Hubad na Horror: Isang Pagbasa ng Di Ingon ‘Nato (Brandon Relucio & Ivan Zaldarriaga, 2012)


Ang pelikulang Di Ingon Nato ay isang bagong pelikula, nag-compete sa Cinema One Originals 2012. Walang duda ang impluwensya ng mga ‘zombie-post-apocalypse’ na material sa pelikula lalo na ang TV series na The Walking Dead. Nakaka-aliw ng ambisyon nito na gumawa ng isang Pinoy Zombie Movie. At walang duda rin na kung itatabi mo ito sa mga tipo ng The Walking Dead ito’y mae-etsapwera. Mahina ang suspense, and drama, medyo okay lang ang ‘gore’, at masyadong sabog ang kwento.

vlcsnap-2013-03-29-19h06m33s246

Pero nagandahan pa rin ako sa Di Ingon ‘Nato. Iba ang atake nito.

Sa pagpapanood ng Di Ingon ‘Nato kailangan na i-consider na walang iisang horror genre, parating may cultural context ang mga ito. Ang iba’t ibang lipunan ay may kanya-kanyang mga ‘horrors’ or anxieties na pwedeng makita sa mga klase ng kwento na pinu-produce nila at kinu-consume. Ang mga horror movies sa US at iba pang ‘developed countries’ ay madalas tungkol sa nakakasakal na sistema ng subra-sobrang individualized na lipunan. Mga kwento tungkol sa mga teenage psychopaths na walang mga kaibigan, mga serial killers na merong malungkot or traumatic na childhood. Sa mga bansa naman tulad ng Pilipinas ang mga kwento ay tungkol sa anxieties ng pre-modernity. So ang kwento ay umiikot sa mga aswang, sumpa, kulam, multo. Kung sa ‘developed countries’ malaki ang role na ginagampanan ng police or justice (state) para maresolba ang conflict sa Pilipinas naman ang pinakapangkontra ng mga pwersa ng kadiliman ay relihiyon. Kaya trip ng mga taga-‘developed countries’ ang mga horror stories galing Japan, Korea, at Taiwan. Yan din ang dahilan bakit nagustohan nila ang mga pelikula ni Yam Laranas (Sigaw, The Road) na hindi naman naging ganun na kasikat sa bansa kung ikukumpara mo sa mga horror movies ni Chito Roño.

Ang post-apocalyptic zombie genre ay isang bagong phenomenon sa ‘developed countries’. Kung lumabas ito, say 10 years ago, walang makaka-gets nito. Siempre dyan si George A. Romero at ang kanyang mga likha pero isa lang ito sa maraming subgenre ng horror noon. Ngayon, ang end-of-the-world genre ay muling umuusbong at ang zombie movie ay isa lang sa mga permutations nito. Mula sa The Day After Tomorrow, 2012, Children of Men, nagiging uso ang mga ganitong klaseng kwento. Bakit kaya? Noon pagkatapos ng World War Two lumabas ang 1984 ni George Orwell, Brave New World ni Aldous Huxley, at noong Cold War naman ang Watchmen ni Alan Moore. Lumabas ang mga texto na to para ipakita ang matinding anxieties sa mga panahon na yon. So ano na ang problema ngayon? Sa tingin ko umuusbong ang mga end-of-the-world texts na ito sa pinakasimpleng dahilan na wala na silang problema. Or at least yun ang impression sa pinaniniwala sa kanila. Masyado nang boring ang buhay sa First World, at ang kakulangan ng ‘human drama’ na ito ay pinupunan ng mga shows tulad ng The Walking Dead.

Ngayon bakit hit ang The Walking Dead sa Pilipinas? Sa simpleng dahilan na ang maliit na porsyento ng populasyon ng bansa ay nakakarasan din ng dullness ng marangyang buhay. Ang mga taong tumatangkilik ng The Walking Dead ay yung may cable TV, or internet at laptop lang. Mga kabataan at middle-class. Hindi na swak sa taste nila ang mga ‘pre-modern’ horror stories ala Peque Gallaga na kinalakihan ng kanilang mga magulang, at patuloy na pinapanood ng mas nakakaraming Filipino. Maganda ang Di Ingon ‘Nato kasi ang sinasubvert nito ang estilo ng The Walking Dead. Bilang indie film pinaninindigan pa rin nito ang pagiging cinema of the subaltern. Kwento ito ng zombie apocalypse pero hindi tungkol sa mga (sub)urban middle-class na nagka letse-letse ang buhay dahil sa mga zombies kundi tungkol sa mga rural lower class na mahirap na nga ang buhay pinalala pa ng zombies na lumusob sa tahimik na baryo nila. Isa pa, ang pelikula ay Bisaya. Nasa sentro at hindi sa gilid ang vernacular, lahat ay nagsasalita ng Bisaya kabilang ang makilalang artista tulad ni Rez Cortes at Mercedes Cabral.

Madaling na overrun ang buong baryo, sa katapusan, tinakpan nalang ng isang bidang babae ang mata ng kasama niyang survivor na bata habang hinihintay ang tiyak na kamatayan. Ito na marahil ang pinakahubad na horror movie na napanood ko. Pinapakita ang mga buhay ng mga nasa margins (regional/vernacular/rural/lower class) ay walang redemption, walang salvation.

vlcsnap-2013-03-29-19h06m44s100

vlcsnap-2013-03-29-19h06m06s208

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s