Mga Tala sa Ideolohiya ng The Avengers (2012)


Kasaysayan na Nagsilang sa The Avengers

•Ang The Avengers ay parte ng kabataan ko.

•Nasa grade two or three ako nang binilhan ako ng isang Hawkeye action figure para sa birthday ko yata. Sa mga panahon na yon, hindi pa ganoong prominente ang computer games, kaya laruan mismo ang hiningi, hindi computer, laptop, PSP, o IPod.

•Hanggang ngayon, nasa akin pa rin ang laruan, pagkalipas ng labing-isang taon.

•Kulay purple pa rin ang costume niya, hindi itim.

•Ang The Avengers ay isang team o alyansa ng mga superhero na sina Captain America, Thor, Iron Man, Hulk, Hawkeye, Black Widow, at Nick Fury. Siempre sa comics, mas marami sila, at marami ring iniba para sa pelikula.

•Ang kwento: isang eksternsyon ng kwento ni Thor at ang kanyang masama at naiingit na kapatid na si Loki. Nakawala si Loki at gusto gunawin ang mundo ng mga tao.

•Bottomline: kailangan syang pigilin ng The Avengers, ayon kay Nick Fury isang “special response team” dahil hindi pa handa ang mga tao (mga estado at mga hukbo) sa isang intergalactic war.

•Mabuti munang pag-aralan ang kasaysayan ng Hollywood para malaman muna bakit may pelikula tulad ng The Avengers.

•Patapos na ang ika 19th siglo nang nainbemto ang cinema, moving pictures ba. Naging prominenteng limabangan ang sine, wala pang telebisyon noon.

•Ito ang ‘silent era’ sng cinema. Mga late 1920s lumabas ang unang ‘talkie’ ang The Jazz Singer kung saan maririnig mo nang nagsasalita ang mga artista. Maraming pagbabago sng industriya na tinalakay sa mga pelikula tulad ng Singin in the Rain at The Artist.

•Mula 1930s hanggang 1960s ang tinaguriang Golden o Classical Age of Hollywood.

•Dito naging prominente ang mga director tulad nina Billy Wilder, Alfred Hitchcock, etc. Mga artista tulad nina Audrey Hepburn, Gregory Peck, Humphrey Bogart, etc. Ang mga pelikula sa panahong ito ay malinis ang pagkagawa, formalist, traditional: may simula, gitna, wakas.

•Habang patapos ang 1960s naglabasan na ang mga alternative o independent cinema. Nagsimula nang mag-ekperimento ang mga filmmakers sa anyo, porma, thema ng mga pelikula. At madalas small budget lang ang mga pelikulang ito. Magandang halimbwa ang Eraserhead ni David Lynch at Night of the Living Dead ni George A. Romero.

•Kumuha rin ang Hollywood ng inspirasyon sa labas ng America, tulad ng sa New Wave at Neorealist films ng Europe, yung mga Kung Fu films ng Hongkong (Bruce Lee), at ng Japan (Godzilla, Seven Samurai).

•Tinawag ang panahong ito na ‘New Hollywood’. Mga prominenteng pangalan ang kina Martin Scorsese, Francis Ford Coppola, Woody Allen, etc.

•Pagsimula ng 1990s, meron na namang bagong patakaran sa paggawa ng pelikula. Mabenta na yung mga pelikula na malakihang production at maraming special effects.

•Sinimulan nina Steven Speilberg, Michael Bay, at James Cameron. Pagpasok ng ika 21 na siglo, hindi na sapat na malaking production, dapat, series pa siya.

•Sinumulan siempre ng Star Wars, sumunod na ang Terminator at Die Hard. Yung mga bago The Matrix (3), Blade(3), Lord of the Rings (3) Spiderman (3 na magiging 4 na), X Men (5 na plano pang dagdagan), Harry Potter (7), Transformers (3), Twilight (3 na magiging 4). Plano ring gawing trilogy ang Avatar, The Hunger Games, at malamang The Avengers.

