Brownout


Gigisingin ka sa umaga dahil
sa init (sa kabilang parte ng mundo,
sa lamig, pero bihira din mawala
ang kuryente doon, sa pagkakaalam ko).
Maiinis ka kasi maaga ka pang
babangon sa araw na walang pasok
sa opisina o eskwela. Gusto mo
sanang mamasyal sa mall
pero wala ka namang bibilhin
at lalong wala kang pera.
Sabi ng kapitbahay, buong araw
ang brownout, wala na ang may
pakialam kung bakit na naman o
kung may problema. Sa hapon,
para makapagpatay din ng oras,
susubukan mong mag-siesta pero
pagkatapos ng kalahating oras titigilan
mo rin ang pagloko sa sarili.
Magbabasa ka nalang ng libro na
kailan mo pa gustong tapusin,
pupwesto ka sa bintana para sa ilaw
at hangin. Pagpatak ang alas sais mawawala
ang iyong lumbay, papaandarin ang laptop,
electric fan, mga ilaw, charge ng cellphone
at itatago muli ang libro. Pakiramdam mo,
nasayang ang iyong araw pero mabuti nalang
hindi ka nabaliw sa tunog ng generator mula
sa malalaking bahay buong maghapon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s