Perfect Sense (David Mackenzie, 2011)


Mahilig ako sa mga neglected genre ng ‘serious’ criticism; sci-fi, horror, fantasy, comedy. May mga bagay lang talaga ang mga genre lang na ito ang may kayang i-articulate at hindi ang realist mode. Pero medyo ambivalent ako sa kaso ng Perfect Sense. Sci-fi pero sinusubukang maging art-film, or the other way around. Isang end of the world story kung saan dahan-dahang nawawalan ng senses ang mga tao; una pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin. Ang gumuguhong lipunan ang backdrop ng romance nina Michael (Ewan McGregor) at Susan (Eva Green). Ang lost of sense ay nagpapaala sakin ng konsepto ni Jameson na wanning of affect, kung saan lahat ng kinukunsumo sa panahon ng postmodernism ay mababaw at panandalian lamang ang gratification. Basically ang theme ay nihilism at paranoia ang sisira sa mundo, at ang resolution, pag-ibig. Mas naging irrational ang dating nila, lalo sila kinakain ng nihilismo. At ito sa tingin ko ang radical strain ng pelikula, kung ginagawa nyo pa rin ang ginagawa nyo ngayon, walang pagbabagong mangyayari. Ang Perfect Sense ay, sa tingin ko opposite side of the coin ng Children of Men. Habang itong nagroromansa pa rin, ang isa naman ay lumalaban.

Titanic (James Cameron, 1997, 2012)


Totoy pa lang ako noong mapanood ang Titanic. Alam ko yung kwento pero hindi na malinaw sa akin. Hindi na kontento si Cameron sa Avatar, pinalabas pa sa sinehan ulit, at malaki pa rin ang kita. Minsan nabasa ko ang isang article ni Roland Tolentino tungkol sa mga trahedya at ang kamalayang Filipino. Bakit daw naging hit ang Titanic sa mga Pinoy, eh wala naman silang idea kung ano ito, at ang significance nito sa maritime history. Ang hypothesis nya, madaling makarelate ang mga tao sa Titanic dahil ang trahedya pangdagat ay madalas mangyari, at hindi maresolba. Dagdag pa, pamilyar din ang mga Filipino sa poor boy-rich girl trope sa romantic movies. Ang reading ko naman sa Titanic, ay sa politikal na level. Ang Titanic ang dambuhalang steam ship na tumawid mula Europa papuntang America sakay ang ilang aristocracya at ilang new rich, at daangdang mga anakpawis kabilang si Jack (Leonardo DiCaprio). Sa tingin ko ang byaheng ito ay metaphor ng transition mula sa feudal na kaayusan patungo sa industrial na kaayusan, bagkus pati ang shift of power mula Europe papuntang Amerika. Ang paglubog ay nangyari noong 1912, ilang taon bago ang World War One, ang unang industrial war. Si Rose (Kate Winslet) ay membro na class na nawawalan na nang kapangyarihan kaya nga sya magpapakasal kay Cal (Billy Zane), anak ng isang industrialist na umasenso sa US, pero si Jack talaga ang gusto nya. At ang paglubog ng barko ay simbolo na maraming mawawalan ng buhay para sa historical transition na ito. Nostalgic ang aura ng pelikula noon 1997 dahil ito rin ay panahon rin ng maraming pagbabago, ang mundo ay papunta sa late capitalism. At kahit noong 2012, hit pa rin ito dahil di hamak na mas simple ang trahedya ng nakaraan kesa sa masalimuot na kasalukuyan.

Hellboy (Guillermo del Toro, 2004)


Isa ito mga pelikula na ilang beses nang ni-recommend sa akin, sa pinakamahabang panahon, mula hayskul pa. Pero tila hindi ito ang tipo ng superhero movie na talagang gagawan ko nang paraan para mapanood. Buti na lang at hindi ako nadismaya. Maaksyon, bastante ang acting, nasa lugar ang paggamit ng humor, refreshing diskarte ni Ron Perlman bilang antihero. Sa tingin ko lang, medyo sumobra na sa symbols. May Nazis na sa umpisa, may crucifix pa ang father figure ni Hellboy. Maliban na ‘excess’ na ito, wala akong problema sa pelikula.

Turks fruit [Turkish Delight] (Paul Verhoeven, 1973)


Nalaman ko ang pelikulang dahil sa kapatid ko, na nagkataong may nakita na parang ‘list of most fucked up films’ sa internet. At marami na akong napanood at nagandahan sa listahan na yon! Antichrist, Salo, A Clockwork Orange. Ito yung hinanapan nya ng kopya kasi daw love story. Love story nga xa, at medyo kailangan ng matibay na sikmura para ma-gets ang pag-ibig nina Erik (Rutger Hauer) at Olga (Monique van de Ven). Sex dito, panggulo doon, at sex ulit. Makwela, pasaway, offensive sa mores ng kahit kanino, hindi lang sa mga matatanda. Sa tingin ko ito ang mas carnivalesque version ng Last Tango in Paris. Pag-ibig sa pinaka-raw at ‘earthly’ na anyo nito. Ito daw ang considered greatest Dutch film of all time, dyosko, gusto ko yatang pumunta sa lugar kung saan mga ganitong klase pelikula ang pinagkakaaliwan ng nakakarami.