Makabagong Kasabihan


“Hindi kagandahan
ang sukatan
para mahanap ng pag-ibig
na tunay at walang hanggan.”
sabi ng kandidata
sa interview portion.

“Hindi mahalaga
ang grado at hindi
matutunan ang lahat
ng bagay sa loob
ng pamantasan!”
sabi ng summa cum laude
sa kanyang talumpati.

“Hindi nabibili
ng pera ang
kasiyahan sa buhay”
sabi ng haciendera
sa kanyang alalay
nang siya ay iwanan
ng kanyang asawa.

“Kahit may tiyaga ay
wala pa ring nilaga!”
sabi ng mangmang,
panget, at dukha
bago siya pinagalitan
sa pagbaluktot
ng isang matandang kasabihan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s