Mga Aparisyon ni Sister Stella L


Nagkaroon din ako sa wakas ng pagkakataon mapanood ang indie film na Aparisyon (2012) ni Vicente Sandoval. Tungkol sa mga madre sa isang liblib na kumbento noong kasagsagan ng batas militar. Psychological drama ang approach sa pagtalakay sa mga tauhan at kanilang mga crisis sa kumbento pagkatapos na magahasa ang isang madre. Hindi ko maiwasan maalala ang Sister Stella L. (1984) ni Mike de Leon habang isa-isang sinusubukang malutas ng mga madre ang mga problema na kalakip sa pagkamulat sa realidad. At tulad ni Sister Stella L. inumpisahan din nilang kwestyonin ang posistion nila bilang mga madre sa lipunan. Hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang tinutukoy na aparisyon, ang lipunan noong batas militar or ang Diyos. Sa pangkalahatan, maganda naman ang pelikula. Pagkatapos, napuna ko na kailangan ko sigurong panoorin ulit ang Sister Stella L.

Aparisyon-new-theatrical-posted
image from http://www.interaksyon.com/entertainment/aparisyon-wins-audience-award-at-deauville-asian-film-festival-in-france/

Noong matapos akong sabihan ni Ate V na kung hindi ngayon, kailan? Ganun pa rin ang epekto ng pelikula sa akin: nakakapukaw ng damdamin; matalino pero hindi nangngangaral, tamang tama lang ang timpla ng drama. Pero ang pinaka-interesanteng punto, kahit hindi man lang na bangit, alam ng manonood kung ano ang conteksto ng mga pinaglalaban nina Sister Stella L. Hindi binangit ang batas militar para lang makalusot sa censorship noon. Naging advantage pa nga ito kasi matunog pa rin ang mensahe ng pelikula hanggang ngayon; kahirapan, pagsira sa mga union, harassment ng mga journalist at ang ambivalent na relasyon ng mga madre at pari sa pulitika. Hindi ako masyadong mapakali ngayon kasi bakit parang wala o konti lang pa rin yata ang may guts na talakayin ang batas militar sa pelikula. Sa Aparisyon, ginawa lang backdrop, naririnig mo lang ang mga announcement ni Marcos sa radyo. Ano na lang ang mangyayari sa mga batang henerasyon, na kinabibilangan ko, na hindi nakaranas ng batas militar? (Isama mo na ang usapin ng EDSA ‘revolution’ na hindi pa nagawan ng pelikula maliban sa isang Australian production) Makikita mo naman sa internet ang Marcos-fetish na nangangahulugan na very naive yung pag-unawa sa panahon na to. Kung hindi ma-manifest ang batas militar sa mga cultural artifact tulad ng pelikula, sa aktual na lipunan pa kaya?

Sister Stella L 84-2-small file
image from http://criticafterdark.blogspot.com/2009/03/mike-de-leons.html

Ayon nga kay Fredric Jameson, ang proseso ng nostalgia o pag-filter ng nakaraan ay napakadelikado. Ito ay dahil hinihiwalay mo ang mga kaganapan sa mismong kasaysayan, tinatangalan mo ng historicity. Ang labas nito, halimbawa ang batas militar ay nagiging resulta lamang ng isang henyong pangulo na naging masama kasama ang kanyang ambisyosyang asawa na mahilig sa sapatos, at hindi resulta ng Cold War politics o pagpasapasa at pag-aagawan ng naghaharing uri sa kapangyarihan. Pagtinangal mo ang konsepto ng nakaraan, tinatangal mo rin ang konsepto ng kinabukasan at ng pagbabago sa lipunan.

Sa tingin ko isa itong importanteng palaisipan sa mga filmmakers, indie man o hindi, kung gusto nilang sundan ang mga yapak ni Mike de Leon at iba pang batikang film makers, scriptwriters, artists noon.. Ang usapin ng batas militar ay mahalaga sa usapin ng pelikulang Filipino dahil kung kailan pa pinakamalakas ang politikal repression saka pa umusbong ang tinaguriang ‘second golden age’.

Kaliwa’t kanan ang pagtahak ng mga awards ng indie film sa labas ng bansa at dapat lang itong ipagmalaki ng industriya at ng lipunan. Pero ang tanong, napapanood ba ito ng mga tao? Ayon naman kay Roland Tolentino, dahil iilan lang ang may access sa indie films nagiging cultural capital nalang ito. Pagkatapos kong panoorin ang Aparisyon at Sister Stella L., lalo lang nagiging mas urgent ang pagkwestyon kung talaga bang maiituturing ‘third golden age’ ang indie movement.

“Kung hindi tayo ang kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?"

“Kung hindi tayo ang kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?”


image from http://www.rappler.com/move-ph/37654-film-theater-literature-martial-law

One thought on “Mga Aparisyon ni Sister Stella L

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s