Mga Eksena sa Tag-araw


Sabay pumunta sa beach
ang buong opisina, kasama
ng ilan ang kanilang pamilya—
sumusunod ang madla
sa magagarang damit ng mga
santong meztiso’t meztisa—
habang ina-upload ng
kabataan ang mga litrato
ng halo-halo bago nila
sirain at lasapin ang
tamis ng ginaw—
hindi pinapansin ng mga
edukado ang mga kandidato
bumibili at nagbebente ng boto—
sabi ng taga-PAG-ASA
uminom ng maraming tubig
at iwasang lumabas ng walang
sun screen, lalo na kung tanghali—
pinoproblema ng magsasaka
ang mga pananim tinuturing na
kaanak, nakalibing sa tingang na lupa.
Sadyang
hindi pantay-pantay ang sinag
ng tag-araw sa bayang
takot umitim.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s