Tag-araw at Tag-ulan sa Syudad


I
Hindi nagdadaos ng pista ang mga taga-syudad,
Masyadong marami ang magiging bisita at
Walang lugar kakainan ang mga taong di-kakilala.
Walang gustong mantili sa syudad tuwing
Tag-araw dahil sa alikabok nakikihalo sa pawis
Lahat bumabyahe papuntang dagat para
Yakapin ang init at ang walang pamasahe ay
Nakukunteto sa nilalangoyan ng bapor at basura.

II
Ang tag-ulan sa syudad ay ibabalik ka sa iyong
Pinanggalingan; ang baha ay pipilitin kang mamangka
Tulad ng mangingisda at ang putik pagkatapos
Ay gagawin kang magsasaka, nagtatanim ng makakain.
Ang tubig na hinihingi mo noong tag-init
Ay bumuhos para sirain ang iyong mga lumang sapatos.

III
Iilawan ng syudad ang iyong pinapangarap na kalayaan:
Ikaw ay pipili ng iyong pagkain, damit, at libangan.
Hindi mo nga lang mabibili kung hindi binibenta,
Hindi mo mabibili kung wala kang pera.
Ang mga ilaw ang magpapamanhid sa iyong
Pagod, hindi mo na makakamusta ang araw ng
Katabi mo sa jeepney; estudyante, empleyado, bata.
Kayod at aliw, iilan lang ang iyong makikilala
Sa panahon at buhay sa syudad na napakabilis.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s