Mga Kwentong Kababalaghan


Natatakot parin
ang mga tao
kahit alam na nila
ang mangyayari.

Nagaganap ang kababalaghan
sa mga lugar ng kapangyarihan;
senoritong napapakita sa caretaker
sa lumang Mansion,
estudyanteng nagpakamatay
gumagala
habang naglilinis ang janitor
sa isang gusali ng Pamantasan,

pugot na misionero sinasamahan
ang mga nagdadasal na Indio sa
Simbahan ng Kastila,
at ang banyagang negosyante
pinatay ng kinakasama sa kwato
ng Hotel ng Amerikano.

Ang mga kwentong ito ay
may sinusunod na anyo dahil
hindi na natatakot sa patay
ang mga taong namanhid sa buhay.
Ang nabuhay nang marangya
lamang ang takot lumisan
sa mundong ito at pipiliting
ito’y balikan.

Dapat matakot ang lahat
dahil alam nila ang mangyayari
kapag ang mga kwento ng lagim
ay tungkol sa ordinaryong tao
at hindi sa mga kabataang
nagbabakasyon hindi kasama
ang mga magulang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s