Mukha ng Kasaysayan


Ang pinakamalupit
na parusa
sa katawan ng Filipino
ay hindi kanser, ulser,
o kahit pagkaparalitiko;
ito’y walang ba kundi
pagkabulag.

Ang munting pares ng bola
ang pangunahing daluyan ng
pagnanasa sa ating lipunan.
Kaya mahilig tayo sa mabigat
na alahas at di-komportableng
damit, makukulay na komiks at
malalaking kotse, teatrong masaya
at magaan na pelikula, paghiyaw sa
kandidata sa beauty contest at
pagsabay sa mga kanta ng konsyerto.

Saan nanggaling ‘to?
Ang ating mga ninuno ay
nagsisimula pa lang magbasa
at magsulat sa dahon at kawayan
nang sakupin sila ng mga
ligaw na Kastila; tinuruan
ng pasyon at komedya
pero hindi magbilang at kumatha.
Pagdating ng mga Amerikano
pinatikim sa kanila ang edukasyon
pati na ang radyo at sine,
at ang direksyon papunta sa tutok
ng mundo ay papuntang Estados
Unidos.

Ngayon mas gusto ng tao
ang bulag na maglakwatsa sa
mall kesa
makibaka sa lansangan dahil nga
ang Kasaysayan ay mababasa
pero hindi nakikita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s