Dapithapon


Huminga siya nang
malalim matapos
pagmasdan ang
nakuhang litrato
sa DSLR.
Pinaglalaruan ng dagat
ang repleksyon ng dalandan
na langit, parang napapagod
pero lalong nabubuhay.
Hindi madamot ang langit,
kahit saan ka titingala,
maganda ang dapithapon.

Unti-unti nang dumidilim, habang
palakad pauwi sa tabi ng mga
bahay na nakatirik sa tubig,
hinigpitan nya ang hawak
na DSLR.
Baka mahablot at hindi nya
na ma-upload ang litratong
patunay na
maganda pa rin ang mundo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s