Perya


Maliwanag at maingay, maraming
biskwit at kendi, ni walang nagsasabi
sa kanya na matulog nang maaga.
Laking tuwa niya nang pumunta
ang perya para sa kanyang
ama kailan man di pumayag na
siya’y makalapit sa plaza.
Namatay ang kanyang tatay,
nasaksak ng isang kainuman.
Nakiramay ang buong baranggay
magdamag nagsusugal para
bantayan diumano ang bangkay.
Malakas ang hiyaw at iyak
ng ilang kamag-anak, naalala
nya tuloy nang pinalo sya kasi
maling sigarilyo ang binili.
Maasikaso ang kanyang nanay sa bisita
hindi na umiiyak, naubos na yata
noong asawa’y buhay pa.
Sabi ng lolong mapag-aruga,
“Iho, ang tatay mo’y sa langit binabantayan ka.”
sagot ng bata, “Salamat po lolo,
pero sa totoo lang sa tingin ko
ang tatay ay nasa impierno.”
Naubusan yata ng hangin ang matanda,
sunod-sunod na ang palo at bulungan ng bisita,
natigil ang ikot ng majjong at paglabas ng baraha.
Hindi akalain ng bata na sa unang
pagkakataon mapasyal sa perya,
siya ay mapapaluha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s