Danyag II


(Pasintabi kay Carlos A. Angeles)

Nakita ko na naman ang aking sarili sa lugar
kung saan nakahilera ang mga puno
sa tabi ng daan sa dahilang walang may nakakaalam.
Tulad ng dati,
tahimik ang hangin pero ngayon
kasama ko silang nangngungulila,
sa iyong mga protesta laban
sa karahasan at walang katarungan.

Sa danyag na ito, nakatayo pa rin ang dakilang puno sa gitna,
nag-iisa parang higanteng bulaklak
na sabi ko swak sa ilang eksena sa
simula o katapusan ng isang pelikula.
Para lang yan may talian ng
kabalaw at kambing ang mga magsasaka,
matamis mong tugon habang
isa-isa silang sinusundo nakaraang hapon.

At sa paglubog ng araw, sumasayaw ang mga tutubi,
sinubukan ko silang bilangin para
magtagal ako doon sa
lugar kung saan nakahilera ang mga puno
upang ipagpaliban ang mundo ng krisis
at kasaysayan na iyong buong pusong
nilusong habang ako
nandito pa rin nagpapalunod
sa pagitan ng hapon at gabi; mga imahen
ay hinahabi,
pilit nililimot na ito ang dahilan
kung
bakit mo ako iniwan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s