Ang Batang Makata


Ayos naman, sabi ng guro
sabay ngiti at bumalik sa pagbasa,
Kaso masyado yatang
matapang ang atake mo
maraming kilay ang tataas
sa usapin ng katiwalian,
pagnakaw ng lupa at buhay,
at hindi matapostapos na
himagsikan sa tula.
Lalo na yung mga matatanda,
lalo na yung mga sa Maynila
at yan ay kung ika’y malathala.
Tumango-tango lang ang batang makata
nalilito kung ano dapat nyang
maramdaman. Mukhang ang panitikan
ay kolonya ng pamantasan at
magkasing masalimuot lang
ang sitwasyon
sa loob at sa labas ng
mga antigong bulwagan.
Phase lang yan, dagdag ng guro
sabay ngumiti gamit ang unibersal
na ngiti

Advertisements

2 thoughts on “Ang Batang Makata

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s