•Sure hit at sure ang kita sa mga ganitong klase ng pelikula. At ngayon, para kontrahin ang piracy dapat pagandahin ang cinema experience, kaya may 3D. Kung iisipin mas limitasyon kesa inobasyon ang 3D kasi dapat may mga eksena na may lumilipad o something.

•May nakita ko minsan na t-shirt, may naka-imprenta: “If you can’t make it good, make it 3D”


Paghimayhimay ng Mga Superhero

•Una, si Iron Man ay si Tony Stark (Robert Downey Jr). Isang henyong engineer na nagdedesenyo ng mga armas. Minsan siyang na hostage sa Afganistan at kinainangang palitan ang kanyang puso. Nasabugan yata ng bomba, kaya yun gumawa siya ng isang parang reactor para magsilbing puso niya.

•Si Iron Man ang nagpapatupad sa pantasya ng isang part-man at part-machine. Malakas, nakakalipad, di na tatamblan ng mga armas, etc. Ang appeal ni Iron Man ay dahil sa mas madaling mailagay ng manonood ang kanyang sarili sa tauhan niya dahil tao pa rin naman siya. Ang kanyang mga abilidad ay merong scientific basis at dahil dito siya ay nagiging realistic (kahit papano).

•Malaki ang pinagbago ni Iron Man sa The Avengers kesa sa mga naunang pelikula niya. Siempre, naging team player siya pero mas nakakatawag pansin ang bagong advocacy ni Tony Stark, nade-develop siya ng isang environmentally sustainable power source para sa companya niya, ang Stark Industries.

•Oo, yumaman siya sa paggawa ng mga armas(ang pinakamalakas, sya mismo ang gumagamot) pero responsableng membro pa rin sya ng community. Interesante.

•Kung scientific din lang pinag-uusapan, si Hulk na ang sunod. Ang pangalan ni Hulk ay Dr. Bruce Banner (Mark Ruffalo) at kailanman hindi niya inacknowledge ang superhero name na ‘Hulk’. Ang ibig sabihin ng ‘hulk’ ay isang barko, bagay, o na tao na clumsy. Sa sitwasyon ni Hulk, nakakamatay ang pagka-clumsy niya.

•Ang appeal naman ni Hulk ay Freudian in nature (nagkataon din na Freudian ang tema ng unang Hulk na pelikula, pinag-eksprimentohan siya kasi ng tatay niya, kaya yun, nagpatayan sila). Sabi ni Freud ay pinakanagpapatakbo n gating buhay ay ang ating mga pag nanasa. Particular ang pagnanasa para sa pleasure (sex) at aggression (violence). Lahat tayo mga animal, sabi ni Freud, pero pinipigilan ito ng lipunan natin. Si Hulk ay ginawa para maging sandata.

•Hindi, tulad ni Iron Man, limitado lang ang kontrol niya sa kanyang mga kapangyarihan at abilidad. Sa unang dalawang pelikula tungkol sa kanya, ginawa niya ang lahat para mapigil ang halimaw sa loob niya (Freud ulit). At sa The Avengers, na master din niya ito sa wakas, at naging mas badass ang character niya.

•Isa pang ‘lab rat’ ay si Captain America o Steve Rogers (Chris Evans). Isa siyang lampa, noong panahon ng World War Two, halos di nga siya mataggap sa military. Pero dahil sa kanyang ‘values’, pinasok siya sa isang eksperimento para gawing super soldier o parang ganun.

•Ang mga unang pagbabago? Lumaki ang katawan niya, nagka six pack abs, hindi na niya kailangan gumamit ng salamin kasi gumaling ang mga mata niya, at naging gwapo siya. Meron din siya super strength at ibang super physical attributes pero nangingibabaw parati ang ‘value system’ ni Captain America.

•Ginamit siya una para makakolekta ng pondo para sa gyera, hanggang sa pinadala na siya mismo sa lugar ng bakbakan. Nalaman niya hindi na siya ganun kalakas ng dating niya. Merong mga prisoners of war na plano abandonahin ng commanding officer pero dahil doon ang kaibigan ni Captain America, pumunta siya sa kampo ng kaaway mag-isa dala ang kanyang shield, at tapang.

