Mga Dahilan at Damdamin


1. Mag-ingat sa taong isinusumpa
na siya’y nakapaglakad na sa ulap.

2. Ang binata kahit
hindi pa naman madasaling
tao ay bumibigkas na
tungkol sa Langit
tuwing naririnig ang tinig
ng kanyang iniibig.

Ang dalaga kahit
hindi pa rin makabasag ng baso
ay hinahalintulad na ang pangungulila
sa kanyang manliligaw sa
mga hiyaw at apoy ng Impierno.

Baka ito ang mga dahilan
bakit tayo naliligaw
sa kung saan-saan,
ang dalawang kasalanan;
paggamit ng mga
lugar na hindi pa natin napupuntahan
at
pagsamba sa mga bagay
na sa atin ay walang kinalaman
tulad ng maamong buwan.

3. kahit
nakabasa ng libro sa pisika
ang makata
ay tumutula pa rin
tungkol sa mga kislap
ng mga tala
siya mismo ang lumilikha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s