Ang Mga Manunulat sa Aming Bayan


Ang mga manunulat sa aming bayan
ay isang interesanteng grupo.

Kapag ikaw at sumusulat ng
mga kwento o nobela, ika’y hinahangaan
pero hindi binabasa.

Kapag ikaw ay sumusulat ng
mga dulat at pelikula, konti lang
nakakakilala sayo, karamihan, banyaga.

Kapag ikaw ay sumusulat ng
mga kanta, ika’y respitadong musikero
pero hindi lang pirata ang kaaway kundi pati manunulat
na Amerikano at, nitong huli lang, Koreano.

Kapag ikaw ay sumusulat ng
mga balita at komentaryo, iyong paninindigan ay tinitingala
pero ikaw ay tinutugis at binabaon sa lupa.

Pero kung iisipin ang mga pinakamalikhain
Sa lahat ay mga manunulat ng batas.

Puno ng kontradiksyon ang mundo nila
at malalaman mo lang ito sa isang makata.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s