Bente (2009) at Personalang Pulitika


Lahat naman tayo mamatay sa huli, sa iba’t ibang paraan nga lang. May na sa-salvage, may nahuhulugan ng billboard, may nalulunod sa poso negro. Mababasa mo sa dyaryo araw-araw. Bente pesos na lang halaga ng buhay ng Filipino ngayon.

Hindi na ako sigurado pero parang ganito ang takbo ng sinabi ni Arnie (Jinggoy Estrada), isang radio commentator sa kanyang asawa nang sinabihan niya ito na marami na siyang kaaway. “Bakit? Natatakot ka ba?” dagdag pa niya. Si Arnie ay isang maingay na kritiko ng Mayor (Emilio Garcia) na kababata rin niya. Kinausap din siya nito, hinay-hinay muna sa pagtira, parating ang eleksyon. “Trabaho lang,” sagot ni Arnie. Bago pa ilantad ang mga bagong anumalya sa komunidad nila, pinapatay na siya ng kanyang kaibigan.

Ang tauhang pinadala ay sina Roman (Richard Gomez) at Caloy (Ryan Eigenmann), isang beterano na sa trabaho at ang isa, atat nang makatikim ng aksyon at magamit ang baril. Habang sinusundan nila si Arnie, nakita ni Roman ang kanyang asawang may tinatagpong ibang lalaki. Pumunta sila sa isang free-lance ‘wire tapper’ (ala The Conversation) para malaman ang mga records ng mga tawag ni Arnie. Nakiusap si Roman kung pwede ring pakingan ang mga tawag ng kanyang asawa.

Nalaman naman ni Mervin (Aldren Gatchalian), isang aktibistang liber na buntis ang kanyang nobya, si Reese (Glaiza de Castro). Nakiusap ito na pwede siya munang mag-lie low dahil sa darating na bata. Pero sinusundan na rin si Mervin ng militar. Sa huli nagkabuhol-buhol na ang mga kwento nila at natapos sa maraming kamatayan.

-0-

Mahina ang mga pagbuo sa mga tauhan, puro stereotypes: “ang matapang na komentator”, “ang kurap na pulitiko”, “ang hitman”, “ang aktibista”. Medyo hindi rin na gampanan ng mga artista ang kanilang mga role ng maigi. Kahit maraming pagkukulang, mahusay namang nagawa ng pelikula na ipakita ang pagkabuhol-buhol din ng personal na buhay sa pulitikal. Ang kontrdiksyong ito ang nagpapatakbo ng kwento.

Ang kurap na mayor ay marami kabulastugan pero sinisikap niya ring maging mabuti ama. Mainit magbanat si Arnie pero ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ng Mayor. Handang panindigan ni Mervin ang kanyang nobya pero ayaw nilang babayaan ang mga responsibilidad. Gustong matapos ni Roman ang trabaho pero na-distract siya at eventually na-overwhelm sa problema sa asawa. Nang binanatan na rin ng asawa ni Arnie ang Mayor, pinagtangol na siya ng kanyang nanay, “Ano ba ang ginawa ng anak ko sa inyo?” Siguro mabuti siyang anak-ama-asawa pero ang problema ay yung pagiging mayor niya. Ang pagbanat sa kanya bilang mayor pero pinagtatangol siya bilang tao. Pinapakita lang nito na ang debateng pulitikal sa bansa ay isang malaking blur. Walang patutunguhan ang mga batikos at pagtatalo dahil hindi malinaw o nililinaw kung ano ba ang pinag-uusapan. Dahil dito, ang karamihan ay wala na ring pakialam. Ang pelikulang ito ay para sa karamihan na ito.

-0-

Sa isang lipunang mahirap ang buhay at hindi kaya ng estado na panatilihin ang kaayusan at respetuhin ang mga basic na karapatang pangtao, lalong tumitibay ang pamilya bilang isang institusyon. Walang matinong retirement program kaya responsibilidad ng mga anak na alagaan ang mga magulang. Mahina rin ang health care at edukasyon, kaya ang mag-papamilya rin ang nagtutulungan. Pero may delekadong aspeto ang sitwasyong ito kapag ang isang pamilya o iilang pamilya na ang may hawak ng kapangyarihan. Kaya nga laganap ang mga political dynasties at ang pinakasukdulang manifestation nito ay ang Maguindanao Massacre na nangyari ilang buwan pagkatapos pinalabas ang pelikula.

