Ati de Aircon


Pumasok ako sa mall
para tumakas sa mga
kalyeng binabaha ng tao
at nagulat ng makita
na wala itong masyadong
pinagkaiba;
parang kulog ang tunog
ng mga tambol sa sarili
nitong Ati-ati,
namamangha pa rin
ang lahat kahit
alam kung ano ang sa
ilalim ng pintura.
Nag-ikot ako at kahit
tindahan ng libro ay sumisikip
pati banyo ng lalaki ay
may pila—pero
kalahati lang ng sa babae.
Lumusong pa ako sa
mga ilaw at mga imahe,
ang ilan, sumandal na lang
sa gilid, nakatingin sa ibaba
sa dagat ng tao, nagtataka,
bakit sila lumabas ng bahay,
ano ang ginagawa ko dito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s