Pananampalataya


Hindi na ako naniniwala sa pulitika
pero bumoboto pa rin ako,
mahirap ang bansagang kalaban ng progreso.

Hindi na ako naniniwala sa rehiliyon
pero nagsisimba pa rin ako,
mahirap ang bansagang antekristo.

Hindi na ako naniniwala sa pag-ibig
pero nagpakasal pa rin ako,
mahirap ang bansagang manhid at walang puso.

Hindi na ako naniniwala sa edukasyon
pero nakapagtapos pa rin ako
mahirap ang bansagang barbariko.

Hindi na ako naniniwala sa kabilangbuhay
pero nakikiramay pa rin ako
mahirap ang bansagang galing impierno.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s