Buhay (Artista)


Kahit tila gusto ng lahat,
hinding-hindi ako mag-aartista.
Ayos lang sana kung gwapo ako,
kaso hindi, kahit maputing
balat man lang, yun nga lang
hindi maliwanag kahit aking ngiti.

Kahit tila gusto ng lahat,
hinding-hindi ako mag-aartista.
Wala naman nyan sa galing ng pagbitaw
ng mga linya kundi sa pagbitaw ng ingay.
Kunwari malapit kayo ng iyong kapareha,
‘we’re good friends’ ba, media na bahala maggisa.

Kahit tila gusto ng lahat,
hinding-hindi ako mag-aartista.
Dapat alisto sa mga interview, makipag
bangayan sa ibang taga-industiya, hindi
yung deretsahan, kundi yung pasimple.
Para paglumaki ang isyu, sabihin mo lang,
‘hindi ko sinasadiya’.

Kahit tila gusto ng lahat,
hinding-hindi ako mag-aartista.
Ang masamang balita ay balita pa rin,
tularan mo yung mga pulitiko, ang daming
sinasabi wala namang lalim. Isyung pulitika
naging chismis na, mabilis lumutang,
mabilis na ring makalimutan.

Kahit tila gusto ng lahat,
Hhnding-hindi ako mag-aartista.
Totoo nagbibigay ka lang ng aliw hindi
pagkain, produkto, o trabaho, pero
yung pinakamagaling manglibang ang
nagpapaikot ng mundo.

Kahit tila gusto ng lahat,
hinding-hindi ako mag-aartista.
Lumaki ang lahat, tinangap na walang pera
sa sining, walang ring sining sa pera.
Kapag hindi mo na matiis ang mundong
mababaw at kinuha ang sariling buhay,
ikaw at hindi ang lipunan ang
may problema.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s