Mga aktibistang at journalist na pinapatay, mga kurap na pamilya, mga lumang balita na lahat na ito. Nakakasuka nang makinig sa mga ganito balita, kaya lahat gusto nalang manood ng mga masasayang pelikula. Gusto ng Bente at ng kilusang indie film na baguhin ang pananaw na ito o kahit mai-representa man lang ang mga tao at karanasan hindi mo, bilang isang nag-aaliw manood, gustong makita o malaman. Matagal-tagal pa bago maabot ang layunin na ito dahil mismo sa presenya ni Jinggoy Estrada sa cast. May isang taong makapangyarihan na handang makipagtulungan para mairepresenta ang mga pinapatay na mga aktibista at jounalist pero wala namang siyang ginawa bilang senador para sa kanila. Matagal pa nga bago matangap ng mga tao na ang personal at pulitikal ay iisa. Iba ang trabaho ni Jinggoy bilang artista sa tungkulin niya bilang senador sa pelikulang ito ni Mel Chionglo.


photo credits: http://cf2.imgobject.com/t/p/original/abEfMug7ATyz2hbGudbFjx1Nsjo.jpg

Pisay (2007) at Ang Paghubog sa Mga Totoong Intelektwal


Higit sa lahat, ang Pisya ay isang kwentong hayskul: naive, nostalgic sa punto ng pagiging idealistic, nakaka-kilig, etc. Pero sa ilalim nito isa rin itong imbestigasyon sa kung ano ba talaga ang posisyon ng isang bata, isang estudyante, isang intelektwal sa kanyang lipunan at panahon na ginagalawan. Ang pelikula ay tinatalakay ang buhay hayskul ng walong estudyante na nakapasok sa Philippine Science Highschool noong 80’s, patapos na ang Martial Law. Binase ito ni Aureous sa mga ka-batch niya mismo.

Hinati ang kwento sa apat na taon ng hayskul. Noong freshmen year, ang focus ay sa relasyon ni Rom, matalino pero mahirap at ni Wena, anak mayaman. Tindera ang nanay ni Rom habang OFW ang tatay sa Saudi, malaking tulong ang scholarship at stipend ng Pisay sa kanya. Si Wena, anak ng importanteng tao (malamang isang cronie ni Marcos) at taga-Negros (malamang haciendera). Mahilig siyang masulat ng mga kwento at mga tula pero hindi pinayagan mag-aral sa Philippine High School of the Arts, masyado raw malapit sa mga rebelde. Usual na problema, love over studies. Sophomore year, nakatuon ang kwento kay Mat, probinsyano, taga-Cebu. Magulo ang buhay dorm, halos niya lang maplantsa ang uniporme, may mga bully pang roommates. Nagkaletse-letse na ang grades ni Mat. Malaki ang pressure sa kanya, hindi lang ng pamilya kundi ng buong kumunidad.

Third year, kwento na ni Liway at Andy. Si Liway, may lahing katutubo, aktibo ang tatay sa kilusan, magaling sumulat (EIC ng school paper kasama ni Wena), matinik sa social science pero mahina sa chem. Si Andy, applicant for officer sa CAT ng school, matinik sa chem pero mahina sa social science. Habang lalong umiinit ang sitwasyon sa labas ng skwela, nagtulungan sila para parehong makapasa. Pagkatapos ng taon, umalis na si Liway. Lastly, senior year, malapit na silang gumaduate, kailangan science or applied science course ang kukunin kung hindi babayaran ang lahat ng gastos ng Pisay. Hindi matanggap ni Euri kasi gusto niya mag-aral ng theater. Gamit ang talento at sa tulong na rin ng ilang prof, sumulat siya ng isang dula para banatan ang sistema na kinaroonan nila. Tinawag niya ang Pisay na isang ‘Manukan’ kung saan hinuhubog lang ang mga estudyante para i-pagsabong sa isa’t isa. Natural, sinensor ang play. Kaya tinanghal nila ito sa kalsada. Hanggang sa sumali na sila sa EDSA People Power, nag-graduate at mas nakilala ang mga sarili.

-0-

Ang Pisay ay mas isang critique kesa isang tribute sa PSHC at pati na rin sa sistema ng edukasyon sa bansa. E ano ngayon kung ‘the best of the best’ ang mga estudyante? Isa ba itong garantya na magiging mabuti siyang mamayan? Kung iisipin ang mga taong nakagawa ng pinakagrabeng pinsala sa kasaysayan ng mundo ay yung pinakamatatalino.

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Filipino sa Edukasyon. Nakatatak sa kamalayan ng mga tao ang mga kasabihan na “kabataan ang pag-asa ng bayan” at “edukasyon lang ang yaman na hindi mananakaw”. Nilalagay ang sa frame ang diploma, graduation picture, awards, certificates, medals. At hindi lang nilalagay kung saan-saan, dapat sa sala para makita ng mga bisita. Dahil sa hirap ng buhay at sa kakulangan na rin ng matinong suporta galing sa estado, ang edukasyon ay isa nang pribelehiyo hindi isang karapatan. Tulad sa pinakita sa Pisay, ang mabuting edukasyon ay mabuting investment. Kaya hinati ang klase sa dalawang pangkat, yung magagaling at mga kulelat at ang gustong gawin ng admin ay i-focus pa ang efforts sa mga magagaling. Sa panahon na magrebelde ang mga estudyante, laking dismaya ng mga teachers kasi ‘sayang ang talino’ nila. Ito ang edukasyon sa bansa; tinuturuan kang magsulat, magbasa, magbilang, pero wag ka nang tanong sundin mo na lang ang kung ano ang dapat. Kung sinunod ito ng mga kabataan noong Martial Law, malamang hindi nangyari ang EDSA.