•Naging matagumpay ang operasyon at siya ay naging isang bayani, isang simbolo, ng Amerika siempre. Sinakripisyo pa nga niya ang sarili para maligtas sa kapahamakan ang nakakarami, kaya yun, nakatulog ng ilang taon sa yelo, at nagising sa modernong panahon.

•Walang pinagbago ang tauhan ni Captain America sa The Avengers. Siempre, medyo pepetsugi yung powers niya compared kina Iron Man, Thor, o Hulk. Pero si Captain America lang ang nagka-guts para magpakumbaba. At dahil doon ang dating nag-aaway na Avengers ay nagkaisa. ‘Values’ ulit. Yun yung powers ni Captain America.

•Kung busilak ang puso ni Captain America, mas mataas ang calibre ng ‘value system’ ni Thor (Chris Hemsworth). Isang god sa kabilang kalawakan o dimension, ewan. Si Thor ay isang pagsanib ng folklore o mito at ng kulturang popular. Interesante kasi Nordic ang pinagmulan ni Thor, isang kultura na malaki ang naging inpluwensya sa kulturang English.

•Ang araw na Thursday ay galing sa ugat na Thor’s Day.

•Alam naman ng lahat na halos binura ng mga immigrants ang kultura ng mga nabito sa America. Si Thor bilang superhero ay isang attempt na i-establish kahit papano ang European roots ng modernong kulturang Amerikano. Naging ‘pure’ ang values ni Thor dahil kahit gaanong kalaking problema na ginawa ni Loki (kahit ilang pelikula pa ang abutin), kapatid (kahit adopted lang) pa rin niya ito, at magtitiwala siyang magbabago ito. Sabay pa nga sila bumalik sa lugar nila. Mga god, mga modelo.

•Ngayon, sa mga membro ng Avengers sa walang superpowers per se, pero meron rin importanteng ginagampanan sa pelikula.

•Una, sang project leader o recruiter ng The Avengers, si Nick Fury na ginagampanan ni motherfuck*n’ Samuel L. Jackson.

•Ilang beses na nagcameo si Nick Fury sa mga pelikula ng Avengers para lalong ma-hook ang manonood. Siyang nagtipon sa Avengers pero hindi siya ang pinuno. Bakit? Kasi malabong tignan ang isang Black na pinamumunuan ang mga White superheroes.

•Hindi lang siya ‘of color’ pero may eye patch pa. Pwede maging battle scar ito at magdagdag sa angas look niya pero pwede ring ito maging simbolo ng pagiging ‘handicapped’ ni Nick Fury.

•Hindi lang physically handicapped kundi politically pa. Sumasagot pa rin si Fury sa mga superiors niya (NATO o G8 o whatever, hindi pinangalanan siempre). Hindi nga niya napigilan ang paglipad ng isa sa dalawang fighter plane na may dalang nuclear missiles mula sa barko kung sa saan siya ang officer-in-charge.

•Buti napigilan ni Iron Man ang missile. Isang White ang bayani, hindi si Fury.

•Pwede maging metaphor si Fury ni Barrack Obama pero hindi ko na kikilatisin. Hindi ako ganoon ka pamilyar sa pulitikang Amerikano.

•Ikalawa, si Black Widow o Natasha Romanoff (Scarlett Johansson), pwede nating matawag na ‘mercenary’ at ang nag-iisang Babae sa grupo. Hindi lang babae, Russian pa. At ang unang eksena niya isang interrogation/torture scene kasama ang ibang Russians.

•Inestablish kaagad na madeskarte ang tauhan ni Black Widow. Isang femme fatale, na kayang ilabas ang kahinaan ng lalaki (Loki). Tulad ng ibang babaeng superheroes (Catwoman, Elektra, Silk Spectre), maiikli at masikip ang costume niya, grabe yung focus sa (killer curves ng) katawan niya. Ika nga, ‘dat ass!’.

