Isang Alternatibong Pagbasa ng Ikalawang SONA ni PNoy


Ang pangunahing batikos sa ikalawang state of the nation address (SONA) ni Pangulo Benigno “PNoy” Aquino III ay puro ito pa-pogi, puro palabas pero wala naming lalim. Marahil ito ay totoo, pero kung iisipin ang pulitika sa buong bansa ay puro pa-pogi at wala naming lalim sa pangkabuohan. Ni hindi mo nga malaman ang kanya-kanya ideolohiya ng mga partido, kung meron man. Pero ibang usapan naman yan. Ang layunin lang ng sanaysay na ito ay talakayin ang kultura ng SONA at ang SONA ni PNoy.

Ang SONA ay isang pambansang okasyon. Nagbibihis ang mga mambabatas at iba pang panauhin ng Filipiniana. Nagpoprotesta ang mga militanteng grupo, hindi lang sa labas ng kongresa kundi sa buong bansa. Nakahanda ang media (na naka-Filipiniana rin) para i-cover ang okasyon. Live broadcast at maraming follow-up reports. Nakahanda ang mga estudyante dahil kailangan nilang gumawa ng reaction paper (kabilang na ako doon). Halos lahat ay nakikisangkot sa SONA, sa kanya-kanyang paraan at layunin.

Ang SONA ay nakasulat sa batas na dapat gawin ng pangulo sa bawat huling Lunes ng Hulyo. Ito ay parang pag-update ng taong may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan sa taong bayan tungkol sa estado ng bansa. Kaya nga state of the nation address.

Ang ikalawang SONA ni PNoy ang pwedeng maiituring na ekstensyon ng kanyang unang SONA. Meron itong dalawang pangunahing nilalaman. Una, ang pagbulgar ng mga anomalya ng nakaraang administrasyon. Ikalawa, mga pangako. Dalawa rin ang pwedeng maidulot nito. Una, isipin ng mga tao na sakit sa ulo talaga ang dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo kaya hindi makakilos nang maayos ang pamahalaan. Ikalawa, isipin ng mga tao na walang masyadong nagawa si PNoy dahil halos pareho lang ang pinagsasabi nya at ginagamit nya ang mga anomaly ng nakaraan na administrasyon para takpan lang ang kanyang pagkukulang. Ang ikalawang posibilidad ang binabato ng oposisyon (mga kaalyado ni GMA). Marahil may katotohanan ang sinasabi nila pero hindi ibig sabihin na inefficient ang kasalukuyang administrasyon ay kakalimutan nalang ang mga iregularidad ng nakaraang administrasyon.

Pinapakita nito ang tunay na kulay ng SONA. Ang SONA ay hindi isang okasyon para malaman ang sitwasyon ng bansa, ito ay isang arena ng bakbakan ng mga pulitiko. Sasabihin ng isa ang kanilang mga nagawa at sasabihin ng kabila ang kanilang mga pagkukulang. Lahat ng mga kasali dito ay, kung sa literature pa, static characters. Kung kaaway ka, kaaway ka lang talaga. Kung kakampi ka, kakampi ka kahit anong mangyari. Walang middle-ground. At kung susubukan mong magbigay ng opinion na middle-ground, ikaw ay paparatangan na balimbing o mahina ang paninindigan.

Ito ang kultura ng SONA.

-0-

Merong dalawang katangian ng ikalawang SONA na aking nagustohan, paggamit ng Filipino bilang wika at paggamit ng mga anekdota. Medyo napasobra nga lang ang mga anekdota. Sa kasaysayan, si PNoy pa lang ang gumagamit ng Filipino sa SONA mula simula at hanggang matapos. Ang hakbang na ito ay pinapahiwatig kung ano ang nangyayari noon at kung ano ang gusto mangyari ni PNoy. Sumasangayon ako sa mga Marxist na scholars sa kanilang paniniwala na ang wika at ideolohiya ay hindi pwedeng mahiwalay. Kung ano man ang wika na ginagamit mo, pinapakita nito ang iyong mga interes at ng social class na kinakabibilangan mo. Ang Ingles ay wika ng mga elitista at ng mga banyaga. Ilang pananaliksik na ang nagpakita na karamihan pa rin sa mga Filipino ay hindi o hindi gaanong nakakaintindi ng Ingles.

