Yesterday, Today, and Tomorrow (2012) at Ang Paghabol ng Mainstream


Yesterday, Today, and Tomorrow. May isang matriarch, matalino at mayaman, na single mother. Ang dating asawa ay papakasalan na ang kinakasama. Mahal pa rin niya ang dating asawa. May kapatid siyang lalaki, kasing workaholic niya, na may asawang dating singer sa bar. Ayaw ni lalaki na ipagpatuloy ng kanyang asawa ang gusto para may mag-alaga ng anak nila. May stepmother ang matriarch at kapatid nito, di hamak na mas bata kesa sa tatay nila. Kalaguyo ang personal trainer nito sa gym. Ang anak niya ay nagtatrabaho para sa mga half-siblings niya. Natipuhan ng anak ang kalaguyo ng nanay niya. Lumindol. Namatay ang anak ni matriarch at ang anak na sangol ng kapatid niya. At dahil sa lindol na yun, unti-unti nang nagsilabasan at nabisto ang mga sikreto ng mga tauhan ng kwento.

Ito yata ang unang sabak ni Jun Lana sa pagdirek ng pelikula at makikita mo ang background niya sa scriptwriting dahil sa husay at pino ng kwento. Ang ayaw ko lang ay siempre yung pagiging burgis ng kwento. Mga kompanya, sosyal na restaurants at bars, magagarang mga bahay at kotse, atbp. Parang pinakita ng ang mga pinagdaanan ng mga tauhan ay nangyayari lang sa mga mayayaman. Pero maliban dito, napaka-innovative ng pelikula. Walang malinaw na bida/kontrabida. At dahil dito hindi rin malinaw kung naging happy o tragic ending ba. Hindi saksakan ng cheesy o iyakan. Gustong-gusto ko ang mga katangiang ito. Halos sa mga indie o art films mo lang makikita ang ganito. Sinimulan na ni Jun Lana ang pag “level-up” ng Filipino drama na genre. Isang genre ng paborito at impluwensyal sa madla. Maraming maninibago, kita naman kasi hindi ganong kumita noong film fest, pero sa wakas ito na ang isang pelikula na dinidiserve ng Filipino audience. Isang matalinong audience.

Sabi nga noon ni National Artist Lino Brocka, hindi lang paggawa ng mahusay na pelikula ang responsibilidad ng film maker, kundi pati ang paghubong ng mahusay na mga manonood. Noon, kailangan mong pumili, tangkilikin ng mga kritiko o ng mga tao. At dahil dito, nagkaletse-letse ang industria. Kung hindi saksakan ng simple ng pelikula, saksakan naman ng lalim. Sabi ni Lino Brocka, dapat dahan-dahan ang proseso, para ituro sa lahat na ang sine ay hindi lamang libangan na para maaliw sila kundi isang sining na intrumento na baguhin ang kanilang mga pananaw. Sa paghataw ng indie cinema, hindi na pwedeng umasa sa mga tried and tested formulas ang mainstream. Makikita ang dahan-dahang pag unlad ng mainstream kapag titignan ang ilan sa mga nakaraang pelikula; The Road at The Healing (horror), Manila Kingpin (action), Baler (historical) at ngayon Yesterday, Today, and Tomorrow. Mahaba pa ang tataking daan, pero kung sa kalidad ng pelikula, kahit papano hindi nagpapahuli ang mainstream cinema.

href=”https://jacoblaneria.files.wordpress.com/2012/09/yesterday-today-tomorrow.jpg”>
photo credits:http://micamyx.com/2011/12/08/yesterday-today-tomorrow-a-star-studded-christmas-drama-from-regal/<a

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s