•Babaeng magaling sa baril at bakbakan, modernong Amazona. Ito ba ay peminismo? Ang babaeng nag-aasta at kumikilos lalaki ay hindi peminista. Tapos kahit papano may ka-affair si Black Widow, si Hawkeye na kapwa ‘mercenary’.

•Sa lahat sa kanila, si Black Widow ang nagpalabas ng husto (kahit gaano ka konti) ng emosyon. Meron pa rin Othering na nangyari. Second class hero tulad ni Fury.

•At panghuli, ang paborito kong si Hawkeye o Clint Barton (Jeremy Renner). Nabadtrip talaga ako nang naging good guy-turned bad guy-turned good guy yung role niya.

•Wala namang ganong sinasabi ang tauhan niya maliban sa talagang may traidor sa grupo pero minsan nagiging okay din naman ang lahat sa huli. Siya ang parang opposite ni Thor.

•Si Thor, classical ginawang modern, si Hawkeye, modern ginawang classical (bow and arrow pero sumasabog yung mga pana). Meron pang animal attribute, asintado kasi meron siyang mata ng lawin.

•Halata naman sa pangalan.


Pulitika ng Mga Tagpuan

•Merong ilang lokasyon sa pelikula, na kahit tagpuan lang, ay may sarili nang kwento.

•Nabangit ko na tungkol sa Russia. Si Black Widow, interrogation/torture scene ng mga Russian. Ang pinakamahusay gamitin na tauhan na Russian ay isang Russian high ranking military officer, isang comrade, at kanyang mga goons.

•Pagkatapos ng World War Two lumabas ang propagandang ito ng Hollywood na sumasangayon sa interest ng estadong Amerikano na palabasing isang military dystopia ang Communist Russia na walang ginawa kundi magplano paano pabagsakin ang Land of the Free: USA.

•Kumita na ang industriya, na justify pa ang mga military operations at atrocities ni Uncle Sam. Kahit 21st century na, nakukuha pa rin itong pasimpleng ilabas sa pelikula. Si Black Widow ay isang Russian, pero siya ay renegade, hindi na siya loyal kay Mother Russia.

•Ikalawa, pinadala si Black Widow na kumbinsihin si Hulk na sumanib sa kanila ni Fury. Si Doctor — ay nagkakawang gawa sa isang impoverished Indian town o whatever. Laganap ang sakit, kahirapan, at hinagpis. Pinapakita ang altruism ng isang White (First World) sa mga mahihirap na Indian (Third World).

•Pasimpleng banat ito sa India na ngayon ay isang umuusbong na world power. Hindi mo mapigilan ang pag-unlad nila, pero mapipigilan mo ito sa mga isipan ng mga manonood.

•Ikatlo, pumunta si Loki sa Germany, parang isang ribbon cutting ceremony sa plano niyang sakupin ang mundo. Ang imahe ng Germany ay very bourgeois, sa isang museum pa nga nanggulo si Loki. May mga art works, umiinom ng champagne ang mga tao, nakabihis ang mga tao.

•Ayon kay Loki, natural na estado ng tao ay magpaalipin, may basehan naman eh, kaya nga nagka World War Two. Ang kalayaan ay isang pasanin, hanggat maari, hindi gagawa ng desisyon ang tao para sa sarili.

•Parang si Hitler si Loki, isang ambisyosong tao may pangarap na Greater Germany. Magsasubmit na sana ang mga tao, pero dumating siempre ang Avengers to the rescue.

•Taga-America sila at hindi sila papayag na kunin ang kalayaan ng mga tao. Historical ulit ang banat, naligaw ng landas ang Europe pero ayos lang dahil sasagipin sila ng USA.

•At finally, ang bakbakan sa the city that never sleeps, New York, New York. Isang simbolo ng The American Dream, diyan siempre si Statue of Liberty. Linampaso ang New York, pero The Avengers still saves the day.

•Parang reenactment sa trahedya ng 9/11, kahit madapa, babangon at babangon ang America! (o yung sangkatauhan, sa pamumuno siempre ni Uncle Sam, sa ngalan ng demokrasya)

Ilang Konteksto

•Meron isang kilusan sa sining na tinatawag na ‘Art for art’s sake’.

