Lakad


Magkatalikod kami nang nagsimula,
mga limang araw pa siguro
ang lalakarin ko para maabot
ang dulo ng kalyeng ito. Hindi
pwedeng lumingon, marami pa
ang makikita sa mga susunod
na kanto. Kailangan ang liksi
para maka-iwas sa mga
sasakyan. Lalabas man lahat
ng pawis, basta’t humahakbang.
Baka may naghihintay dun, baka
ring wala. Pero sigurado ako sa
isang bagay.
Pag dating dun manhid na ako
sa puri, wala ng lasa
ang tagumpay. Ang panaginip
ko ay di nangangailangang
panaginip rin nya.
Mapapaligiran ako ng mabubuting
tao; naniniwala, nagmamahal.
Pero kahit gaano ko subukan,
di ko na makikita ang taong
nagturo saking mangarap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s