Pilyong Miag-ao


Papatayin ako ng mga jeep
na may pangalan mo,
(malalaki at mabibilis at pangdigma)
sinasakal ang pwet ko
sa haba ng byahe sa pagitan
ng mga palayan at dagat
na walang pakialam kung sino
ang may mas maraming dala:
ang jeep o ang mga pasahero
galing sa syudad ng Iloilo.

Kolehiyo daw
ang simula ng
tunay na buhay
para sa isang tao
pero ang mga binata
at dalaga na dumayo
sayo ay nagtaka kung saan
ang mga gusali ng pangako
sa lawak ng iyong kaharian
at bakit daw walang ganong
libangan dito maliban sa maraming
puno at sagana sa katahimikan ang
mga hapon na nanggugulat
ng lahat sa pagtuklas ng kanilang sarili.
Sabi pa ng isa, “Miag-ao, ginagago mo ba ako?”
Pilyo mo namang sinagot, “Hindi
masyado.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s