•Ayon sa paniniwalang ito, ang sining ay apolitical o walang sinusulong na interest sa ano mang anyo. Ito neutral (walang kinikilingan), universal (ang sining para sa isang tao ay sining para sa lahat), timeless (ang sining noon ay sining pa rin ngayon and vice versa).

•Ang kilusang ito ay bunga laban sa socialist realism ng USSR, na naniniwala na ang sining ay dapat maging instrumento para isulong ang interest ng manggagawa at ideolohiya ng partido sosyalista.

•May sense naman ang premise ng art for art’s sake, pero kapag sabihing mo walang ideolohiya ang isang bagay, lalo na ang sining, ito ay in itself isang ideolohikal na hakbang. Pinaka-ideolohikal na hakbang imaginable kung iisipin.

•Isang magandang halimbawa ng art for art’s sake ang isang superhero story tulad ng The Avengers. Sa surface level, walang sinasabi, fantasy lang naman e.

•Pero kung pag-iisipan, tadtad ito ng ideolohiyang imperialist, patriarchal, at Caucasian. Jina-justify nito kung di man gino-glorify ang state violence.

•Noon, ang target audience ng comics ay mga batang lalaki, ngayon ginawa na itong pangpamilya. Ewan ko kung saan ang mas malala.

•Sa simpleng tingin ay superhero ay isang vigilante. Isang taong nilalagay ang batas sa kanyang sariling kamay. So, pino-promote ba ng superhero stories at films ang vigilantism? Hindi.

•Ang superhero ay may superpowers, isang justification ng pagiging above the law. Malabong lalaganap ang vigilantism dahil sa mga superhero stories at films.

•Ang tunay na ginagawa ng isang superhero story tulad ng The Avengers ay ang pag-individualize ng problema [supervillian(s)] at pag-individualize din ng solusyon [superhero(es)].

•Para bang lahat ng problema sa mundo at lipunan ay sanhi ng isang gahaman at masamang tao. At para bang ang lahat ng problema ay masusolusyonan ng isang tao na busilak ang puso at hulog ng langit.

•Siguro mas naiintindihan ito ng mga Pilipino kesa sa ibang lahi kasi dalawang beses na tayong nag-people power at ngayon ay nililitis ang dating pangulo at chief justice. Marami na ang pinaalis, pero ang problema ay hindi nawawala.

•Ang binabandera ng mga kwento tulad ng The Avengers ay passivity, gamit ang mga makukulay na costume at pagsabog, tinuturuan tayo ng pelikula na magtiyaga sa sitwasyon kahit gaano kamiserable dahil balang araw dadating ang isang bayani (or more) na maglilitas sa ating lahat.

•Alam naman ng lahat na magkakaroon lang ng tunay na pagbabago kapag merong pagkakaisa, isang kolektibong pakikibaka.

•Asahang mas magiging engrande ang mga pelikula tungkol sa mga superhero dahil sa ilang current events; paghina ng ekonomiyang Amerikano, pag-usbong ng Tsina sa pangdaigdigang pulitika (hindi binanatan ang Tsina sa pelikula, magiging masyodong obvious na kung sakali), pagpakita ng North Korea ng lakas sa ilalim ng bago at tila mas agrisibong rehimen, mga pagpatumba ng ilang rehimeng diktador sa Middle East, ang kaliwa’t kanan na Occupy Movement sa iba’t ibang panig ng mundo, at siempre ang taunang selebrasyon ng Labor Day.

•Ang lahat ng ito ay humahamon sa status quo/world order na pabor sa Amerika. Sa panahon ng globalization at postmodernism, mas makapangyarihan at epektibo ang mga hakbang ng Hollywood kesa sa State Department.

•Sa aesthetical/personal na antas, naaliw naman ako sa The Avengers, pero hindi ito sapat para iisang tabi ang mga politikal at sosyal na implikasyon ng kwento. Ng kahit anong kwento.

Lahat ng larawan ay nangaling sa isang Facebook Page ng The Avengers (http://www.facebook.com/avengers)