Ang Housemate


Ang housemate ko
ay masipag na tao.
Nakilala nung kolehiyo, pagkatapos,
nagpasyang makihati sa renta sa
apartment sa ginta ng syudad.
Isang siyang CPA habang
writer ako sa isang magazin
pero pinagkakaabalahan ko talaga
ay ang pagsulat ng mga tula.

Alas singko palang gising na
ang housemate ko, nagsasaing, nag-iinit ng tubig.
mabilis na maliligo at magbibihis.
Ako, maaga na ang makabangon ng
alas dies. Walang striktong oras opisina
kaya ang almusal at tanghalian ay
madalas iisa.

Madalas lampas alas siete na umuuwi
ang housemate ko, wala na ang kurbata
at nakahila pataas ang long sleeves.
Minsan may dala pang trabaho; may opisina
siya sa bahay, may bahay siya sa opisina.
Alas onse ay tulog na habang nagsisimula
palang akong magtrabaho. Magdamag kong
pinag-aaralan ang kasaysayan ng mga paalam,
saysay ng ilaw at dilim, at kasalukuyang
hinaing ng mga halaman.

Pero marunong din magpuyat
ang housemate ko, kada biernes
lumalabas kasama ang
mga kaopisina. Nanood ng bagong sine
o concert na ilang buwan pinag-ipunan.
Inuumaga sapagvi-videoke, nagdi-disco,
minsan nagkakape.
Uuwing pagod o lasing, panandaliang
maaantala ang pagsulat
para ikandado ang pinto.
Natanong ko minsan, “Hindi ka ba napapagod
sa ginagawa mo?”
“Relax ka lang, umiinom kaya
ako ng vitamins.”

Minsan sinama ako sa outing isang long
weekend kasama ang ilang kaibigan.
habang nag-iinuman sa harap ng dagat,
nagbabasa ako ng mga tula sa ilaw ng buwan.
“Alam mo,” sabi niya, “ikaw lang ang kakilala
kong makata.” Sabi ko,
“Walang gustong maging makata
sa mundong hindi nagpapahinga.”
“Malamang totoo yan. Basta wag ka nang
magpuyat ngayong gabi, maaga pa tayo bukas
mag a-island hopping.”

Advertisements

One thought on “Ang Housemate

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s