“Japanese Wood” ni Haruki Murakami


Kakatapos ko lang basahin ang nobela ni Haruki Murakami na Norwegian Wood. Tungkol ito sa ‘coming of age’ ng isang binatang Hapon na si Toru Watanabe. Nangyari ang kwento noong 1968-1970, nasa college si Toru, tinaguriang ‘Hippie Years’. Ito ay kwentong pag-ibig sa pagitan ni Toru at ni Naoko at eventually ng isa pang babae, si Midori. Nowegian Wood ang pamagat dahil ito ang paboritong kanta ni Naoko, at nang narinig ito ulit ni Toru pagkalipas ng ilang taon, ika nga, bumalik sa kanya ang nakaraan.

Una sa lahat, maganda ang kwento. Swabe ang naratibo, tapat ang paglarawan ng mga tauhan, simple pero nakakagalaw ang kwento. Ang pinaka interesante parte nito para sa akin ay ang larawan ng kamatayan, madalas suicide, at ng sex. Kung iisipin, very Japanese ang treatment ng dalawang elementong ito. At napa isip ako kung tinatangkilik ba si Murakami sa labas ng Japan dahil sa husay sa pagsulat o sa dahil sa pagka-exotic ng laman ng kantang mga likha?

Siempre hindi pa ako makakabigay ng final na opinion tungkol kay Murakami kasi ito pa lang Norwegian Wood ang nabasa ko sa mga libro nya. Pero isang nobela pa lang ang nabasa ko, masasabi kong bihira ang talento ni Murakami. Walang ‘inhibitions’ pagdating sa pagsalaysay ng kwento: sex kung sex, suicide kung suicide.

Si Murakami ay isang manunulat, hindi lang ng Japan kundi ng ating panahon na dapat subaybayan.


photo credits:http://damiandressick.com/reading_log.htm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s