Election Special


Nang tinigil na ang lahat
ng mga patalastas
ng mga kandidato
nagsimula ang isang programa
kung paano gumagana ang sistema;
mula sa mahika ng statistika,
dramang pulitika pampamilya,
bakit binoboto ng mahihirap
ang mayaman pagkatapos
silang kamayan,
pinatahimik ang obispo’t artista,
pinasalita ang intelektwal.
Nagbago ang aking pananaw sa
lipunan na ginagalawan,
sumiklab ang apoy sa aking
dibdib para sa lupang hinirang.
Nagdasal ako bago matulog
na sana hindi ako nag-iisa,
ala-una ng madaling araw pa
naman natapos ang programa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s