Santacrusan


Sa mga unang araw ng linggo
medyo mahinhin pa ang mga totoy,
umiiwas sa init, pagod, sakuna,
pagkatapos ng isang buwan pwede
na magbasketball ang mga binata
hinihintay kada araw ang pagtangkad.
Hindi alam ng nakakarami, tinutuli
rin ang mga babae, kahit sa labas
ng Afrika; ang mga dalaga ang sumasalubong
ng tag-ulan; tinitiis ang heels at
binabalanse ang pettycoat, ngumingiti
kahit nalulusaw ang make-up; dapat
pusturang-pustura, pambihira ang mapiling
iparda
kasamaang mga santa.
Dapat maayos din ang barong ng
konsorte, maayos ang tikas, maginoo,
wag kalimutan ang bulaklak sa arko.
Dyosko, tyak na masalimuot
ang pista ng tag-araw kung
walang mga bakla!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s