Isang Bukas na Liham para sa Mga Anak ni Villa


Lumaki kayo sa paniniwala na
ang sining ay may angking hiwaga;
hindi kayo nag-iisa.
Lumaki kayo nagmumumok sa isang gilid,
subsob sa hawak na libro, naglalakbay
sa isang mundong binubuhay;
hindi kayo nag-iisa.
Lumaki kayong mahigpit ang pananampalataya
na ang panitikan ay isang lunas
sa masalimuot na pag-iral;
hindi kayo nag-iisa.

Pero bakit kayo natatakot ialis ang paningin
sa pahina? Marinig ang sariling boses?
Kabahan sa sariling sigaw?
Bakit natatakot sa madla, sa karaniwang
mambabasa at nakokontento sa pagsamba
sa isa’t isa?
Bakit pinagnanasahan ang mga puri
ng dayuhan sa inyong talento
sa kanilang wika para ipakita ang
natatangi’t eksotikong nakagawian mula
sa munting baryo, munting bayan
sa ngalan ng lahat na bagay
na unibersal at eternal?

Ano ba meron dyan sa loob nyo
na mas makulay pa sa lansangan na dinadagsa ng sigwa,
na mas dalisay pa sa paglaban sa mga halimaw ng pang araw-araw,
na mas dakila pa sa musika ng pingkian at kasaysayan?

Matagal nang pinutulan ng bayag
si Lopez ng kanyang mga anak,
umasa kayong sasama kami sa
libing ng naaagnas na katawan at
ligaw na multo ni Villa.
Nahikay kayo sa panitik naming na pampurga
pero papayag nalang ba kayo na
ang iyong mga obrang hiyas ay
maging opyo ng may kaya?
Masyadong marami na ang nabuhay
at nakalimutan, sa parehong kampo
ng mga mahilig managinip.
Ihanda ang mga sandata,
mga panulat at salita
para sa tunay na himagsikan
para sa paggising
ng perehong manunulat at mambabasa
mula sa iisang bangungot
na umiiral bago pa ang dekada a-trenta.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s