme, pero walanghiya ka bakit hindi mo pinadala ang NSO authenticated copy ng birth certificate mo? Bilisan mo na, padala mo sa amin bago mag Friday. Gets?” Hindi yun ang exact words pero yun ang pumasok sa kukute ko. Bakit? Kasi Friday na yon, at 11:00 am na. 45 minutes ang layo ng West sa bahay namin sa Oton. At at least isang araw bago makarating ang courier galing Iloilo papuntang Manila. At yung pinakamamalang detalye? Wednesday ng umaga isinend yung email. So lumipad ako pauwi at nakita na hindi ko napadala ang orig na birth certificate ko. Buti na lang alas kwatro pa ang susunod kong exam. Free time di ba?

So sinagot ko ang email, humingi ng pasensya na ngayon ko lang nabasa at malamang bukas o sa Linggo pa dadating sa Manila ang birth certificate ko kasi, hello, may exams dito. Pinadala ko naman, at kung minamalas ka ba naman, opening salvo yun ng Dinagyang Festival. Kalagitnaan ng January to.So? Serado ang main roads ng Iloilo City dahil sa parade. Naglakad kami ng mga kaibigan ko na aware din na may sinalihan akong contest tungkol sa Japan. Sabi nila, na iniisip ko rin, bakit ka pa nila aabalahin kung hindi ka prospect? Kung kulang ang documents na pinadala ko, madali sana nilang i-discard yung entry ko. Natuwa ako at natakot. Natuwa dahil baka totoo nga, pero natakot baka sobra-sobra ang expectations ko, wala rin pala. So? Swabe lang kami, habang naba-badtrip dahil wala kaming masakyan na jeep pauwi.
Post-Valentine na pero wala pa ring balita galing sa NYC. Sabi kasi ng kuya ko February 14 nya natagap ang email na pasok sya. Kinakabahan na ako pero parang na depressed ako nang sinabi ng upper class ko sa Political Science na sumali din na nag email na ang NYC sa kanya. Ako, sabi ko, wala pa rin congrats. Thursday yun, February 18 yata, di na ako sigurado. Pagkabukas, nag overtime ako sa West dahil isang presentation. Tinext ako ng kuya na umuwi na agad. Akala ako papagalitan ako pero pagdating sa bahay nandoon ang letter na nagsasabi na nakapasok ako at sinabi ang mga kailangan kong gawin. Pagkatapos ng dalawang araw, natangap ko ang email na may mga intructions pa ulit.

Salamat sa Facebook, nakilala ko ang mga ibang batchmates ko. After some time, nalamaan ko rin sa Hokkaido prefecture group ako. Tapos, nalaman ko rin iko-condense ang aming tour dahil sa eleksyon. Dapat May 9 pa lang nag o-orientation na kami sa Manila, tapos lipad pagka-11. Pero dahil sa hiling din ng ibang delegates para mapractice naman nila ang kanilang right to suffrage, binago ang schedule. Maraming binawas, maraming pinaikli. So May 11 ang orientation, pagka-12 lipad agad pa Japan. Wala naman problema sa akin, Pol Sci kaya ako. Kaso hindi naman ako nakaboto, 17 palang ako.
Sa hotel ng College of St. Benilde kami nag stay sa Manila para sa orientation. Dito ko nakilala ang mga dating sa Facebook ko lang nakikita. Isa sa mga supervisor namin galing NYC, si sir Eric, kapangalan ko yan. Sina Rai, Bhobby, Francis, at Karl na taga-Iloilo din. Magkakatabi kasi mga room namin. Pagkahapon, pormal na sinimulan ang orientation. Nakilala ko ang ibang groupmates at batchmates na mismo. Natawa lang ako sa sarili ko nang makilala ko si Keziah, taga-Iloilo din at higit sa lahat, nag-aaral din sa West. Kaso taga-Mass Comm sya e, taga-Arts and Sciences naman ako. Hindi na ako sigurado sa mga detalye.

Naghahanda palang ako sa byahe, naisip ko na gumawa ng isang travelogue. Nagdala pa nga ako ng notebook. Sabi ko bawat gabi, isusulat ko ang mga karanasan at mga idea ko para sa araw na yon. Walang nangyari. May panay pa ang bonding o di kaya ang pagpuyat sa internet sa hotel. Pagbalik naman sa Pinas, naging busy na ako dahil sa kaka-process ngpag transfer ko sa UPV. Tapos sabi ko, sa Sembreak ko gagawin, wala pa rin. Tapos Christmas break naman, wala pa rin. Tapos mga March 2011, sabi ko totohanin ko na talaga ko! Overdue to the max na. March 11, lumindol sa Japan. Sabi ko, lintik naman nagkakagulo dun tapos ako magsusulat ng travelogue. Ginago. So ito May 2011, ilang araw bago mag one year ang trip ko sa Japan, finally na umpisahan ko na rin ang travelogue. Hindi ako sigurado kung matatapos ko to o tama pa ang ipagsasabi ko. Kaya gagawin ko nalang parang chapter by chapter, mahirap na yung day to day na style. Isasama ko rin yung mga karanasan ko sa Manila kasama ang ate ko na doon nagtatrabaho. Susubukan kong makagawa ng makabuluhang parallel ng dalawa. At ito ang prologo.

Nang nasa Manila pa kami, nagkukwentohan kami sa room habang nakatingin sa binata na kita ang mga matataas na building ng Makati siguro yon. Sabi ko sa mga kasama, na karamihan na tagaprobinsya din, hindi ako sanay sa mga matataas na building. Sa Iloilo kasi hindi pwede magpatayo ng mga ganyang klaseng building dahil sa geological reasons. So kada punta ko sa Manila, namamangha talaga ako.

Napapa-wow na ako sa Makati, sumunod na araw dumating kami sa Tokyo.


photo credit: Karl Buñag

Mga panahon na yon, kamasa ang mga groupmates ko, tila hindi pa rin mag sink in sa isip ko na nasa Japan ako. Dahil pa sa isang contest nga hindi nga ako interesado. Sa loob ng ilang araw, kaming mga ordinaryong estudyante, ay matutuklasan ang kulturang Hapon at its best. Sabi pa nga ng aming Japanese supervisor, we are visitors of Japan. At itrinato kami sa ganoong paraan. Excited ang mga Hapon sa amin, tinatanong kami kung ano ang masasabi namin, ano nararamdaman namin. Siempre medyo lost kami. Excited pero medyo takot. Siempre, ibang bansa to, tapos walang parents, tapos mahirap pang magcommunicate sa mga Hapon kasi konti Engling lang alam nila. Halo-halo ang mga nararamdaman namin. Nang tumagal, naisip ko ang angkop na salita na makakapaliwanag na mga nararamdaman namin noon.

At ang salitang yon ay “Surreal…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s