cheering practice


halos dalawang buwan na
kami ng kaibigan kong
kumakain ng maagang hapunan.
kalimutan muna ang mga leksyon,
dapat listo, mabilis pumunta sa pwesto,
bilog ang boses.

paborito ko ang mga limang minutong
pahinga, nakaupo ang lahat,
nagkukwentuhan ang karamihan,
pagkakataon ko na para lumingon at
pagmasdan sya.

hindi naman kagandahan, pero

para bang binubulong ng kanyang
mga mata na malaki ang mawawala sa
akin kung hindi ko lubos-lubosin ang
kanyang pagtawa.hindi nya gusting
tinititigan,pag na huli ako, agad
akong tumatalikod, tinatago ang
aking ngiti.

matapos ang praktis, marami kaming
naglalakad pabalik sa dorm,
“pare,” sabi ng kaibigan ko, “malapit na pala
tayo mag perform. kinakabahan ako. matatapos
din to sa wakas ang gabi-gabi nating praktis.”

dyosko pati paglakad nya,
“ako rin pare,” tinignan ko na lang ang
payapang langit, parang nalulunod ang
mga bituin sa gabi,

“kinakabahan din ako…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s