Noong ibinigay ni PNoy ang kanyang SONA, hindi nya sinusubukang i-impress ang mga kasamahan sa pulitika, kaibigan man o kaaway, sahalip kinakausap nya ang mga Filipino. Hindi nya ka binabato ng mga statistics, kinukwentohan ka nya ng mga anekdota na kaya ng isang ordinaryong tao na maka-relate. At malinaw ang mesahe ng SONA: “Mga kababayan, ang dami nating problema. Pero may magagawa tayo.” Dahil dito hindi nya sinusubukang paniwalain ang mga tao na matibay at responsible ang pamahalaan (na malayong nangyayari), pero nilalagay nya ang atensyon palayo sa estado at palapit sa nasyon. Ang estado ay ang pamahalaan at kanyang mga kapasidad. Ang nasyon ay grupo ng tao na may koliktibong mga paniniwala at malasakit sa isa’t isa. Mas importante ang nasyon dahil ang estado ay binubuo ng nasyon. Kahit gaano pa kayaman ang isang bansa kung walang pagkakaisa o ‘sense of belongingness’, walang mangyayaring matino.

-0-

Sumatotal, sa unang tingin, hindi nakakamangha ang SONA. Pero kung susuriin ito ng mabuti, marami kang makukuha. Hindi naman mababaliktad ang sitwasyon ng bansa sa loob ng isang taon, pero marami pang dapat patunayan si PNoy. Meron ding kinalaman ang bawat Filipino. Dapat paring maging kritikal at vigilante pero kasabay nito, dapat ding natutunan ng mga tao mag-appreciate ng mga efforts ng pamahalaan. Kailangan nating maging mga ‘mamayang-middle ground’. Isa pa kung may problema idinudulot ang mga pulitiko, may pananagutan din tayo, tayo ang bumoto eh.

Hindi na pwede yung dahilan na, “uy hindi ko naman sya binoto.” Ang katwiran na ito ay naririnig lamang sa isang nasyon na walang pagkakaisa. Meron ka pa isang maririnig, “nako kung si Gibo sana dyan…” Kahit si Gibo, Villar, Gordon, Erap, Jambi, atbp pa ang nasa posisyon, meron paring magiging kaaway at kakampi. Nagpapalit-palit lang ng posisyon. Hangga’t puro ‘static characters’ lang ang nakikisangkot, walang magbabago. Ang problema ay hindi sa tao kundi sa kultura. Kahit ilang beses pa mag-People Power para palitan ang pangulo, hangga’t ang baluktot na kultura ay nanatili, walang magbabago. Ang kulturang pulitikal ng bansa ay pinakamalinaw tuwing SONA. Sabi nga minsan ni House Speaker Belmonte sa isang interview, “Ang problema sa bansa, lahat ng pulitiko masasama. Pero ang pulitikong kakilala ko, hindi masama.”

Si PNoy ay, consciously o unconsciously man, may ibinahaging bagong angolo sa usaping bayan. Marahil hindi sya nagbibigay ng tangible na pagbabago, pero binabago nya takbo ng mga isip ng mga tao. Hindi ito nakakamangha pero hindi rin ito dapat ibalewala.

