natutulog pa rin naman


Naglalakad kami sa kahabaan
ng kayleng pinangalan kay
Ninoy pero kinalakihan
naming tawaging Diversion Road.
Mierkules ng gabi pero tuloy
ang kasiyahan sa mga
orihinal na mga bahay aliwan,
nanganganib lamunin ng
pinalapad na kalsada.
Tinuro sa amin kung saan
nakayo ang mga bagong
gusali na dati’y asinan
at tapunan ng bangkay
ng mga sina-salvage.
Kinamusta namin siya, ang buhay
katabi ang isang tumutubong
tore ng condo, parang kabuti.
Ayos naman daw, parang simbahan,
tinitingala at hinahangaan kaso imbes
na tutunog ang mga kampana sa oras
lamang ng pagdasal, sinasabayan nito
ang bawat segundo, bente kwarto oras
ng pagtanim ng mga haligi. Patuloy
ng kaibigan kong ka-baranggay ang gimikan,
natutulog pa rin naman
ang Mandurriao
pero nagpupuyat ang mga
empleyadong naghahanda ng iyong
makulay na milk tea.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s