-0-

Tapos na ang Martial Law at EDSA, ano ang gustong sabihin ng Pisay? Marami. Malaki ang inimprove ng sitwasyon pero may kahirapan pa rin, human rights violations, pagkukulang sa serbisyong sosyal. Ang mga estudyante ng Pisay ay produkto ng panahon nila. Namulat sila dahil sa mga malawakang rali, pagpatay kay Ninoy, etc. E, ngayon, wala na ang mga ito.

Kaya nandito ang Pisay para ipakita na mas kailangan maging kritikal ng mga estudyante dahil sa dali ng buhay ngayon. Kailangan baguhin ang pananaw na ang edukasyon ay para lang mapabuti ang sariling kalagayan at madalas ng pamilya. Nag-aaral ang mga tao para makatulong sa kanyang lipunan, kaya nga pinaggagastusan ng estado. Kung mauunawaan ng mga tao ito, malaking pagbabago siguro ang makikita sa ugali ng mga taga-Pisay o UP o kahit sinong may pinag-aralan. Ang totoong intelektwal ay hindi lang alam ang mga tamang sagot kundi alam din kung ano ang mga tamang tanong. Matutunan mo lang yan sa labas ng klasrum, at marahil sa loob ng sinehan sa mga pelikula tulad ng Pisay.

Gasgas na ang geist ng pelikula, “follow your dreams, break the rules, love your country, love yourself”. Pero kailangan itong sabihin ulit sa simpleng dahilan na iilan na lang ang gumagawa nito ngayon

.
photo credits: http://en.wikipilipinas.org/images/e/e7/Pisay.jpg

Karnibal


Nakatutok ang lahat ng ilaw sa kanila,
ang mga damit at mukha ay
parang lumulundag na mga hardin.
Umaakyat sa mga posteng walang
hagdan, palipat-lipat parang lumalakad sa hangin.

Kung hindi ka lang sa loob ng teatro,
iisipin mong hindi sila totoo.

Nakatutok ang lahat ng dilim sa kanila,
ang mga damit at mukha ay
parang lumulundag na mga basura.
Natutulog sa mga lansangang walang
bubong, palipat-lipat parang lumalakad sa usok.

Kung hindi ka lang sa labas ng teatro,
iisipin mong hindi sila totoo.

Bagong Bayanihan


Noong unang panahon
sa nayon
ang bayanihan ay
okasyon ng buong
kumunidad.
Bubuhatin ng kalalakihan
ang mga kubo habang
naghahanda ng makakain
ang mga babae’t mga bata.
Lahat ay tumutulong
panatag sila rin ay
tutulungan kung kinakailangan.

Madaling manawagan ng
pagkakaisa
noong hindi pa gawa sa simento mga bahay at kalsada.

Sa panahon ngayon
sa syudad
ang bayanihan ay
okasyon lamang kapag may
kalamidad.
Aanurin ng unos at baha
ang mga kubo habang
naghahanda ng makakain
ang mga hindi nasalanta.
Lahat ay tumutulong
sa kapwa gamit ang pakikiramay
at isang supot ng pag-unawa.

Madaling manawagan ng
pagbangon
ang mga taong kailan man ay hindi pa gumapang.

City’s Present


Brighter lights emerge
around the graves
of salt fields and
fishing ponds
as the remaining open
spaces revolt wearing
amulets to protect them
from bullets,
louder nights fill this part
of the city
as the
Royal Street
become a backdrop of
an indigenous
film nior
playing in the roots
of the fossils in the
New American Empire,
its soul elsewhere.

Streets no longer spell
celebration or despair or struggle,
not a place for beginnings,
one would lose the
concept of age
in a city who
doesn’t want to be left behind
but doesn’t bother
to
stand up.

The rain is not helping.

Cafe at Valeria Street


I was drinking coffee
that’s already cold and sweet
in a cafe my father would
have never liked because
it was quiet and chilly unlike
the ones where he brought
me as a child: conversations

grew heated as they wait
for their coffee to cool
with the angry voice of
a political commentator
in the background instead
of sweet slow songs of love.

There is man seated outside
in the area for customers
who smoke, unsatisfied with
the city’s unconditional fumes.
He plays with his gameboy
while waiting his lady to arrive
and his drink to melt.

A woman beside my table
excitedly greets a friend
who managed to slip out
of the office, from a bank
nearby, I can tell. They ordered
cookies and narrated their
lives so far. Both are relieved.
I don’t blame them, counting
other people’s money can
really get to one’s nerves.

A group of Koreans enter,
the employees greet them
enthusiastically, bracing
themselves. One of them
asks for the vacant chair
in front of me, I said sure.
They talk in their tongue,
recklessly taking out
large Filipino bills. I can
tell, they like the place.

I’m done with my frappe,
however you say it,
but some cream is
left on the glass, I’d like
to finish it but the sound
created by sucking the
straw is just too awkward.

I smiled at the guard,
defender of the haven,
who opened the door for me
as I entered back to a scene
my father will surely find
familiar, though the world
has more faces now:
dusty and cruel beneath,
the one-way street
of Valeria.