Buhay at Kamatayan sa Kinatay (2009)


Lumang usapin na ito, pero kahapon ko lang na panood ang Kinatay na nagpanalo kay Brilliante Mendoza ng Best Director sa Cannes Film Festival. Kaya ngayon ko lang nasulat ang review na to.

Ang Kinatay ay umiikot sa tauhan ni Peping na ginagampanan ni Coco Martin at ang kanyang pagkasangkot sa isang krimen ng pagpatay at pagputol-putol (chop-chop) ng isang prostitute. Si Peping ay isang bagong kasal na criminology student. Napakabata pa ng kanyang karakter, 20 anyos, ang asawa naman ay 19 anyos pa lamang. Nagsasama na sila sa isang bahay ay may anak na bago pa sila nakasal sa Huwes.

Isang gabi, niyaya sya ng kanyang kaibigan na si Abyong na sumama sa isang ‘operasyon’ para maka pera. Dito nya nakilala si ‘Kap’, ‘Sarge’, at iba pa na kasama sa ‘operasyon’. May dinaanan silang isang bar, ay sinakay nila si Madonna na ginagampanan ni Maria Isabel Lopez. si Madonna ay may atraso kay ‘Kap’ sa usapin ng droga. Hindi sya nakabayad at kailangan nyang, well magbayad. Sinubukan syang pakiusapan si ‘Kap’, pero tuloy ang plano. Sinuntok sya hangang mawalan ng malay, at tinalian ang mga kamay at mga baba. Pumunta sila sa isang bahay sa Bulacan at doon ginahasa muna at pinatay si Madonna. Tapos ay habang pabalik sila sa Manila tinapon ang mga parte ng katawan sa iba’t-ibang lugar.

Karapat-dapat ang Best Director award ni Mendoza hindi lang dahil maganda ang kinalabas ng pelikula kundi dahil siguradong halos walang film maker ang gustong tumalakay at mag-portray ng isyu ng chop-chop murder/salvage. Iniisip mo palang nasusuka ka na sa idea ng pag-‘katay’ sa isang tao. Halos hindi mo maisip na bastos o “gory” ang mga eksena dahil nadadala ka sa ‘internal struggles’ ng karakter ni Peping.

Maganda ang pagsama-sama ng mga karakter ni Peping (isang idealistic na bata), Kap (isang taong naniniwala sa the end justify the means at business is business) at ni Madonna (isang magulang na gagawin ang lahat para sa pamilya, kahit sa iligal sa paraan).

Ang huling eksena ay pinapakita ang mag-ina ni Peping sa bahay habang pauwi si sya mula sa ‘operasyon’. Parang tinatanong kung kaya pa ba ni Peping ang kanyang idealism sa ambisyon mag-pulis para sa kanyang pamilya.

Rated X ang pelikulang ito. Isa pa, negatibo ang imahe ng mga indie films sa bansa. Walang gustong manood dahil di umano pinapakita lang ng mga ito ang lahat ng masasama sa lipunan. Mas gusto pa ng mga tao na manood ng Twilight o Harry Potter. Marahil isang dahilan rin yan kung bakit hindi umaasenso ang bansa dahil mas gusto pa ng mga tao ng mga magagandang kasinungalingan kesa sa mga masasamang katotohanan.

Si Brilliante Mendoza ay dapat abangan. Hindi panakot ang Kinatay, Gusto ng pelikula na ipakita sa mga tao na nangyayari ang mga bagay na tulad nito sa lipunang ginagalawan nila.
Siguradong sa mga susunod na mga pelikula nya hahamunin nya pa rin tayo kung paano natin gusto mabuhay at kung paano natin gusto mamatay.


Photo Credits: http://www.cinemagora.co.uk/movie-8150-kinatay.html

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s