Bagong Lumang Kwento


Nakapagtataka ang ugali
ng imperyo ng ilaw,
binubuhay nya ang mga
lumang alamat, kabaliktaran
sa nakasanayan. Sina
Hanzel at Gretel ang ginawang
mga mangangaso ng malimaw;
kompleto ang gamit, baril, pangkontra,
angas. Si Little Red Ridinghood
ay ginawang femme fetale
sa munting film noir sa
baryo. Si Snow White dalawang
kwento pa ang ginawa; matapang
na babae, matalino, madiskarte,
masama sa negosyo ang mga
galit na peminista. Nitong
huli pati ang kwento ni Oz
ay pinaliwanag; ang realidad
sa likod ng usok ng ilusyon
ay ginawa pa ring bayani.
Kailan kaya maririnig ng mga
bata ang kwento nina
Taruc,
Sakay,
at Bonifacio?
Mukhang malabo,
malaki ang malulugi sa negosyo,
pagnamulat
ang tao na ang rebolusyon ay
hindi mito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s