Isang Umaga sa Malate


Nakakabalisa ang tahimik ng kalye—
makukulay ang mga gusali ng aliw
pero patay ang mga tugtog at ilaw.
Ang empleyadong naglalakad sa
harap ko ay umiwas sa pulubing
tinanghali ng gising sa paseo
habang nagdedebate ang mga kalalakihang
nag-aalmusal ng goto kung tama
o mali ang pagdanak ng dugong Muslim
sa Katimugan. Nagdarasal ang buong
parokya na sana Filipino ang sunod
na Santo Papa.
Sabi ko sa kakilalang nakasalubong,

“Punta muna ako sa kabila baka bukas
na ang tindahan ng libro ni F. Sionil Jose.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s