One thought on “Isang Alternatibong Pagbasa ng Ikalawang SONA ni PNoy”

  1. A concise rejoinder: But the meaning of the second State of the Nation Address (SONA) is not only confined to what Aquino said last July 25 but its interrelation with the real socio-historical context which forms the backdrop of the address as well as the thorny issues and fundamental areas that were evaded in the actual speech. What a superficial look at the intra-elite intramurals between the Arroyo and Aquino factions fails to see is the similar programmatic allegiance to the same worn out policies of putting capital and profit first over labor, people, and environment. We should not harbor any illusion that the mere use of the Filipino language already signifies an attempt to address the problems of the greater majority. Adopting the language of the people as a populist tool can very well be utilized as a stratagem to cover up their fundamental concerns for land, food, work, education, etc. The masses, who have been numbed by decades of miseducation and repressed into a culture of silence and cynicism, should not be blamed for being the victims of a system that concentrated land, wealth, and power at the hands of less than a hundred families of the same old landlords and oligarchs. Indeed, any change in the administration makes no difference as long as the class interest they bring in government remain the same. But its also not just so-called “culture” but the entire socio-economic and politico-cultural system that needs to be changed. As long as unjust social structures – foreign domination, land monopoly, bureaucratic corruption – that shackle the working and the peasant masses remain, then any minutiae shift in culture or any regime change is meaningless. Aquino’s offering of little acts of kindness in lieu of initiating more difficult reforms or addressing the issues that matter, far from offering anything really new or raising the people’s consciousness, only serves to lead them away from the path of massive collective undertakings for more meaningful social transformations.

Leave a comment

Alice Sarmiento

freelance writer, independent curator, lover of spreadsheets, hoarder of cats

Gina Apostol

a novelist's blog

Buglas Writers Journal

The Literary Journal of the Buglas Writers Guild

laberinto

sa pasikot-sikot

OMNITUDO

Interventions in Cinema & Philosophy

Emerge Literary Journal

a journal of growth, change & experimentation

the girl from the coast

experiences and experiments in life and language

Alyza Taguilaso

Hi! I'm a Surgeon who likes to write & paint.

ALIENIST MANIFESTO

INTERIOR MINISTRY

聲韻詩刊 Voice and Verse Poetry Magazine

立足香港 展望世界 From Hong Kong to the World

Bon pour brûler

good for burning

PEN Transmissions

English PEN's magazine for international writing

The Filipina Book Junkie

Hello there! I am a self-confessed book junkie who has an eclectic taste in books and loves to explore book shops & libraries. Have a look around and hope you enjoy it.

Rogelio Braga

Novels, Short Stories, Plays, Polemics, Essays, Activism, and other Activities

The Indie Publishers Collab - PH

A independent publications collective in the Philippines.

blueescaperooms

where jo galvez lives, mostly.

Cha

the second website of Asian Cha

Placido Penitente

I am a weird organic life form. Not entirely perfect. I walk by the wall.

pop the culture pill

comes in both red and blue

PSLLF

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Ink.

Danuta E. Kosk-Kosicka

"The poems are the work of a profoundly serious temperament and a professional translator of world into word"-- Michael Salcman, Judge, Harriss Poetry Prize

IOHSAD

Safe Workplaces Now!

LOUIE JON A. SÁNCHEZ

Poet, Teacher, Critic, Scholar, Translator, Filipino

jai

words that will make you shine✨

a decade of dawdling

assembling my thesis into some sort of shape

Juan Bautista Stories

Books, Stories, Blogs & Merchandise

Maverhick

The official website and portfolio of Rhick Lars Vladimer Albay, young journalist and writer extraordinaire based in Iloilo City, Philippines.

Little Wishing Star

I have a dream job. and it really all started with a dream.

Review Points

The blog of Philippine Studies: Historical and Ethnographic Viewpoints

KUON KANG KATAW

Mga Sinulatan sa Kinaray-a ni JOHN IREMIL TEODORO

by night in buena oro

RM Topacio-Aplaon

PRINCESS & PAGES

always reading

Ámauteurish!

“Nothing that is expressed is obscene. What is obscene is what is hidden.” – Ôshima Nagisa (1932–2013)